20

694 24 41
                                    


napublish ko na yung story ni mark, huehue feel ko lame din yun sensya na HAHAHAHAHA



Savanah's




Sinundo talaga ako ni Love----este Haechan sa bahay. Shettt kinikilig ako! Hindi ko kasi inexpect na sobrang seryoso niya pala tungkol sa pakikipagbalikan sakin. Habang naglalakad kami sa hallway, panay ang bulungan ng mga estudyante. Nakaakbay kasi si Haechan sakin. Wala namang malisya to pero nahihiya ako. Pinagtitinginan na kami ng mga tao.


"Nagkabalikan na sila?"


"Oo nga noh? Ang lapit nila sa isa't-isa."


"Mas bagay naman ako kay Haechan."


"Oh shut up, kita mo nga yang ang sweet nilang dalawa."


"They're so cuteee!"



I nudged Haechan, causing him to stop at his tracks and looked at me. "Pinagtitinginan nila tayo." nahihiyang bulong ko saka yumuko upang maiwasan ang mga mapanuring tingin ng mga tao. He grabbed my chin gently and made me look at him. Nahihiya akong tiningnan siya pero hindi ko ito pinahalata but deep inside, gusto ko nang magwala at manghagis ng kung anu-anong bagay dahil sa kilig at bilis ng tibok ng puso ko.


"OMG!"


"Hala girl, ang sweet nila."


"Sana ganiyan din boyfriend ko."


"Gaga, wala ka ngang boyfriend eh."



"Wag mo silang pansinin." tanging sabi niya saka hinawakan ang kamay ko. So bale magka-holding hands kami ngayon na naglalakad papuntang classroom. And by the way, hindi kami classmates. Saklap noh? "Thank you sa paghatid, Haechan." sabi ko saka nginitian siya. Ngumiti naman siya saka inilapit ang mukha niya sakin. Konting tulak nalang at malapit na kaming magkiss. "Where's my reward?" he jokingly asked. Oo, joke lang yun pero dahil nga maharot ako, hinalikan ko siya sa pisngi. PISNGI muna kasi bata pa kami HAHAHAHAHAHA. Natulala naman siya kaya tumawa ako ng mahina saka pumasok na sa classroom.


Pinagtitinginan naman ako ng mga kaklase ko saka inaasar ako. Sinusundot pa nila ang tagiliran ko. "WHOOOO OUR SHIP IS BACK GUYS!" sigaw ni Daehwi. Napatawa nalang ako saka umupo sa seat ko. Lumapit naman si Jeno sakin saka tiningnan ako na para bang nang-aasar. "Uyyy ikaw haaaa! HAHAHAHAHA chansing ka rin." pang-aasar niya sakin. All I did was to cover my heated cheeks and smile at him.




√ | difficult little devilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon