Pagsuko

23 2 0
                                    


💌--- 003
Spoken Poetry

----

Ilang beses na akong nagtangka
Madaming paraan na rin ang aking ginawa
Pero ayaw ng puso kong kalimutan ka

Sa tuwing tititigan kita naalala ko ang dating tayo
Ano bang nagawa ko?
Ano bang kasalanan ko?
Ano bang dahilan bakit bigla ka na lang nanlamig, at unti unting lumayo

Tinakbo ko ang pagitan nating dalwa
Pero hindi ko alam kung akoy sadyang lampa
Dahil paulit-ulit akong nadapa
Sa pagkakadapa kong ito nararamdaman ko na ang sakit
Kaya ko pa ba?
Kaya ko pa bang ipaglaban ang relasyong ako lang ang nagpapahalaga.

Kaya ko pa bang ipilit ang aking nadarama
Kakayanin ko pa gayong alam ko namang wala akong halaga.
Siguro dati kayang-kaya ko pa
Kayang-kaya na ipaglaban ka
Subalit bakit ganoon? Ako'y nanghihina na?

Unti-unting humina ang pagtakbo ko
Hanggang sa tumigil na ako sa paghabol sayo
Sumisigaw na ang katawan at puso ko ng "TAMA NA"
"GUSTO KO NANG MAGPAHINGA"

Sa sobrang pagod ko sa kahahabol nakatulog ako,

Ikaw yung taong mahirap bitawan
Ikaw yung hahanap-hanapin kahit saan
Pero nagising na ako sa katotohanan

Mahal patawad, hindi ko na kaya pa
Sumusuko na ako sa relasyong ito
Sumusuko na ako sa takbo nang ating relasyon na hindi alam kung saan patungo

Mahal, paalam na sumusuko na ako
Ayaw na kitang ikulong sa relasyong ito
Siguro nakaukit na sa bato nang tadhana na ikaw at ako'y hindi para sa isa't-isa
Saksi ang buwan at mga bituin sa kalangitan
Sasabihin ko na sayo ang matagal mo nang hinihintay
Di ko na kaya, ika'y malaya na
Paalam sa mga bagay-bagay na ginawa natin na kahit kailan ay hindi na mauulit pa.

---

✒Ryllieee

Tula Mula sa MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon