TRUTH OR LIE? chapter 2

9 0 0
                                    

halos isang linggo akong di nakapasok sa school. nagkasakit kasi ako eh.. at feeling ko mas lumala to nung nasa bahay lang ako dahil isang linggo kong di nakita si Justinn. at ngayong magaling na ko sya ang unang gusto kong makita. kaya naman maaga akong pumasok sa school. alam ko maaga ang pasok ni justinn ngayon eh. syempre alam ko ang schedule niya. hahaha ganyan talaga pag crush. aminin niyo na ganyan din naman kayo.

pag pasok ko pa lang ng gate nakita ko na agad siya na halos tatlong metro lang ang layo sa akin sa second floor ng unang building ang room niya kaya malamang aakyat na yan dito.. pero teka... bakit parang??? san sya pupunta? isang linggo lang akong nawala nagbago agad sila ng room?

sa canteen ang tungo niya. kaya doon din ako pumunta. nakita ko sya na may nilapitang babae. kung di ako nagkakamali yun yung gf niya na si abby. pumwesto sila sa may sulok ng canteen seryoso ang mukha nilang dalawa.parang napakaimportante ng pag uusapan nila. pumwesto ako sa table na malapit sa kanila. syempre dapat mapakinggan ko ang pag uusapan nila.

"itigil na naten to justin. i'm so sorry." sabi nung gf niya.

"abby naman. wala namang problema di ba? bakit ka nagkakaganyan? kung ano ayaw mo sa akin babaguhin ko wag lang ganito." nakakaawang sabe ni Justinn.

"tama na justinn. nakapagdesisyon na ko." tumayo ung gf niya at umalis. hahabulin niya pa sana ito para pigilan pero di ito nagpapigil.

hayyy. kawawa naman ang justinn ko. bigla akong nalungkot ah? wait wait di pala dapat akong malungkot. may pag asa na ulet ako! yes!!!! dapat masaya ako. pero hindi talaga nakikita ko syang malungkot di ko mapigilang maging malungkot din. umalis na rin sya sa canteen at lumabas ng school. justinn.. ano bang dapat kong gawin? di ko alam kung pano ko sya matutulungan. sa totoo lang wala naman akong magagawa para mapagaan ang loob niya. kung may magagawa lang sana ako.

pagkatapos ng pangyayaring iyon, hind ko na muling nakita si justinn. wala sa room niya, wala sa canteen, wala sa paborito niyang tambayan pag wala siyang pasok. in short wala sa buong school! nasan ka na ba justinn? ganun ba talaga kasakit yun para sayo? nandito naman kasi ako. bakit ba ang bulag bulag mo? ganun mo ba talaga siya kamahal?

lumipas ang isa, dalawa, tatlo apat.. isang linggo.. wala pa rin akong nakikitang justinn. at eto nga pasuka na naman sana pumasok na sya. sana ok na sya. sana makita ko na sya. sana makita na kita! miss na miss na kita justinn my loves! >.< tahimik akong pumasok sa room. walang imik, malalim ang iniisip, wala akong gustong kausapin, wala din ako sa mood makinig sa lesson. nang tumunog ang bell, senyales na uwian na, tahimik pa din akong lumabas ng room.

"brielle? may sakit ka ba? ang tamlay mo ata ngaun?" pag aalalang tanong ng isa kong kaklase.

lumingon ako sa kanya at tinitigan sabay iling. nagpatuloy ako sa paglalakad na parang wala sa sarili. blangko ang isipan. ayy hindi pala may laman nga pala si justinn. ang tanging laman ng isipan ko! hehehe bat ba ko tumatawa? malungkot ako eh.  di ko na alam kung san ako pupunta ngayon. kung san na lang siguro ako dalhin nitong mga paa ko. sa paglalakad ko di ko namalayan na nandito na pala ako. sa lugar kung saan ko laging nakikita si justinn na nag iisa. sa ROOFTOP! naglakad lakad na lamang ako dito at tumingin sa kalangitan.

"ang ganda ng langit."

"mas maganda yan mamaya paglubog ng araw."

nagulat ako ng biglang may nagsalita sa likuran ko. pamilyar ang boses na iyon. ang boses na sabik na sabik ko ng marinig ulit. natatakot akong lingunin ang taong pinanggagalingan ng tinig na iyon dahil baka paglingon ko ay mawala ito at baka guni guni ko lamang. pero bigla kong naramdaman ang paglapit niya sa kinatatayuan ko. unti unti akong lumingon sa kanya. ngumiti siya sa akin ngunit bakas pa rin sa mga mata niya ang kalungkutan.

"maari mo ba akong samahan hintayin ang paglubog nito?" nagulat ako sa mga sinabi niya. di ko alam ang dapat kong isagot.

"ahh ehh.. kung iyon ang gusto mo. bakit hindi?" nginitian ko sya at tumitig sa mga mata niya. di ko akalain na matitigan ko sya at masasabi ko ang mga salitang iyon.

sabay namin hinintay ang paglubog ng araw. hindi kami nag uusap, hindi kami nagsasalita, nakatingin lang kami sa kalangitan. tumingin ako sa kanya. nakapikit siya. baka nakatulog na? magandang pagkakataon to. tinitigan ko sya maigi. ang kanyang mukha.. ang mga mata niya na nakapikit mukhang anghel kung pagmamasdan maigi.. ang kanyang ilong na matangos hiyang hiya naman ako sa ilong ko nito.. at ang kanyang labi.. hayyyyyy ang sarap! sarap halikan este pagmasdan pala. pero pwede na din halikan. nilapit ko pa ang mukha ko sa mukha niya upang matitigan ko siya ng sobra. pagkakataon ko na to eh minsan lang naman to kaya pagbigyan na.

"bakit mo ko tinititigan? may problema ba sa mukha ko?" bigla siyang dumilat. para akong hihimatayin. badtrip naman kasi dumilat dilat agad.

"ahh ehhh.." hindi ko alam ang sasabihin ko. brielle! isip isip ano ka ngayon? kalandian kasi eh. "may.. m-may ano .. ano kasi.."

"ssshhhhh.." di pa ko tapos magsalita at mag isip ng tinakpan niya ang mga labi ko at pinigilan magsalita. "wag ka ng magdahilan.. alam ko naman."

nabigla ako sa mga sinabi niya kaya nanlaki ang mga mata ko. pagkaalis niya ng kamay niya ay ang pagdikit ng mga labi niya sa labi ko. waaaah!!!! ang lakas ng tibok ng puso ko. parang malalaglag na! nanaginip ba ko? nanaginip ba ko? o totoo na to?????

"hoyy! bakit mo ko tinititigan? may problema ba?" pangalawang tanong niya sa akin.

"huh??? ahh.. ehh.." aynakuu sabe na talaga nag iimagine na naman ako eh. asa naman magkatotoo yun.

"ano bang iniisip mo at kanina ka pa nakatulala? may panguso nguso ka pang nalalaman at papikit pikit. hahahaha" sabay tawa niya ng malakas. parang masayang masaya na siya ay wala ng lungkot sa mga mata.

imbis tuloy na mahiya ako sa pinag gagawa ko ay natuwa pa ko. masaya ako at napatawa ko siya. masaya ako at napasaya ko siya. atleast nabawasan ang kalungkutan niya.

"ayan na papalubog na ang araw. dali tignan mo." masayang pag aaya niya sa akin.

at masaya naming pinagmasdan ang paglubog ng araw sa rooftop ng aming school. bakas sa mga mukha namin ang kaligayahan. ako na maligaya dahil kasama ko siya sa mga sandaling ito. at siya na maligaya dahil.. dahil siguro ay napasaya ko ang araw niya. sana nga tama ako.

TRUTH OR LIE? chapter 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon