SP#1

30 5 0
                                    

Ang title ng tulang ito ay Pagpigil sa nararamdaman ko,
Tutal sanay naman na ako sa ganito
Bakit ba nasasaktan pa rin ako?
Ako si Mel,
Nagmamahal ng patago kaya pag nasaktan eh ayun patago rin
Muka nga akong tanga minsan kase pag tinititigan kita kusang ngumingiti ang aking mga labi,
Eh wala, lakas kasi ng dating mo sakin.

Hindi mawawalan ng oras na hindi ka nawala sa isip ko,
Minsan na nga dba akong na fall sayo pero umiwas ka kaya iniiwasan ko na rin na maulit pa ang pagkakamali ko na yun,
Baka kase sa susunod ma mahulog ako,
Buset baka wala na nga sumalo, lumayo kapa, durog pa puso ko
Triple kill na yon, kawawa naman ako.

Tuwing magkakaroon tayo libreng oras para mag kwentuhan, mag-asaran andyan yung batuhan, sakitan, sabunutan, murahan, pero ang wala pagmamahalan.
Nagmamahalan nga, hanggang kaibigan lang?
Bawal bang mauwi na tayo sa salitang 'walang hanggang pag-iibigan'

Para tayong aso't pusa na lagi di mag kasundo,
Pero papaano yung puso kong nadudurog tuwing tayo ay magkalayo?
Papaano yung asaran natin?
Sabuyan ng pulbos kaya nagagalit si Pauline?
Pag nagugulo natin yung upuan kaya nagagalit ang mga cleaners
Yung mga cheaters na lalake na nakatingin satin
Wala, eh hanggang kaibigan lang naman kase..

Wala yung espesyal ba na turingan?
Naalala ko tuloy nung natutulog ako?
Rinding rindi yung temga ko nun dahil sa tawag mo,
Kesyo may sasabihin kang importante na tayo lang dalawa ang dapat makaalam,
Sabi mo pa nga ' Sasagutin mo nang seryoso ah?'
Binulong mo pa sakin yun, ano ulit yun? Teka, ah!
Inaasar mo lang nga pala ako at sinabi mo pa na

'Kala mo liligawan kita?'
Ano? Ano bang tingin mo sakin ha?!
Umaasa na magugustuhan mo rin ako ha?
Kase kung ganun?
Masaya ako dun sa moment na kasama kita sa iisang klase kahit hindi mo pa ako pansinin okay lang,
Pero pre! Bes!
Wag mo naman ipangalamdakan na wala kang gusto sakin.
Kasi hindi mo naman dama!

Ang hirap kaya main love sa kaibigan! Sa tropa! Sa barkada! O kung ano pa man.
Kase sabi nga walang talo-talo
Pero pag nakita kita? Daig ko pa nanalo sa lotto.
Daig ko pa uminom ng isang litro kape dahil sa pagka hyper ko.. Pero..

Nauunos rin ngay pala yung energy ko..
Kasi sabi mo nga,
Hindi mo ako gusto,
Gitara ang girlfriend mo..
At buhay mo ang bike mo.

Hindi naman ang naghahangad ng love story na parang fairytale, mga surprises tuwing monthsary, libo-libong lobo na sasalubong pag kapasok ng bahay niyo, kakain sa labas tuwing matapos ang klase..
Simple lang akong babae pero sayo lang ako medyo umaarte.. Hehe..

Patapos na ang klase?
Wala bang ' Can I ask you out?' dyan?
Pag ako hindi naka tagal ako kukuha ng bulaklak na violet at Lala na ube para umakyat ng ligaw, biro lang!

Dinaraam ko na nga lang sa biro at tawa noh..
Masyado na rin kasing masakit eh, baka sumobra na.
Pero sabi nga,
Pag hindi na kaya bitaw na..
Sawa na rin kasi ako mag hintay para sa chance na wala naman,
Baka iputan na ng ibon yung ulo ko kakahintay baka magulat na lang ako eh may iba kana palang hinihintay para sa matamis na 'oo'

Masakit lumayo pero kailangan eh,
Selfie muna bago mag let go,
Tutal sabi nga sanay na ako, you know?
So paano? Hanggang dito na lang tayo?
Sawa na rin kasi akong mag drama wala rin naman yung pinapatamaan ko..
Kaya ikaw, Wander ng buhay ko.. Please bawasan  naman pagiging bully, nasasaktan na rin kase ako..

▪️▪️▪️▪️▪️

Author's Note :

Hello guys.. I know na hindi ito story pero I hope na mag vote kayoo hehehe. Don't you worry. Mag po-post din ako ng story, SOON 😹 Sana magustuhan niyo yun ah? Hahaha.

Please follow me..

Facebook: lebumfacilmel@yahoo.com
Twitter: @misa_lebumfacil
Thanks a looottt 😻

~@mllaves

Compilation of My Spoken Poetry Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon