**Kath's POV
"Tita, alis na po ako" paalam ko sa mommy ni Raine.
"Baka gusto mo munang maghapunan dito?"
"Dina po tita, salamat po"
"Oh, ay sige. Ingat ka, Jerraine! Hatid mo na yung bisita mo sa labas!"
"Wag na po tita, masama pa po ang pakiramdam ni Sissy, hehe. Sige po una na ako."
Nagmadali na akong lumabas ng bahay nila Raine at pumara ng taxi papunta sa bahay ko.
Pagdating ko sa bahay..
"Di ka manlang nagtext?"seryosong tanong ni Jan sakin.
"Sorry, nalimutan ko kase e" sabay yuko ko.
"Next time, don't do it again"
"Okay po"
"Let's eat. I cooked your favorite"
"Steak?"
"Ano pa ba?"
"Oy, galit pa. sorry na kase"
"It's okay. I'm not mad"
"Haha sige! Tara kain na tayo! Di ka naman pala galit e! May iku-kwento ako sayo!" Masigla kong sabi sa kanya.
Habang pinaghahanda niya ako ng pagkain, nagsalita na ako
"Jan babe! Alam mo May nakita akong picture mo sa kwarto ni Raine! Sobrang dami, nakadikit sa wall niya. Tapos nakadesign siyang puso. Grabe talaga yung room niya, punong puno ng picture mo" sabi ko sa kanya ng nakangiti. Kahit hindi naman totoo yung iba.
"Then?" Seryoso niyang sabi.
"Tapos may nakita akong papel na may picture niyong dalawa, nung una nga muntik pa akong maniwala ang galing nung pagkaka edit, kung diko lang nahalata dun sa damit na suot mo haha magkasama tayo nung araw na suot mo yun e!" Sabi ko habang umiinom ng tubig, feeling ko kase maiiyak ako e.