Haechan's
"Huy Donghyuck! Gising na uy!" iminulat ko naman ang mga mata ko at nakita ko si Taeyong hyung at Doyoung hyung na tinatapik ako. Sa gulat ko, mabilis akong tumayo. Huh? Bakit nasa practice room ako? Tiningnan ko naman ang sarili ko sa salamin at wala kahit ni-isang gasgas. "Hyung, anong nangyari?" naguguluhang tanong ko sa kanila. "Nasobrahan ka sa practice. Yan tuloy nakatulog ka dito." pagpapaliwanag ni Doyoung hyung saka iniligpit ang mga gamit namin. Kumunot ang noo ko. Nakatulog? "Diba sabi ko sayo Donghyuck na hinay-hinay lang sa pagpapractice? Tsk, pasaway ka talagang bata ka." sabi naman ni Taeyong hyung.
"Donghyuck? Hayy salamat naman at gising ka na!" sabi ni Taeil hyung saka binigyan ako ng pagkain. "Teka hyung naguguluhan ako. Ano bang oras?" tanong ko sa kanila na busy sa pagkain. "Seven na ng gabi, hyung. Nakatulog ka for 5 hours." sagot ni Chenle at tinabihan akong kumain. So, panaginip lang yon lahat? Natigilan naman sila sa pagkain nang may pumasok na babae sa practice room. Kamukha niya si Savanah! Hindi kaya si Savanah siya?
"Oh napabisita ka, Samantha?" masayang sabi ni Ten hyung. "Binibisita ko lang naman si kuya Taeil." sagot ni Samantha saka ngumiti. Her eyes landed on me at nginitian niya ako. Lumapit naman siya sakin. "Savanah?" naguguluhan kong tanong. "Wow naman Donghyuck! Nakatulog ka lang saglit at nakalimutan mo na pangalan ko." sabi niya saka ako inirapan at kinuha ang burger na sana'y kakainin ko. "Wag mong pansinin yang si Donghyuck, lutang yan ngayong araw." sabi naman ni Mark saka tumawa.
"Ha? Eh sino si Savanah?" tanong ko kaya tiningnan nila ako. "Wala tayong kilalang Savanah, Donghyuck." sagot ni Johnny hyung.
THE END
BINABASA MO ANG
√ | difficult little devil
Short Story❝hanep! diyan ka na nagparamdam nung naka-move on na ako sayo!❞ LEE DONGHYUCK EPISTOLARY AND NARRATION [COMPLETED] date started : april 5, 2018 ended : april 15, 2018