Sana

3 0 0
                                    

Naranasan n'yo na bang gumising araw araw na may paulit-ulit na tanong sa isip kung ano nga ba ang purpose mo sa mundo? Kung ano nga ba ang naiaambag mo sa mga nakapaligid sa'yo? Ako kasi oo ang sagot ko sa lahat ng 'yan eh. Simula ng grumaduate ako anim na taon na ang nakalilipas, pakiramdam ko wala pa rin talaga akong silbi. Na napag-iiwanan na 'ko nang mga ka-batch ko. Karamihan sa kanila successful na, samantalang ako, isa pa ring failure. Lahat na lang ng desisyon ko hindi nakabuti, paano nga ba ako makakagawa ng magandang desisyon sa buhay? Mangyayari pa kaya 'yon? Araw araw pinipilit ko ang sarili ko na magkaroon ng kahit konting pagbabago, kahit man lang sa sarili ko. Nakakapagod na kasi maramdaman na kunwari concern sila sayo pero ang totoo? Pinag-uusapan ka lang nila sa likod mo. Kung gaano ka ka-failure, kung gaano ka ka-immature na hanggang ngayon ni hindi ka pa rin srable sa buhay. Siguro nga may paki lang sila, pero masakit lang na indirectly sabihin sayo na immature ka. Masisisi n'yo ba ako kung gustuhin ko muna silang alisin sa buhay ko? Hanggang sa maayos ko lang ng tuluyan ang buhay kong walang kwenta. Sa oras na matawag ko na ang sarili kong matagumpay tsaka ko lang sila kakausapin ulit. Baka sa mga panahong 'yon, hindi ko na maramdaman lahat ng 'to. Sana.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 15, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My journeyWhere stories live. Discover now