Chapter 1

1 0 0
                                    

"I guess, this is really the end of us." Masakit na nasambit niya kay Joshua na noon ay matiim nakatingin sa kanya. Mga tinging may halong hinanakit. "We're not meant for each other."

Nagulat siya nang bigla nitong suntukin ang lamesa ng restaurant na pinagdalhan nito sa kanya. Napatingin pa ang mga ibang taong nandoon sa mga oras na iyon.

"What the hell are you talking about? Is this about me? Tell me, I'm going to change it for you."

Si Joshua ay isang anak ng mayamang negosyante. May pag-aari rin ang pamilya nito na unibersidad kung saan sila nag-aaral pareho.

Mas bata sa kanya ng apat na taon. Pero hindi ito naging hadlang sa kanya para ligawan siya nito.

Kilala siya sa school nila na maangas -anak mayaman eh. Magaling ito sa pagbabasketball.

Siya naman si Anghie, isang volleyball player. Dahil sa kanyang pagiging varsity ay libre lahat ang kanyang tuition sa paaralan. Dahil din sa pagiging myembro ng varsity ng volleyball kaya sila nagkakilala ni Joshua.

Malakas na pinalo ni Anghie ang bola papuntang kabilang court. Napasuntok siya sa tuwa nang hindi ito maistop ng kanilang kalaban. Panalo sila!

Nagtatakbo sila nga kateam niya sa loob ng volleyball court sa sobrang tuwa.

Nakakabingi ang hiyawan sa loob ng gym sa pagkapanalo nila. Pero hindi nakaligtas sa kanyang pandinig ang sigaw ng isang boses lalaki mula sa itaas na bleacher ng gym.

"I love you Anghie!" Hinanap ng kanyang mata kung saan nanggaling ang boses at nakita niya ang isang gwapong binata na nakahawak ng banner na may pangalan niya.

Si Joshua Villanueva! Ang anak ng VSU President- ang may ari ng paaralang kanyak pinapasukan!

Lumingon ang mga estudyanteng nasa bleachers sa lalaki at namangha rin sa kanilang nakita.

Pumafanboy ito!

"Hooohhh!! Hooohhh!!! Magiging girlfriend ko yan! I love you Anghie!" muling sigaw nito.

Nagsigawan ang mga tao sa loob ng gym. Mga kantyaw at mga tawa ang kanyang narinig.

Okey lang naman sa kanya na may humanga sa kanya dahil sanay na siya bilang isang varsity at captain ball pero ang isang gaya ni Joshua - anak ng presidente ng school, pinag-aagawan at higit sa lahat, mas bata sa kanya ng apat na taon ay nagsisigaw doon ng I love you sa kanya.

'Nakakahiya' ani ng kanyang isip pero pilit pa rin siyang ngumiti.

"Antaray mo girl!" nakangiting kantyaw ng kanyang teammate na si Reena. "Anak ng Presidente ng school ang may gusto sayo!"

Nginitian lamang niya ito.

Nakita niyang papalapit si Grace sa kanya, isang Mass Communication student. May hawak itong mikropono, kasunod nito ang isang camera man.

Ang seksi nito sa suot nito. Pero halatang halata ang pagkamaldita nito. Hindi maipinta ang mukha nitong lumalapit sa kanya. Hindi maganda ang trato nito sa kanya kahit pa hindi parehas ang department nila. Mainit lang talaga siguro ang ulo nito sa kanya dahil kay Joshua. Lalo pa at napapabalitang may gusto ito kay Joshua.

Ininterview siya nito tungkol sa katatapos nilang laro.

"How do you feel as of now that the son of VSU is cheering on you? Not only that, he even said that he loves you." Tila nasusukang tanong nito.

Ngumiti siya. "Of course, I'm happy that he is one of my fans. Marami naman nang nagsabi ng ganyan na mga nanonood. He is just showing his fanboy side. Though I'm not that worthy enough to be admire by him."

"You're right. And everybody wouldn't believe if ever na mahal ka niya talaga. There's a four-year age gap between the two of you. You are now a graduating student and he's just in his first year in college." dagdag nito.

Ngumiti na lamang siya sa sinabi nito. 'Bakit hindi ba pwede kung mas matanda siya kesa kay Joshua?' aning isip niya.

Ipinilig niya ang kanyang ulo sa kanyang naisip na iyon at nag excuse na siya kay Grace na noon ay nagpoposisyon na para sa kanyang report.

Nagtungo siya sa kanyang kateam na noon ay nagpapapicture kasama ng kanilang coach habang hinihintay ang awarding nang walang ano-ano'y nagtilian ang mga kasamahan niya.

Si Joshua at ang mga barkada nito ay papalapit sa kinaroroonan nila. Hindi maikakaila na gwapo ito pero may kayabangan nga lamang. Daig pa nito ang isang fourth year student kung makaasta eh freshmen pa lang naman.

Nakita niyang may iniabot na pumpon ng bulaklak ang isa sa mga kasama niya sa kanya. Patungo ito sa kinaroroonan nila.

"And now, VSU people! For a back-to-back champion in volleyball league---" naputol ang sasabihin sana ng announcer ng may ibinulong si Joshua rito. Nakita pa niyang lumingon sa kanya ang announcer saka nito ibinigay ang mikropono kay Joshua.

"Hello VSU!" sigaw nito. Naghiyawan ang mga tao sa loob ng gym bilang tugon sa sigaw nito.

"I have a very important announcement to make! Here! In front of all VSU students and administrators!" pagpapatuloy nito.

Lumingon ito sa kanyang kinaroroonan saka naglakad. Kumikislap ang medyo singkit nitong mga mata dahil sa kagalakan.

Nagtataka man ay hindi siya nakagalaw sa kanyang kinaroroonan. Nang isang dipa na lang ang layo nito sa kanya ay bigla siya nitong kinindatan na dahilan ng muling hiyawan ng mga tao. Nasa big screen sila!

Kumabog ang kanyang dibdib nang bigla bigla ay lumuhod ito sa kanyang harapan. Lalong lumakas ang hiyawan. Nakakabingi sa sobrang lakas.

Ibinigay nito ang bulaklak na ibinigay kanina ng kasama nito sa kanya.

"In front of them, Miss Anghie Montejo, will you be my girlfriend?"

Nagulat siya sa rebelasyong iyon ni Joshua. Tila siya itinulos sa kanyang kinatatayuan. Hindi siya nakagalaw. Kung hindi pa siya kinalabit ng kateam at kaibigang si Reena ay hindi pa siya matatauhan.

Ngiting ngiti si Joshua habang nakatingala sa kanya. Tila ba inaasahan nito ang pagsagot niya nga "oo" dito.

Why not di ba? Hindi naman siya pangit, sa katunayan nga ay pinag-aagwan ang kanyang kagandahan. Gwapo naman si Joshua. Iyon nga lang at mayaman ito, siya ay mahirap lamang. At higit sa lahat ay mas bata ito sa kanya ng apat na taon. Ano na lang ang sasabihin ng mga ibang estudyante kung sakaling sagutin niya ito doon?

Nataranta siya sa kaisipang iyon.

"S-sorry but my answer is no..." sagot niya rito sala nagmamadaling iniwan ito sa gitna ng court.

Narinig pa niya ng hiyawan at tawanan ng mga tao sa loob ng gym nung makalabas siya.

Sa tanang buhay niya, noon lamang niya naranasan ang ganoong kahihiyan.

Alam niya, panigurado siya na pagpipyestahan siya sa kanilang paaralan bukas dahil sa nangyari. At sa isiping iyon ay mas lalo siyang nataranta at naguluhan.

"Bahala na si Batman." aniya sa kanyang sarili bago tuluyang nilisan ang gym. Hindi na rin siya bumalik pa para sa awarding.

I Love You, Teacher. Where stories live. Discover now