Forbidden 1

8 1 0
                                    


Ameliah's POV

"Young mistress your father is waiting for you in the dining area" sabay yuko ng assistant ko at parang best friend na din na si Florey tinignan ko sya ng masama

"Florey diba sabi ko naman sayo na ayoko ng yumuyuko ka pa pag tayong dalawa lang "

"Ipagpaumanhin nyo po nakakalimutan ko po kasi "

"Ayos lang , oh sya ayusin mo na ang aking buhok Florey at siguradong mayron na namang kasama si ama sa pag babalik nya na isang estranghero na syang ipapakilala sa akin" humagikgik na man si Florey at inayos na ang aking buhok tumingin sa akin si Florey ng may pagkamangha sa kanyang mukha

"Ang ganda nyo po talaga young mistress " sabi ni Florey na may nagniningning na mga mata

"Florey diba sabi ko sayo na Amelia nalang ang itawag mo sa akin pag tayong dalawa lang " Tumango na man sya at hinila ako sa isang full length body mirror sa loob ng kwarto ko

"Tignan mo Ameliah ang ganda mo para kang isang dyosa " Pag tinatawag nya ako sa aking pangalan ay di ko maiwasan na isiping nakatatanda ko siyang kapatid .

Si Florey ay bente - uno anyos na samantalang ako ay labing pitong taong gulang pa lang kinuha ko talaga sya na assistant dahil sa galing nya na mag ayos .

Habang nakatingin kami sa salamin hindi ko maiwasan na mamangha sa taglay nyang kagandahan . Meron syang bilugang mga mata mahabang pilik mata makapal na kilay katamtamang laki at lapad ng ilong at manipis at mapupulang mga labi na kahit hindi nila lagyan ng pampapula mapula pa rin ito na para bang laging may kahalikan at ang kanyang buhok na kulot, tsokolate ang kulay nito at higit sa lahat ay ang kanyang katawan ,mas matangkad sya sa akin ng mga tatlong pulgada, maganda din ang hubog ng katawan nya. Ang tayong- tayong hinaharap nya ay parang nagsasabing ' mainggit kayo' at ang kulay ng kanyang katawan ay pantay lamang.

"Ameliah ......, ameliah...... , ameliah " sabay yugyug sa akin napatingin naman ako sa kanya

"Ano yun ?"may pagtatanong sa aking mukha tinignan nya rin ako

"Natulala ka kasi sa aking mukha" sabi nya "Kaya para bumalik ka sa huwisyo niyugyug kita

"Ah ganon ba " at nahihiya akong ngumiti ng matamis " Pasensya na ha , halika na Florey baka hinihintay na ako ni ama " sabi ko at hinila sya palabas ng aking kwarto , bumaba kami sa hagdan at kumaliwa upang matagpuan ang dining area ng aming pamilya

Pagdating namin sa hapag kainan nakita ko sila ama kasama ang tatlo kong nakatatandang kapatid na lalaki at si ina may kasama rin silang dalawang estaranghero na kapwa makikisig tahimik kong pinagmamasdan ang dalawa ng kinalabit ako ni Florey natauhan naman ako kaya ako na miss ang gumawa ng paraan para mapunta sa akin ang kanilang attention

Tumikhim ako upang kunin ang kanilang atensyon at pag ka tapos kong gawin iyon napatingin sila sa aking lahat tinignan ko sila isa-isa na para bang kinikilatis ang kanilang pakay, nang mapatingin ako kila ina at ama nakangiti sila sa akin na parang sinasabi na mag bigay galang ako sa mga bisita namin na ngayon ay nakaupo at nakatingin sa akin ng seryoso at sabay tingin kay Florey at sa akin at paulit-ulit na ginawa iyon

Yumuko ako sa harap nila at nag lakad sa kanilang harapan at umupo sa harap ng isang bisita na nakangiti na sa akin ng matamis ngayon ngumiti din ako biglang pag galang tinignan ko ang kanyang mukha kinilatis ko iyon , mga mata ng kasing itim ng gabi at ilong na tayong tayo mga mapupulang labi at higit sa lahat ay ang kanilang kulay na maihahalintulad sa bangkay sa sobrang putla

"Ehemmm" pagtikhim ni ama upang makuha ang aming attention

"Mga ginoo ito ang aking nag iisang anak na babae na si Ameliah siya'y labing pitong taong gulang na" sabi ng aking butihing ama at tumingin sa aming mga bisita ngumiti lang sila at umiling


"Ama bakit may kasama ka na namang mga estranghero at saan mo sila natagpuan ?" Pabulong at patanong na sabi ko sa kanya

"Anak di pa ba malinaw sayo ang lahat , pinapapili na kita ng iyong magiging asawa " malakas na sabi nya na ikinatawa nilang lahat

"Ano!!"gulat na gulat na sabi ko

"Pero anak wala ka bang na pupusuan sa kanilang dalawa ?" patanong na sabi ni ina sabay tingin sa akin na parang nanunukso

Umiling ako at sinabing "Paumanhin po " sabay yuko at umalis na ko doon na hila hila si Florey

"Ameliah saan tayo pupunta at bakit ka biglang umalis doon " tanong niya sa akin ng may pagtataka humarap ako sa kanya at sinabi ang lahat ng nasa loob ko

"Florey alam ko namang nakaugalian na ng aming pamilya na pakapangasawa ng maaga ang mga babae sa aming henerasyon pero hindi ko akalain na sa ganitong edad ako makakapag asawa grabe na man ito labing pito pa lang ako at hindi pa ako handang makapangasawa ng maaga at magka anak jusko " sabay nagpakawala ng malalim buntong hininga tumingin sya sa akin na para bang sinasabi na maayos din ang lahat

Hinagod din niya ang aking likuran " Ameliah wag ka nang umiyak " ngayon ko lang din napansin na umiiyak na pala akong sinabi nya iyon hinawakan nya ako sa kamay at hinila nya ako sa aking silid at hinagod ang aking buhok habang nakahiga ako at nakapatong ang aking ulo sa kanyang hita

"Ipagtitimpla muna kita ng gatas Ameliah " Tumayo na sya at nag lakad patungo sa pinto nginitian nya muna ako bago lumabas ng aking silid

Pag labas nya ay nilukob ng katahimikan ang buong kwarto ko at napahagulgol ako ng malakas at pinag hahampas ang unan ko at pinang gigilan dumapa ako sa kama at nagisip ng pwedeng magawa hanggang sa napagdesisyonan ko na lang na maglinis ng katawan , pumunta ako sa aking banyo at lumusong sa aking paliguan na may mabangong halimuyak dahil sa mga pabangong nilalagay ni Florey dito pagkatapos kong maligo ay lumabas na ako ng paliguan at natagpuan ang isang gatas sa aking lamesa napangiti ako at naisip si Florey para ko na talaga siyang nakatatandang kapatid na babae

Nag bihis na ako ng isang kulay puti na bistida na lagpas tuhod at may disenyong bulaklak at lumabas sa kwarto ko

Pagbaba ko ay hinahanap ko kaagad si Florey ng may makita akong isang kasambahay at tinanong kung nasaan si Florey sinabi nya naman kung Nasaan ito nagtungo ako sa likod ng mansion at naroon nga ito tulad ng sinabi ng isang kasambahay at parang tila may sinusulat sa isang kuwaderno tinignan ko lang sya at nagpasyang magtanong

"Florey ano yang sinusulat mo ?" tanong ko dito bigla nya itong tinago sa kanyang likuran at tumayo tila ba gulat na gulat

"Ameliah anong ginagawa mo dito sa likod bahay maraming peste dito halika doon at baka makagat ka ng mga peste " sabay hila sa akin sa loob ng bahay habang hinihila nya ako nakasalubong naman namin si ina

"Florey pwede mo ba kaming maiwan saglit ni Ameliah ?" tanong ni ina likas na mabuti talaga si ina

"Sige po madam " sabi ni Florey sabay yuko at umalis na tinignan ko lang siya hanggang sa makalayo siya at di tinignan si ina

Bumuntong hininga si ina " Anak pwede ba tayong mag usap saglit sa aking silid ?" tanong niya Tumango nalang ako at sumunod sa kanya

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 18, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Forbidden LoveWhere stories live. Discover now