(SATURDAY)
"tok tok tok"
"tok ok tok"Nagising ang diwa dahil sa ingay na nagmula sa pintuan, Pinilit kong bumangon upang tignan ang orasan.
"6:33pm"
"ahhhrrrggghh... 6:30 palang ah! Mamaya pa dadating sila mom at dad, Tsh! Asusual 10:00 pm nanaman sila uuwi" asar niyang wika (ok back to bed) sabi niya sa isip niya dahil wala siyang gustong gawin kundi matulog lang ayaw niya lumabas. Ngunit bago pa siya makabalik sa kama....
"tok tok tok"
"tok tok tok"Ay mayroon nanaman kumatok sa pintuan. Ang ginawa niya nalamang ay takpan ang teka niya ng unan, pero bigla siyang napabalingkwas at napamulat ng mata dahil sa sinabi ng kaniyang yaya na nasa loob na pala ng kaniyang silid.
"Ezy! Nariyan na ang mommy at daddy mo bumangon ka na at mag ayos, mag'gagabihan kayo ng sabay-sabay"
"Ba't ang aga naman ata nilang umuwi" pabulong niyang wika, ngunit narinig ata ito ng kaniyang yaya.
"Tumawag sila knina at sinabing maaga silang uuwi. Pinapagising kita kanina kay Luz pero wala daw tumutugon sa pagkatok at pagtawag sa iyo, bumangon ka nariyan at handa na ang gabihan hinihintay ka na sa baba"
Tanging tango nalang ang sinagot niya sa kaniyang yaya. Bumangon na siya agad at dumiretsyo sa banyo.
"ayssstt..! Bat ang aga naman ata nila ngaun. Then sabay sabay kaming mag'didinner? WOW! This is new huh!" sabi niya sa sarili habang nasa banyo, pagkatapos niya sa banyo ay dumiretsyo na siya sa closet niya kung saan nakalagay ang mga dress niya.
Kailangan maging formal kung meron ang kaniyang magulang kahit ayaw magsuot ng dress ay sinuot nalamang niya ang plain white dress na walang gaanong disensyo saka siya nagsuklay at nagpulbos dahil ayaw niya na naglalagay ng kolorete sa mukha.
------------
Pababa na siya ng hagdan ng nakita niya ang kaniyang magulang na seryosong nakaupo sa harap ng hapagkainan.
"Good evening mom, dad!" sabay beso sa kaniyang magulang. Tanging tango lang ang natanggap niya sa magulang! Binalewala niya nalamang ito at umupo nalang siya at nakatungong kumain.
Mahabang katahimikan ang namutawi sa hapagkainan. Nabasag ang katahimikang iyon ng biglang tumikhim ang kaniyang ama.
"ehem"
Nag angat siya ng tingin at napansin niyang tapos na pala silang kumain. Napainom nalamang siya ng tubig at nagpunas ng tissue sa kaniyang bibig. Napansin niyang seryoso ang mukha ng kaniyang magulang ay umupo siya ng maayos at deretsyong tumingin sa kaniyang magulang.
Bago pa siya mag tanong ay tumikhim ng sabay ang kaniyang magulang
"ehem/ehem"
"Dad? Mom?" taka niyang tanong?
"cristine/shrianna" sabay na tawag sa kaniya ng kaniyang magulang
Nagtaka nalamang siya dahil halata sa mukha ng kaniyang magulang na hindi alam kung sino ang unang magsasalita.
Nagkatinginan ang magulang nya at nagkatitigan ng matagal na tila nag uusap gamit ang knilang mata at sa huli...
"Cristine" ng marinig niya ang tinig na iyon na galing sa kaniyang ama ay bigla nalamang siyang kinabahan sa di malamang dahilan.
"Dad" usal niya.
" magempake ka! Pack all your things, nakaready na ung ticket niyo. Your flight is 7:00 in the morning" iyon lamang ang sinabi ng kaniyang daddy walang ano ano'y tumayo na ito ng walang pasabi na pumunta sa sala.
"wt! Ako? Magiimpake? flight? Bukas? Para san?" mga namumuong tanong sakaniyang isipan.
"Shrianna, narinig mo naman siguro ang sinabi ng daddy mo? Mag impake kana tutulungan ka ng yaya mo! Matulog ka ng maaga dahil kami ang maghahatid sainyo sa airport. Kasama mong uuwi yaya leny mo. Doon mo na din itutuloy
Ang pag aaral mo! Nakaayos na lahat ng kailangan mo pati sa school kaya wala ka ng pro'problemahin. I'll go now, take a rest shrianna" wika ng kaniyang ina.Tanging tango nalang ang naisagot niya sa kaniyang ina. Wala siyang naintindihan ni isa sa sinabi ng kaniyang ama at ina dahil ayaw mag sink in sa utak niya lahat ng nalaman niya.
Di niya namalayan na nasa kwarto na siya, nakita niya ang kaniyang yaya na iniimpake ang lahat ng kaniyang kagamitan. Dumiretsyo nalamang sa sa banyo upang gawin ang nakasanayan niya bago matulog.
-------------
Natapos na nila ang lahat, naimpake na nila ang lahat ng kaniyang gamit. Habang siya'u nakahiga sa kama iniisip niya kung bakit biglaan nalamang ang pag uwi nya sa pilipinas.
(By the way)
👉I'm Lhaylie Ezy Cristine Shrianna Bryleigh ( ang haba diba HAHA) . 17 y/o! Daughter orlf Mr. & Mrs. Bryleigh (malamang kaya nga BRYLEIGH eh! HAHA) My mother is Veronica Bryleigh.& my father is Lucas Bryleigh. It's been 7 years😔 mula noong isama ako nila mom at dad dito sa California.lsinama nila ako para mas mabantayan. Yea! I'm a grade 12 students from L.A ACADEMY.👈Sa kakaisip ni Ezy ng dahilan ay hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya.
💤💤💤💤💤😴😴