"Ano ba yan, Ma'am! Wala po ba talaga tayong foundation?"
Sigaw ko dun sa instructor namin sa FABM (Fundamentals of Accountancy Business and Management) habang chine-check yung pinapagawa sa aming Trial Balance."Ha? Akala ko ba ina-nounce na yun kahapon?" Tanong niya.
"Wala pong nag announce sa amin" Sagot ko sa kanya.
"Ahhh"
"So, ano nga po ma'am! Meroon?"
"Oo, meroon. Next week, 1week yun"
"Yehey" sigaw ko habang nagtatatalon.
"Aba masyadong masaya Ms. Claustro ah? Nakapagbalance kana ba?"
"Aba'y oo naman ma'am"
"Okay, for those who already finished their works. You may now take your lunch" Sabi ni ma'am sa buong klase.
Kaya naman inayos kona yung mga gamit ko, at lumabas na ng room. Pababa na ako sa hagdan ng biglang..
"Haaachooo!" Napatakip agad ako sa bibig ko. Grabe yung bahing kong yun ahh.
"Haaa...haaa..haaachooo! Ayst! Ano ba yan!"
"Oy! Napapa'no ka?"
"Ay butiki! Butiki nga!"
Nagulat kong sabi dun sa kaibigan kong butiki. Haha"Baliw ka, napapa'no ka?"
"Aba, ewan ko. Bigla nalang ako binahing. Siguro dahil dumating ka, malas ka talaga"
"Aba, galing mo naman magbintang! Haha tara na nga kay Eya at ng makakain na tayo"
Pumunta na kami sa room nina Eya pagkatapos ay dumiretso na sa kainan.
"Akala ko talaga walang foundation 'tong school na pinasukan natin e" sabi ko sa kanila habang nginunguya yung beefsteak ko na may ketchup.
"Haha oo nga e, papasok tayo?" Tanong ni Eya.
"Oo naman, excited na nga ako e" sabi ko sa kanila.
