Sabay ng pag-ihip ng malamig na hangin, isang malakas na sigaw ang bumasag sa katahimikan sa athletes' lounge." 'Lang hiya! Sinong gumamit nito?!" Bakas pa rin ang takot sa boses ni Markus habang dinuduro ang screen ng laptop nya.
"Ang ingay mo, Markus. Nakakahiya ka. Ka-lalakeng tao ang lakas sumigaw. Nayanig ang buong WU sa'yo." Sita ng nakakarating lamang na si Dylan na kasama si Joseph.
"Aba! Sa nagulat ako! Ikaw kaya, chill na chill ka sa pagbubukas ng laptop mo tapos may bubulaga sa'yong bakulaw!" Pagdadahilan pa ni Markus kaya tiningnan na rin ito ng mga kaibigan nya.
"Lol, bro! You're so lame! Natakot ka dyan? It's not even scary." Kutya ni Clay.
"You're gay." Dagdag pa ni Liam.
"Di ako natakot. NAGULAT. It's different." Talagang binigyang-diin ni Markus ang salitang "nagulat".
"Nagulat. Natakot. Whatever. You're still lame." Pakikipagtalo pa ni Clay kaya sinamaan sya nito ng tingin.
"Tigilan nyo na nga yan." Suway sa kanila ni Scott. Bihira lamang itong magsalita at iba kung magalit kaya mas minabuti nilang sundin na lamang ang kaibigan.
"Sino naman kasing magp-prank sa'yo ng ganyan?" Usisa ni Liam
"Speaking of that, sorry bro. Nakalimutan kong i-close yung window when I used your laptop earlier." Tugon ni Joseph habang binibigyan sya ng makahulugang tingin ng mga kaibigan nya. "What?"
"Unbelievable. You're still into that." Naiiling na sabi ni Liam
"Why not? It's really interesting and gives me this unexplainable feeling."
"Basta, tol. Wag ka lang gagaya kay kambal ha?" Paalala ni Dylan
"Bakit? Anong nangyari sa kakambal mo?" Usisa ni Clay
"Wala." Saka nya binalingan ng tingin ang cellphone nya. "Hey! Check this out!" Sabay pakita ng litrato ng isang babae. "Sinong gustong makipag-pustahan?"
"Siraulo ka, Dy! Parang wala kang kapatid na babae ah!" - Scott
"Uy! Ang ganda at sexy ahh!" - Markus
"Ako! Pustahan tayo!" - Clay
"Basted ka dyan!" - Liam
"...." - Joseph"Joseph, busy ahh! Sinong ka-chat mo?" Sabay agaw ni Clay sa phone ng kaibigan. "Ano ba yan? Ghost stories pa rin?"
"Babe! Ano ba naman yan?! Ang hirap ng karibal ko sa'yo!" Nag-pout pa si Dylan
"Tigilan mo yan mo nga yan, Dy. Nakakaasiwa ka." Natatawang sabi nito sa kaibigan
"Pansinin mo naman kasi kami. Wala ka nang ginawa sa free time natin kundi magbasa ng tungkol sa mga paranormal na yan."
"Halaaaa! May LQ na yung dalawa!" - Liam
"Paano hanggang basa na lang yang si Joseph. Wala naman kasing paranormal dito." Sabay tawa pa ni Markus. "Tumawa na rin kayo! Pinags-solo ako!" Tumawa syang muli pero tinitigan lang sya ng mga kaibigan nya.
"Anong wala? Ang dami kayang ghost stories dito sa school natin!" Sabi ni Clay kaya sya naman ang tiningnan ng makahulugan ng mga kaibigan nya. "Di ako kagaya ni Joseph!" Depensa pa nya.
"Di naman totoo yung mga yun. Gawa-gawa lang yun." - Liam
Isang ideya ang biglang naisip ni Joseph kaya di nya mapigilang ngumiti at maging excited, "Why not we figured it out?"
~•~
(Joseph's POV)
"Hindi ko talaga alam kung tama ba 'tong ginagawa natin. We're sneaking out para lang mapatunayan kung totoo ba yung mga ghost rumors dito sa University" - Markus
"Naduduwag ka lang ata, bro!" - Clay
"Takot ako, yes. Not for ghosts pero baka ma-detention tayo dahil dito. Kapag nangyari yun, we will not be able to participate sa nalalapit na league."
May punto si Markus pero paninindigan ko pa rin ang pag-aya ko sa kanila. It's been a while since nag-ghost hunting kami. Ang last pa ay nung mga freshmen pa kami ng highschool. It's already years ago. At yun din ang last time na naka-encounter ako ng kakaiba na nagpabilis ng tibok ng puso ko.
"No worries, ka-close ko naman si Manong guard so di tayo nun isusumbong." At nag-wink pa si Dylan.
"Wag mo kaming kindatan. Di kami chicks! Natutuluyan ka na ata, Dy." - Markus
Nagpatuloy lang kami sa paglalakad. Andito kami ngayon sa 3rd floor ng highschool building. Bali-balita kasi na dito maraming gumagalang mga di maipaliwanag na nilalang tuwing gabi. How did we gain our access? Kagaya ng sabi ni Dy, close nga nya yung guard but aside from that, dinahilan namin na may naiwang gamit yung kapatid ni Liam. Badly need yun ng kapatid nya so kukunin lang namin. Well, that's partly true. May naiwan ngang gamit ang kapatid ni Liam sa room nila pero okay lang naman kahit di namin kunin. But we grabbed the chance para mai-reason out yun.
"Hey! Look! Look!" Sabay-sabay naming tingnan yung tinuturo ni Clay. "Sarado na dapat ang lahat ng rooms ngayon. Pero bakit bukas yun?"
"Stop scaring your self, lil' bro!" Sabi ni Markus nang biglang namatay yung ilaw dito sa floor namin kasabay ng pagbuhay ng ilaw ng bukas na room sa 1st floor. "Okay, you may get scared now" pagbabago ni Markus sa sinabi nya.
"Wag kayong mag-panic. Eto na inaantay natin." Kalmadong sabi ni Scott. Hanga talaga ako sa pagiging compose ng taong ito. Hindi naman sa natatakot ako pero ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Excitement siguro ito. Bigla rin akong nilamig at parang ang bigat ng pakiramdam ko, di ko alam kung ako lang ba o pati sila ay nararamdaman ito. Nanatili lang akong tahimik at nagmasid sa paligid.
"Tara na nga" Pagyaya ni Liam kaya nagpatuloy kami sa paglalakad. Buti na lang at may dala kaming flashlight. Narating na namin yung room, I'm about to unlock the door pero nagulat ako.
"Naka-unlock na yung pinto." Sabi ko sa kanila."Wag ka ngang manakot dyan!" Sabi naman ni Markus na hinihintay na sabihin kong binibiro ko lang sila pero tiningnan ko lang sya ng seryoso.
"Baka nakalimutan lang ng mga janitor na i-lock" - Liam
Pero mas nagulat kami nang makapasok kami sa loob at i-on ang lights. Sobrang gulo kasi nung room. May mga nakabaligtad na armed-chairs at ilang papel na nakakalat. Parang di nga ata napuntahan ito ng mga janitor. Mayamaya pa'y nakarinig kami ng tunog ng nalaglag na barya.
"Uso rin pala ang laglag barya gang dito." Napatawa naman kami sa sinabi ni Markus pero natigil din kaagad ng may screech kaming narinig. Nagkatinginan kaming lahat at bakas na ngayon sa mukha namin ang kaba na nararamdaman. Sunod naman naming narinig ang tunog na tila may nagsusulat sa white board.
Di na namin iyon nagawang lingunin. Basta sabay-sabay na lang kaming tumakbo palabas ng room, pababa ng hagdan hanggang sa makaalis kami sa lugar na iyon. Saka lang kami naka-hinga ng maluwag nang makabalik na kami sa ground at saka sabay-sabay nagtawanan ng makita ang reakson ng isa't isa."Kulang pa tayo sa endurance training. Yun lang hiningal na agad tayo." Muling pagbibiro ni Markus.
"Nakuha nyo ba yung kailangan nyo?" Bungad sa'min ni manong guard. Isang tipid na ngiti lang ang isinagot namin sa kanya. "Kung ganun, bakit iniwan nyo yung kasama nyo?" Naguguluhan namin syang tiningnan.
"Manong, wag ka pong manakot. 6 lang po talaga kami." - Clay
"Ahh. Ganun ba? Mukhang may naistorbo pala kayo. Humingi kayo ng paumanhin."
Naguguluhan man pero nilingon kong muli yung pinanggalingan namin at doon ko naintindihan ang nais nyang ipahiwatig. Isang bulto ng tao ang nakatayo roon. Kahit di namin sya masyadong maaninag, nararamdaman ko na nakatingin ito sa'min.
"Sorry po kung naistorbo namin kayo. Di na po mauulit!" Sigaw ni Markus. Nang tingnan namin itong muli, unti-unti na itong naglalaho. Nagf-fade sya. Instead na matakot ay natuwa pa ako. I wonder kung anong nilalang iyon.