First day

1.3K 34 2
                                    

Maaga akong gumising para makapag ayos, unang araw ng klase ngayon sa bago kong eskwelahan kaya kailangan ready ako. "Eunice, kain na ng breakfast" aya ni mama. "sige ma bihis lang po ako" agad kong kinuha ang uniporme kong plantsado at isinuot, matapos kong magbihis ay agad na rin akong bumaba para kumain "goodmorning, ma" bati ko sa aking ina "goodmorning anak, kain kana".
Bago ako tuluyang lumabas ng aming bahay ay isinuksok ko na sa aking tainga ang earphone, ganito naman ako laging may nakasuksok na earphone sa tainga para di ako nag w worry sa judgement ng ibang tao. I hate judgements hehe.
Nakarating ako ng maaga sa school, nauna ako ng mga 35mins sa kanila pero okay lang sobrang excited rin ako sa unang araw ko dito sa tomas high school, isang taon lang ako dito dahil 4th year na ako. Nahanap ko ang classroom namin, yes ako pa lang ang tao kaya dito na ako mag hihintay tahimik, walang magulo. Pinatay ko ang tugtog sa phone ko at ipinikit ang mga mata ko habang humihinga ng malalim, sinusulit ko ang saglit na kapayapaan.
"bago ka lang ba dito?" malumanay n'yang tanong, agad kong sinulyapan ang taong pinanggalingan ng tanong na iyon.
Napako ang mga mata ko sa kanyang mukha, napaka amo, agad ko ring inalis ang tingin sakanya nung ako'y kawayan n'ya sa harap ng aking mukha.
"oo" maikli at walang emosyon kong sagot.
"estudyante siguro kita, advance ka ng 30 mins" agaran akong napatingin sakanya "teacher ka po?" may halong gulat kong tanong. "oo, dito sa room na 'to ako mag ka klase e, gusto kong nauuna ng 30 mins sa room" salita nya habang nag sasaksak ng charger ng laptop sa saksakan "sorry sir, alis na lang po ako" tumayo ako at kinuha ang bag ko "no. Stay, okay lang saakin na dito ka, para mas matitigan kita" humarap s'ya saakin at ngumiti. Hindi ko alam ang mararamdaman. Magugulat ba ako? Matatakot? Maiinis? "ang manyak ng datingan nyo sir" kusang lumabas sa bibig ko kasabay ng tuluyan kong paglabas sa silid. Gwapo sana kaso manyak.
Ang aga aga nasisira ang peace of mind ko. Teka s'ya pala teacher ko, paano ako papasok sa subject n'ya ngayon nito? Natigil saglit ang inis ko ng mabunggo ako ng babaeng nagmamadaling mag lakad, huminto s'ya at sinabing "sorry pasensya na" nginitian ko lang s'ya at tinalikuran na ayaw kong lalo pang mabwisit.
Next subject na lang ako papasok tatambay na lang muna ako sa canteen.

My teacher, My boyfriend.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon