Truth or lie? chapter 3

3 0 0
                                    

napakasaya ko! napakasaya ko! pwede na kong mamatay! ayyyy di pa pala. joke lang po. di pa pala ako kota. marami pa kong pangarap sa amin ni justinn. dahil sa masaya nga ako nakwento ko agad yun kay yas. di dya makapaniwala eh. hahahahahaha kahit ako di din makapaniwala.

sa sobrang saya ko, maaga ako pumasok at nasa mood pa. unang bumungad ba naman ay si justinn at nginitian pa ko. kaya pagdating ko sa room ay abot tenga ang ngiti ko. takang taka ang mga kaklase ko pati ang mga teacher ko. ang bait ko daw ngayon at ang sipag pa! syempre ganto talaga pag inspired. nung nag uwian ay nagprisinta na ko sa limang estudyante na kailangang maiwan para mag ayos ng bulletin board. pero kahit di ako magprisinta alam ko naman talaga na isa ako sa maiiwan dahil isa ako sa inaasahan ng klase pagdating sa mga design design. inunahan ko lang sila.

pumunta ako sa canteen para bumili ng materials. nakita ko doon si justinn na nakatambay kasama ang mga tropa niya. syempre dapat mapansin niya ko kaya sa harap niya ko dumaan.

"pssst." lumingon ako sa kanya. alam ko namang ako yung sinisitsitan niya dahil ako lang ang dumaan malapit sa kanila.

"uyy kaw pala?" kunwaring nagulat at di sya nakita.

"salamat kahapon ah!" sabay ngiti niya sa akin. naghiyawan ang tropa niya. tanong ng tanong sa kanya kung ano yung nangyari kahapon.

"yun ba? wala yun.. salamat din!" sa sobrang hiya ko tumakbo na ko palayo. baka makita pa nila na kinikilig ako. waaaah! ito na ba ang simula ng pagkakaibigan namin ni justinn??? at mauuwi sa.. waaaaah!!!! alam na! xP

pagkabili ko ng mga gamit na kailangan ko ay agad agad na akong bumalik sa room. dun ako nagtatatalon at kinikilig.

"anong problema nito?"

"wag na lang natin pansinin. baka nahanginan ang utak sa labas."

pinag uusapan na tuloy nila ako. tumingin ako sa kanila at ngumiti. eh sa masaya ako ngayon eh. walang pakialamanan. mag gagabi na din ng natapo namin ang bulletin.nauna na sila sa akin at ako na ang naglinis ng mga kalat namin. tutal naman malapit lang ang bahay namin sa school. 

sinimulan ko na maglakad mag isa pauwi. madami pang mga estudyante sa daan. dumaan muna ako sa isang convenience store para bumili ng food. pagpasok ko doon ay laking gulat ko dahil andun din si justinn. lalapitan ko sana siya ng makita ko na kasama niya si abby, yung gf niya.. dati. napahinto ako. ang sakit lang. kahapon masaya kaming magkasama, kanina kinausap niya ko, ngayon kasama niya na ulit si abby.. ayshhh. teka nga.. tama na nga asyumera na ko! T.T

kumuha na ko ng chips and drinks at nagmadaling pumunta sa counter. di niya naman siguro ako nakita, ayoko din kasi magpakita. tinignan ko ulit sila mula sa malayo ng biglang nagkatinginan kami ni justinn. nginitian ko sya at sabay iwasng tingin. naglakad na ko para umalis na dito. di ko na ata kaya pang makita sila. kaso may bigla na lang humila sa akin. laking gulat ko ng makita ko ang humila sakin.. walang iba kundi si justinn!

"teka, teka justinn.. bakit ba?" tanong ko habang hinihila niya ko papalapit kay abby.

"basta.. sumunod ka na lang.. please?" sagot niya sabay ngiti sa akin.

sumunod na lamang ako. nahypnotize na naman ata ako sa mga ngiti niya.

"sya.. si brielle.. ang gf ko." pagpapakilala sakin ni justinn kay abby. 

kitang kita sa mga mata ni abby ang kanyang pagkabigla. ganun din naman ako. nanlaki ang mga mata ko sabay lingon kay justinn.

"huh? gf? sya?" tanong ni abby nna takang taka. parang di sya makapaniwala sa mga sinabi ni justinn. tulad niya di din ako makapaniwala.

"oo si brielle. ang bago kong gf. brielle this is abby."

"ahh.. h-hi abby nice to meet you." nginitian ko si abby,litong lito nako. ano ba tong nangyayari?

"ahhh.. i have to go. nice to meet you din brielle." mabilis na umalis si abby na parang nadismaya sa mga narinig. 

"hindi mo ba sya hahabuulin?" tanong ko kay justinn.

"bat ko naman sya hahabulin? eh andito ang gf ko." 

"justinn?" takang taka pa din ako. nawiwindang na ko sa mga pangyayari. dii ko maintindihan si justinn. ano bang gusto niyang mangyari?

"wag ka ng magtanong. just help me. be my gf brielle?. temporary lang naman eh."

"ano? pero.."

"don't worry, just trust me." sabay ngiti nya na naman sa akin. ang ngiti nanagpapahina sa akin, ang ngiti na hindi mo mahindian, ang ngiti na lalong nagpapatibok sa puso ko.

BRIELLE gising! gising! nanaginipka lang. baka naman nanttrip lang to si justinn. sige najustinn sabihin mo na ang salitang 'joke lang'. baka naman role play lang to? labas niyo na yung camera atsabihin niyo ng cut. plllleeeeeaaaaasssseee!

"brielle! please help me."

"okay!" 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 20, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TRUTH OR LIE? chapter 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon