Chappie3

0 0 0
                                    

YESHA's POV

And ayun na nga no'? Ang sarap matulog lalo na kapag alam mong walang pasok bukas. ^O^

Friday night!

~~~~~~~~~~

"Anak, wake up na." It's my dad. Boses palang alam ko na.

Napamulat naman agad ang aking mga mata, pero napakurap-kurap ito nang may makita akong hinding-hindi kong inaasahang makikita sa harap ko.

"Anak...." Bakit siya nandito? Ayoko siyang nandidito! Maayos na kami ni dad dito e! Okay na ako kay daddy! "Hindi mo ba ako yayakapin, anak?" Huh? Ang lakas mo naman, Luna.

"Wag mo akong tawaging anak dahil hindi mo ako anak."

Pagkasabi ko ng mga katagang iyon ay tumayo ako galing sa kama at inayos ito. Lalabas na sana ako pero nagsalita si dad.

"Yesha, nanay mo parin si Luna."

"Hindi siya naging nanay sa akin, dad." Totoo naman e. Siguro dati, dati 'nung hindi niya pa kami iniwan, naging nanay siya sa akin noon. Pero ngayon? Hindi na. Ayoko na sakanya.

"Naging nanay siya sayo, hanggang ngayon, hanggang mamatay siya." Pinauna niya si Luna na maglakad sa baba pero bago siya lumabas ng kwarto ko ay may sinabi muna si dad. "Anak, minahal ka niya, tayo, nang di mo alam." Ngumiti siya sa akin at parang may sasabihin pa. "Bumaba ka, at pumunta sa sala. Hihintayin ka namin dun ng nanay mo." Muli siyang ngumiti, at bumaba na.

Di ko maintindihan si dad. Ano bang sinasabi niyang minahal kami ni Luna? E iniwan nga kami e! Nakakainis! Nasaan ang pagmamahal dun?!

Naligo muna ako para dere-deretso na. Pagkatapos nila akong kausapin, gagala muna ako kahit na di naman ako pala labas. Sana lang di na magstay dito yang Luna na yan, baka araw-araw akong mawala dito or di kaya magkulong sa kwarto.

Bumaba na ako ng maayos na ang sarili ko. Nakastripes na t-shirt ako, pero yung maluwag tapos malaki yung manggas. Tapos shorts pero di naman ganun kaiksi, katamtaman lang. May nakasabit din na shades sa croptop ko.

Aaaand, powder and liptint lang, and I'm done.

Umupo ako sa harap nilang sofa. Hinihintay ko lang silang magsalita.

"Anak, may pupuntahan ka ba?" Si dad.

"Yes, dad. Magshashopping lang ako." Di kami mayaman pero may pera naman ako kasi nag-iipon ako diba? Pero.....wait.....nag-iipon pala ako para sa D'Heart! Naku naman, Yesha! Hay, okay lang yan, kukuha lang ako ng konti.

"Sige, pagkatapos ka na namin kausapin ng mommy mo. Ipagdadrive kita." Sabi ni dad at ngumiti. Mommy? Duh. I hate that word, lalo na kapag diyan kay Luna ko itatawag.

"No thanks, dad. Magcocommute na lang ako. Kaya ko naman." Sabi ko then ngiti din.

"Are you sure?"

"Yes, appa." Paiba-iba tawag ko kay dad. Minsan appa, minsan dad or daddy.

Nagtinginan muna sila ni mommy bago magsalita. Ano bang nangyayari? ̄ω ̄

"Anak, alam kong ayaw mo sa akin..." Umiyak si Luna.

"Buti alam mo." Di ko maiwasang di sumagot kasi, ang sakit. Ang sakit talaga ng ginawa niya sa amin.

"Yesha! Hayaan mo munang magsalita ang mommy mo. Wag kang bastos, Yesha. Dahil di mo alam ang katotohanan." Napataas ang boses ni dad. Naiiyak na ako. Kasi ngayon lang ako napagtaasan ng boses ni dad. Ayokong makita nila akong umiiyak lalo na't nandito si Luna. Ano ba kasi ang totoong sinasabi nila?

FANGIRL♥Where stories live. Discover now