Chapter 1

21 5 0
                                    

Ria's POV

*Kriiiiingggg... Kriiiiiiinggg*

"Waaaaaaah!" Sigaw ko sabay inat inat ng mga kasu kasuan.

Isa nanamang bagong araw!

"Gooooood Mooorninggg Philippines!" Sigaw ko.

"Ano ba Ria! Mag patulog kaaaa!" Reklamo ng nasa kabilang kwarto ng apartment na inuupahan ko.

"Ano ba Bea! Umaga naaa! Gising naaaa may pasok ka paaa gaga!" Sigaw na tugon ko sakaniya.

"Oh shit!" Rinig ko ang pag mura niya.

'Tss. Tinanghali nanaman ng gising ang isang 'yun! Hahahahaha.'

I do my daily routine.

Habang nag aayos ako ng buhok, mag papakilala muna ako sainyo.

Ako si Ria Andee Mendoza. I'm 23 years young. Simple akong babae. Aral at Trabaho lang ang pinagkakaabalahan ko. Maaga akong inulila ng mga pinakamamahal kong mams at paps.

Dahil doon, ilang beses akong huminto sa pag aaral. Ng makahanap ako ng pansamantalang trabaho, saka ako nag desisyon na mag aral ulit.

Isa ako sa mga crew ng malapit lang dito na coffee shop. Mabait ang boss ko. Sa katunayan niyan, para ng mga anak ang turing niya sa amin.

Hindi ako mayaman pero dahil sa matalino ako, naging scholar ako sa Isa sa mga sikat na Academies dito sa Pilipinas.

'Yan muna ang maibabahagi ko sa ngayon dahil malelate na ako sa klase ko.

*Fast Forward*

Pagdating ko dito sa Serendipity Academy, sobrang aga ko pala! Sira ata yung orasan ko sa kwarto ko, ayusin ko nga yun mamaya.

Anyways, nandito ako sa library at nag rereview para sa test namin sa Trigo  mamaya.

Sa dalawang taon kong pag aaral dito, Library at Classroom lang ang lagi kong tambayan dito.

Tumingin ako sa relo ko..

7:26 am

Ang aga pa nga talaga! 8:45 pa ang simula ng una kong klase.

Matutulog muna ako..

ZzzZzzZzzZzzZzzZzzZzzZzz

*Kriiiiiing...Kriiiiing*

"Yaaaaaaaaawn" Sa pangalawang pag kakataon, nagising nanaman ako dahil sa bell.

Niligpit ko ang mga libro ko at binitbit ito. Nilagay ko na rin sa mata ko ang napaka kapal kong salamin.

Lumabas na ako ng Library. As usual maingay nanaman. Chika dito, Chika doon.

Kung papipiliin ako? Mas gusto ko na lagi akong nasa  library.

'Hayst'

Naglalakad na ako papunta sa classroom namin.

"Riaaaaaaaaaaaaa!" Sigaw ng napaka pamilyar na boses sakin.

Ang nag iisa kong bestfriend. Si Irean Jean Monterey.

"Anooooo? Napaka ingay naman neto." Napaka opposite namin ni Rean. Bukod sa maingay siya at ako tahimik, di katulad ko, mayaman sila.

"Bessy, wala na akong magagawa sa boses at kaingayan ko. Inborn eh." Pagkasabi niya nito, inikutan niya ako na para bang ineenspeksyon ang kabuuhan ko. "Yaks, what's with that look? Ang baduy mo bessy!" Sabi pa nito.

"Anong problema? Maganda naman ah?" sabi ko at umikot sakanya.

"Anong maganda diyan? Naka mahaba kang palda, Naka Sleeves pa ang pang itaas mo! Tignan mo pa yung sapatos mo, may heels nga pero pang matanda naman. Anong tingin mo sa sarili mo? Mayordoma? Ang buhok mo naka bun lang sa taas! May napaka kapal ka pang suot na salamin! Wala namang grado 'yang mata mo ah. Ba't mo ba kasi tinatago ang natural mong blue na mata?! Maganda naman ah." Pagkontra sa sinabi ko.

Ganyan 'yan kaya masanay na kayo. Dahil ako? Sanay na sanay na sa bibig niyang walang filter. Kung ano ang gusto niyang sabihin kahit pa nakakasakit na ito ng damdamin, sasabihin niya pa din.

"Ang huli kasing habilin ni mams at paps ay wag na wag kong ipapaalam sa lahat ang kulay ng mata ko hangga't hindi pa ang tamang panahon." Paliwanag ko.

"Ayy ewan ko nga sayo. Halika na malelate na tayo." Sabi niya sabay hila sakin ng mabalis.

'Eto talagang babaeng 'to! Napaka ano! Hayst gigil niya si ako!'

Irean's POV

Hi sainyo! Ako si Irean Jean Monterey. Ang napaka ingay at walang filter ang bibig na bestfriend ni Ria.

Masisisi niyo ba ako kung bakit ganito ang ugali ko? Lumaki ako sa isang demokratikong bansa na malaya kang ipahayag ang pansarili mong opinyon and I thank youu.

Narito na nga kami ngayon sa classroom namin.

As usual. kung hindi cellphone, make up kit ang hawak ng mga kaklase namin.

"Kailan ba ang mga ito mag babago?" Bulong ng aking bessy.

Napaka swerte ko dahil may best friend akong katulad ni Ria.

Hindi man siya yung masasabi kong perpektong bestfriend pero masasabi ko naman na kung hindi dahil sakaniya siguro hanggang ngayon kasama ko pa din yung mga "bestfriends" ko dati na walang ginawa kung hindi makipag plastikan at i take for granted ang pagiging mayaman ko.

Hayst. Nevermind na nga.

Pag kaupo namin ni bessy nakita ko ulit siya na kinuha ang makapal naming libro sa trigo.

Ohemgee! May test nga pala kami!

Nilabas ko na ang libro ko at nagsimulang mag basa.

*After several minutes..*

"Siguro hindi na dadating si Sir John. 10 minutes na siyang late. And as far as i know never pa yun na late." Sabi ni Tinay ang Class President namin.

Dahil sa sinabi niyang iyon. Umalingawngaw ang mga komento ng mga kaklase namin. Yung iba masaya yung iba SOBRANG SAYA!

"Mas okay nga na hindi na yun pumasok ano! Atleast wala tayong test!" Sabi ni Trina ang Spoiled brat na kaklase ko.

"Palibhasa kasi umaasa lang kayo sa pera ng magulang niyo. Hindi niyo iniisip yung mga katulad naming sobrang naghihirap mag review mapanatili lang yung scholarship na pinanghahawakan namin." Mahinang sabi ng bessy ko.

Hayst. Kaya bilib na bilib ako dito kay bessy ko.

Alam niyo bang ilang beses na iyan gustong ampunin nila mommy? Bukod sa napaka sipag sa pag aaral napaka diskarte din niyan! Kaso ayaw niya mag pa ampon eh. Gusto niya na bumangon at makatapos sa pag aaral na hindi dumedepende sa iba.

"Hayaan mo na sila bessy. Pinalaki kasi silang spoiled brat eh. At wala na tayong magagawa roon." Sabi ko.

Tango lang ang isinagot niya saakin halatang halata na sobrang dismayado siya.

Lumipas pa ang ilang minuto pero walang Mr. John ang nagpakita saamin.

Kaya etong bessy ko sobrang lungkot.

Papunta na kami ngayon sa ikalawang klase namin.

'Hayaan mo bessy lilibre nalang kita mamayang snacks!'








BANGTAN SERIES #1  Dwight Reed Sevilla (Kim Namjoon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon