chuchu2

13 3 1
                                    

Matt's pov

Kasalukuyang nag lalakad ako ngayon galing canteen pabalik sa clinic para balikan ung babae sa jura kanina, Putek ng yun napasama pa ata ung pag upo ko sa harap ng babae na un hayst napaka ingay tas hinimatay pa diko kasalanan un ahh :3 di tuloy ako makapasok ng klase ko haynaku sayang review ko pambihira -_-

"Si matt un diba, sya ung anak ni maam veron"
"Oo be cute nya no"
"Oo nga hihi"
"Crush ko na sya"

Narinig ko ung pag uusap ng mga junior high.-_- Junior high palang senior na agad ang topic hayyyy babae nga naman bata bata pa maharot na. May maria clara pa bang natitira? Kung meron man akin ka na lang :3

Kasakukuyan akong nag lalakad pabalik ng clinic para tignan si lollipop, diko alam pangalan nya kaya lollipop na lang, nakakatamad magtanong -_- natigilan ako dahil nakita ko si lollipop na pinipigilan lumabas ung nurse dahil nakaharang ung kamay nya dun sa glass door

"Rose alis natayo dito pasok na tayo malelate na tayo plss halika na" pagmamaka awa nya dun sa kasama nya
"Ehh kailangan mo mag pa injection" sagot lang nung isa
"Ayawwww ko" naiiyak nyang sabi, hahaha nakakatawa para syang bata na naagawan ng lollipop, kala mo kung sinong siga kanina ehh makasigaw sakin takot pala sa injection -_-napapailing na lang ako habang pinapanood sya
"Sige naaa" pagpupumilit ng isa, sinamaan lang nya to at napapayag din
"Maam thank you po" sabi nya at nag bow,pero tumama ung noo nya sa hawakan ng pinto, tsk tanga nga pambihira -_-

Inantay ko na muna sila makaalis bago ko balikan ung gamit ko sa loob ng clinic, pag ka kuha ko nun pumunta ako ng library para magbasa ng atlas, dinadin naman ako papapasukin ehh dito na lang ako

Pau's pov
"Dalian mo rose ano ba" utos ko sa kanya habang hinihimas ung noo ko, susko ano ba nangyari kanina, akala ko naman patay na ko kaso di parin naman pala,tas ang mas nakakamatay ung injection ano banaman un oo

"Uy pau bat kasama mo si matt kanina?" Napakunot ako ng noo sa tanong ni rose "At sino nanaman un? Naku baka naman yang mga imaginary friend mo nanaman yan, wag mokong dinadamay damay sa ganyan alam mong di kami friends" salaysay ko kay rose, talaga di kami close ng imaginary friends nya takot ako sa mumu ehh "Gaga si matt ung anak ni maam veron ung teacher sa 21st century literature"sabi nya "Ahh un ba" sabay turo sa kanya "Diko kilala ehh" napakamot naman sya ng ulo "Ung kasama mo sa jura kanina ano ba pauuuuuu" sigaw nya sa inis "luh wag kang sumigaw mukha kang dinosaur hahahaha" sumimangot naman sya sa galit

"Ahh ung hupak sa jura kanina"sagot ko at tumango lang sya habang kumakain ng fries, " Abay malay ko dun umupo lang un sa tapat ko ehh "weh totoo?" Tanong nya "Aba kala mo niloloko ka diko nga kilala un ehh" sabi ko pero tinawan nya kang ako

Di na kami naka pasok sa subject namin so tumambay na lang kami sa jura wala naman kasing no choice,oo walang no choice para maiba naman hahahaha tas na kwento ni rose sakin na si hups ung nag dala sakin sa clinic well kasalanan naman nya un talaga,tamo di manlang ako binalikan sa clinic para mag sorry tsk naku naku lalaki nga naman

Natapos na ung huling subject namin para sa araw nato syempre kailangan na umuwi pero di muna ko uuwi sesermonan pa ko sa bahay ehh
Di sa ayokong makita ung tao sabahay, wala ehh tao lang ako naririndi din diba

Nag lalakad ako ngayon papuntang tabing dagat lagi ako napunta dito para panoorin ang pag lubog ng araw na kaka relax kasi sya na kakawala ng stress. Habang nag lalakad nakakita ako ng isanh buong pamilya at masaya, ang sarap pag masdan ang isang buong pamilya ganto dapat kami ehh kaso wala

Naupo na ko at malayang nakatingin sa dagat, bakit ko ba kaylangan isipin ang mga bagay na yun ehh alam ko namang hinding hindi na mang yayari un, naramdaman ko nalang ang pag agos ng mainit na likido galing sa mga mata ko, ang bakla ko naman na iyak nanaman ako "zie(sea) tinanong kita noon nung bata pako diba"sabay punas ng luha sa pingi ko "kung babalikan pako ni daddy" napuputol na ung mga sinasabi ko dahil sa hikbi "sabi mo sakin oo babalik sya kasi humina ung alon mo, pero bakit wala padin sya, ilang taon pa ba ung aantayin ko ha, dipa ba sapat ung 12 years?"

Patuloy lang ang patak ng luha ko, lahat ng bagay na nahihirapan ako tinatanong ko kay zie kung anong dapat gawin, nasagot naman sya, mas masarap kausap ang hindi tao kasi hinding hindi ka nila huhusgahan,dipa din natigil ang pag luha ko ng may biglang umupo na bata satabi ko "ate bat ka po na iyak?" Tanong ng cute na batang babae mga 4 years old lang ata sabay punas nya sa luha ko sa pisngi nakinagulat ko, nangiti naman ako" haha bebe wala yun"tanging nasagot ko"Ehh ate bat ka po nasigaw?sino po ung kausap mo? Ehh ate wala namang pong tao dito, tayong dalawa lang po" nag tatakang tanong nya,luh hahaha na wiwirdohan na ata sakin ung bata "Monicaaaaaa" sasagot na sana ako ng biglang may tumawag sa bata mula sa malayo "Ahmm ate una na po ako tinatawag na po ko ni kuya, ate wag ka na po iiyak ha"sabi nya sabay abot ng panyo "sayo na po yan ate ha" sabi nya sabay takbo paalis

Pinag masdan ko lang ung gray na panyo na inabot nya sakin. May burda itong M.A.M. pero nagulat talaga ako sakanya bigla bigla ba naman  umupo ng diko manlang naramdam

Napagpasyahan ko dumaan muna sa park as in daan lang nag babakasakali na nandun ung bata pero wala kaya naglakad na ko pauwi, 7 na paalis na si mama sa bahay para mag trabaho, mabuti narin un para diko na sya makita, wala din namang kwenta kung makita ko sya diba

Nakarating na ko ng bahay tama nga ko wala na si mama nag iwan lang sya ng pag kain salamesa at note na kainin ko daw un kasi paborito ko daw kasi, kinain ko un at pag katapos nag shower at kung ano anong ginawa muna sakatawan, uminom nako ng gatas at natulog

Bukas is another journey nanaman for me, how can I survive kung mag isa lang ako, payting :|

Colon And ThreeWhere stories live. Discover now