(Joseph's POV)Bumangon ako bigla mula sa pagkakahiga. Kinakapos ng hininga at basang basa sa pawis. I'm having those nightmares again. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko. Natatakot ba ako? Hindi ko alam. Basta ang bilis ng pintig ng puso ko. Tiningnan ko ang oras sa phone ko. 3:00 AM. Devil's hour sabi nila. Di ko maiwasang mapangiti sa naisip ko. I wonder kung may "kakaibang" mangyayari.
I decided to get some fresh air kaya lumabas ako sa balcony ng kwarto ko. I feel the cold breeze and ipinikit ko ang aking mga mata. Sa pagmulat kong muli, I'm stunned. For I saw not a devil but rather an angel. There she is standing in front of me. Nasa balcony rin sya ng katapat kong bahay. Her straight long hair were dancing as the wind blew. Medyo pale ang skin nya pero mapupula ang mga labi nya na hugis puso. We had an eye contact at nahalata ko ang gulat sa kanya ng mapansin nya ako. Isang simpleng ngiti ang ginamit ko upang batiin sya pero bigla naman syang bumalik na sa loob ng bahay nila. Did I creep her out? Sana naman hindi.
~•~
It's been a couple of days simula nang makita ko yung babae. Bigo akong makakuha ng information tungkol sa kanya. Ayon kasi sa katulong namin, wala ang may-ari ng kabilang bahay. Tanging yung caretaker nila ang naririyan. Imposibleng yung caretaker din ang nakita ko sapagkat isa syang matandang lalake. Wala na rin itong pamilya kung kaya't walang ibang tao ang maaring mamalagi roon bukod sa kanya. Sinasabi rin ng mga kaibigan ko na baka guni-guni ko lang din iyon or kung hindi naman, baka yung caretaker iyon at nag-cross dress lang. Isa talaga syang pala-isipan sa'kin ngayon. Pero hindi ako pwedeng ma-distract lalo na at papalapit na ang league.
Nandito kami ngayon sa gym para mag-training nang may pansin akong babae na dumaan, kahawig nya yung babaeng tinutukoy ko kung kaya't hinabol ko sya pero bigo pa rin ako. Bigla kasi syang nawala.
"Joseph! San ka nagpunta? Bigla ka na lang umalis." Tanong ni Dylan pagkabalik ko sa gym.
"Wala. May tiningnan lang."
"You seemed to be distracted lately. What's happening with you?" - Liam
"Bro! Umayos ka! Malapit na ang league!" - Markus
"Don't worry. I'm fine. Tsaka hindi lang yung league ang malapit na. Yung preliminary exams din."
~•~
Pagkatapos ng training, may vacant hours pa ako bago ang klase ko. Kaya naisipan ko munang tumambay sa library. Kahit pa varsity player ako at busy sa volleyball, di ko pa rin naman pinababayaan ang academics ko. Business Administration student kami ni Dylan. HRM naman si Scott. Mechanical Engineering si Clay. Chemical Engineering si Liam. Mass Communication si Markus. 3rd year na kaming lahat.
Mag-isa lang ako ngayon dahil magkakaiba ang sched namin ngayong araw. Si Dylan ang kaparehas ko ng schedule dahil magka-blockmate kami pero ang loko mas pinili pang makipag-date kaysa mag-aral. Wala masyadong tao ngayon sa library dahil maaga pa.
Busy ako sa pagbabasa ng isang finance book ng may naramdaman ako na may nakatingin sa'kin. Ibinaba ko ang libro at tiningnan ang buong paligid. Wala naman akong napansin kung kaya't binalik ko ang aking attention sa librong binabasa. Nakakailang pahina pa lamang ako ng may nahagip ang peripheral vision ko. May nakatayo sa harapan ko kung kaya't binalingan ko sya ng tingin ngunit tumambad sa'kin ang kawalan. I ignored it at muling nagbasa. Kakayuko ko pa lamang ngunit kita ko na naman sya sa aking peripheral vision. Muli akong nag-angat ng paningin ngunit bigo pa rin ako. Mga ilang beses pa itong naulit kaya nakapagdesisyon na akong umalis. Hindi ako makakapag-aral ng ayos kung distracted ako.
Sa paghahanap ko ng pwesto para mag-aral, naisipan kong sa "greenhouse" na lang pumunta. Isang building na may mga tables at upuan na yari sa bato. Katulad ng library, pwede ka ring magbasa ng mga libro or mag-aral dito, ang pinagkaiba lamang ay umaasa ito sa ventilation ng mga halaman sa paligid at walang mga bookshelves at librarian na masusungit. Tinawag itong greenhouse dahil na rin sa mga halaman na naririto at dahil na rin sa istraktura ng lugar. Itinayo ang study area na ito para sa mga estudyanteng mas nakakapag-aral kapag malapit sa nature at para na rin siguro sa mga science or plant related courses.
Umupo ako sa isa sa mga benches na nakaharap sa may bintana. Clear glass ang bintana kung kaya't kitang kita ko ang pag-galaw ng mga halaman kasabay ng pag-ihip ng hangin. Napaka-peaceful ng lugar na ito at best place na ata para mag-aral. Nasa parte na ako na kailangan kong sauluhin. Habang nagmememorya ako, hindi ko mapigilang hindi mapatitig sa mga halaman sa may window. Sa sobrang lakas pa nga ng hangin ay sumara ang mga bintana. Patuloy lang ako sa pagme-memorize at nakakatulong din ang pagtitig ko sa mga halaman. Laking gulat ko na lamang ng biglang bumukas ang mga bintana na naisara ng malakas na hangin. Dala ng pagkagulat, agad akong umalis dun sa lugar at di ko sinasadyang mabunggo ang isang babae na nakasalubong ko. Nakayuko sya kaya di ko naaninag ang kanyang mukha. Ang alam ko lang, may taas sya na sa tingin ko ay 5'2" tapos may wavy hair na hanggang buttocks nya ang haba. Humingi ako ng paumanhin sa kanya pero di nya ata narinig dahil dire-diretso lang syang naglakad papalayo. Paalis na rin sana ako ng mapansin ko ang isang trinket, marahil pagmamay-ari yun nung babae. Kinuha ko ito at pinagmasdan, parang pamilyar.~•~
Dahil medyo binabagabag na ako sa mga nangyayari, binanggit ko na ito sa mga kaibigan ko.
"Hala ka! Baka yun yung naistorbo natin last time! Hala ka!" Pananakot sa'kin ni Markus pero instead na matakot ay natawa pa ako sa kanya. "Seryoso ako ngayon. Wag mo akong tawanan."
"Alam kong natutuwa ka sa mga nangyayari ngayon dahil gustong gusto mo yan. But it doesn't mean na di tayo dapat ma-alarma. Tama si Markus. Seryosong bagay yan. Di natin alam kung ano yang nanggugulo sa'yo ngayon." Kung pagalitan ako ngayon ni Clay akala mo mas matanda sya sa'kin.
"Alam ko. Kaya nga sinasabi ko sa inyo."
"Tsaka bakit ikaw lang ang hina-haunt? Wala naman sa'min?" Dagdag pa nya kung kaya't nagkibit balikat lamang ako.
"Oy, Clay kung gusto mo ring maka-experience ng ganyan. Wag mo kaming idamay." - Markus
"Or baka hina-haunt din tayo pero di lang natin pansin?" - Liam
"I think I knew someone that can help out." Sabi ni Dylan kaya napatingin kaming lahat sa kanya.
"Si Dianne?" Tanong ni Clay at nag-nod naman si Dylan. Si Dianne yung kakambal nya. Sa pagkakaalam ko parehas kaming mahilig sa mga ganitong bagay. Pero anti-social na yun, kahit nga ang kapatid nya di nya pinapansin dito sa University. Paano naman kaya nya kami matutulungan?
------
Yung nangyari kay Joseph sa library at greenhouse. Nangyari sa'kin yun! Pero sa library yun nung 4th year highschool pa lang ako. Wala lang. Share ko lang. Haha!
v.(^u^).v