chuchu 1

12 2 0
                                        

Ano nga bang buhay ng isang walang kwentang tulad ko?Hmm pano ba, Ung tipong gigising ka ng umaga, maghihilamos, kakain, maliligo,magbibihis at papasok sa school na parang multo kalang sa bahay nyo haha in short wala silang pake sayo.

Si mama na busy lagi ultimo sa pagkain may kausap sa telepono,tuwing may itatanong ka sa kanya sesenyasan ka nya na "wait lang tatapusin ko lang to" hanggang sa makakalimutan nya na lang ako, Si papa? Wala kong ama,siguro na wala na, siguro namatay na un,hahaha pag tapos nya kaming iwan at mag pakasaya hindi ko ba nanaisin na mamatay na lang sya? Hahaha masaya dun magsama sila, hindi nyo ko masisi kung bakit ako ganto kagalit sa kanila, oo nasakin nga ang luho na gusto ko pero ung isang bagay na un ang diko makuha sa lahat, ung atensyon nila. Mahirap ba yun? Sige sabihin nyo na sakim ako walang modo, walang pahalaga sa mga bagay na meron ako, pero bago yan isipin nyo muna ung na raramdaman ko pwede ba. Ako naman

"Uy pam san ka mamaya?". Tanong sakin ni rose pag kalabas ko ng cr, sya lang ata ung kaklase ko na dumidikit sakin kahit sinusupladahan ko na kahit minsan diko pinapansin ewan ko ba ano bang nakain ng babaeng to ayaw ako lubayan " ha?"sagot ko lang sa kanya "San ka mamaya paulit ulit naman ohh" teka san nga ba? "Baka sa 4th floor papakamatay" seryosong sagot ko sa kanya, lumaki naman ung mata nya sa gulat at hinampas ako ng binder nya sa braso, "aray" daing ko tas tingin ng masama sa kanya, yumuko lang sya tas sabing" wag kakasing mag biro ng gan-" dina nya natuloy ang sasabihin nya dahil nag bell na at lumayo na ko

Nag lakad na kami papuntang building namin ng may bumangga sakin na isang lalaki derederesto lang sya at parang walang pake, napairap na lang ako sa hangin dahil sa ginawa nya nakakatuwa ha sobra tsk

Natapos na ang morning session namin at lunch time na ngayon di ako kumain tinakasan ko si rose haha baka na kain un sa canteen, ako eto nasa jura lang ako natutulog may mga upuan at lamesa kasi dito na pwedeng tambayan at maraming puno kaya masarap matulog mahangin, diko nga alam kung bakit jura tawag dito ehh wala namang dinosaur hay nako

Nakatungo lang ako sa isang table na bato at natutulog ng may naramdaman akong umupo sa harap ng table bali mag kabilaan mag kaharap kami, matik na si rose to tuwing nawawala ako lagi akong nahahanap nun ehh "rose anong oras na?" Tanong ko kay rose "rose ano ba?" Nakatungo padin ako "Rose! Dika ba sa-" natigilan ako sasabihin ko nung inangat ko ung ulo ko at napagtanto ko na hindi si rose ung nasa harapan ko, nag salubong ang kilay ko "Hoy lalaki sino nag sabi na umupo ka dyan" tanong ko sa lalaking to "Ako lang bakit?" Sagot nya "Aba teka teka teka ikaw ung bumangga sakin kanina ahh oy wala ka bang balak mag sorry sakin ha!" Napatakip lang sya ng tenga at ung mga studyante napatingin na lang sakin, opps i got the attention haha ang ingay ko ata "ang ingay mo naman" sabi nya tas inutusan nya kong umupo ulit, pero di ako na upo kaya hinawakan nya ung braso ko ata pina upo, sa sobra lakas ng hatak nya medyo na out of balance ako kinalanh konung siko ko at masakit un"aray ha masakit ha" ngumisi lang sya, abay epal din to no kalamo kung sino nakuuu "pwede bang matulog ka na lang ulit nag aaral kasi ako, tulug ka kaya ako lumapit sayo para hindi maingay kaso nagising ka at ang ingay mo pala, ikaw ung patunay na jura nga ito grabe ilang taon ka nang nabubuhay sa mundong to dinosaur?" Seryosong sabi nya habang nag babasa ng libro sa genmath, napa awang na lang ung bibig ko tas nag salubong ang kilay ko sa sinabi nya,ano ako dinosaur, susko hmm naku nakaka bwisit, "Ho-" mag sasalita pa sana ako kaso sinubuan nya na ko ng lollipop sa bibig kaya natigilan ako, "yan sorry na peace offering ko yan dahil na bangga kita kanina, plss shh ka muna patapusin mo lang ako" binanggit nya ung mga salitang un ng seryoso at nakatingin sa mata ko

Dali dali ko tinanggal ung lollipop at nag reklamo "makasalaksak wagas ha kala mo di masakit" napangiwi nanaman sya sa ingay ko tas kinuha nya ung lollipop "ahh"sabi nya nag tatakanaman ako kung bakit pero nag ahh parin ako tas sinubo nya ung lollipop, ngumiti tapos pinagpatuloy ung may babasa nya, may kung ano ata sa lollipop natameme ako bigla pero masabi kong gwapo sya habang pilik mata, ganda ng mata, maputi, matangos ang ilong, parang wattpad character na nababasa ko sa wattpad,malamangwattpad nga ehh

Lumipas ang minuto ubos ko na pala ung lollipop na binigay nya infairness masarap ha pero bat ang kati kati kanina pa ko kamot ng kamo pesteng mga langgam to bat ako pa tinira pag nakita ko kayo dudurugin ko kayo ng pinong pino, pero teka nangangati ung leeg ko, teka allergy? Napatingin ako sa stick ng lollipop na nasa kamay ko "hoy lalaki anong flavor ng lollipop na to" tinignan nya ko na ng naka kunot ang noo tas inabutan ako ng isapang lollipop pero this time my balot pa at di sinalaksak sa bibig ko binasa ko ung flavor nanlaki ung mata ko ng makita na mocha un hinanap ko agad ung tubig ko sa bag pero wala ng laman kaya kinuha ko ung baso sa table na patingin na lang sya tas nung naubos ko sabay sabi ko ng "penge ha" napailing na lang sya

Hala na hihirapan na ko huminga, dipala tubig ung nasa baso kundi kape ang saya hahaha nakay rose panaman ung gamot ko mas ok to madaliang pagkamatay woooohhh ang baliw ko tumungo na lang ako at pumikit inaantay na lang ang pag tigil ng hininga ko konti na lang..konti pa..

Pagmulat ng mata ko ang puti ng paligid na ko, teka eto na ba ang kabilang buhay? Ehh bat may kisame na puti "pau gising ka na"kilala ko ung boses na un ahh kay rose un patay narin sya? Bakit? Dapat hindi mahal sya ng pamilya nya ehh, pero parang dinaman to ung kabilang buhay ehh may nurse ohh teka teka clinic namin to ehh eto ung si doktora na crush ko napabangon ako bigla " R-rose anong nangyari?"

Colon And ThreeWhere stories live. Discover now