Chapter 3 Tinamaan na Ako?!

452 14 9
                                    

AN: Dedicated toh sakanya kasi lagi siyang nagcocomment at nagvovote :) Salamat! HAHA! Hello KrisJoynians! Pkivote/read/comment naman sa On-Cam, Let The Love Begin Again at Their Fairytales! Salamat po. :) 

......................................

"Ready na ba kayo jan?" 

"Ah.. Opo.." 

"Asan na ba si Claire?.."

"Andun pa po sa dressing room niya.." sagot ko.

"Ah..Miss, pakitawag na nga si Claire. Start na tayo.." utos nito sa isang PA.

"Ah.. Ako na po ang tatawag.."sabi ko.

 "Sige.."

Pinuntahan ko na si Claire. Kumatok muna ko.

"Pasok.."sigaw nito mula sa loob.

Pumasok na ko. Nagulat siya nung nakita niya ko. Ang ganda nito sa suot nitong pulang dress. 

"Ah--h..ready ka na daw ba?"

"Oo.." tipid nitong sagot.

"Ah..tara na..Start na daw tayo.."

Tumango lang siya.

Lumabas na kami at wala pa ring kibuan. Hindi rin siya nagtataray. Nakakapanibago. Hindi ako sanay sa ganito.

"Oh.. dalian niyo na.. may rehearsal pa kayo diba?"

Oo nga pala. Magrerehearse pa pala kami.

Nagsimula na 'yung photoshoot.

"Oh Claire.. ngumiti ka naman.." bati nito kay Claire.

Pansin ko rin na matamlay siya ngayon. Seryoso lamang siya.

After nung photoshoot, diretso na kami sa rehearsal namin. Tahimik pa rin siya.

"May problema ba?" 

"Wala."

"Eh bat kanina ka pa malungkot dyan at di mo ko tinatarayan?"

"Wala.."

"Ano ba Claire..pwede mo namang sabihin sa akin kung may problema ka.."

"Wala nga e..masama lang pakiramdam ko..."

"Gusto mo hatid na kita pauwi sa inyo..?"

"Okay lang ako.."

"Sigurado ka? Gusto mo ipabili kita ng gamot? Ano bang masakit sayo? Gusto mo bang ku--..?"

"Hindi na nga!. Okay lang ako sabi e! Pwede ba 'wag ka ng magpanggap na concern ka..wala naman tayo sa harap ng maraming tao..hindi mo naman kailangang gawin yan.."

Natahimik ako bigla sa sinabi niya. Ganun ba talaga ang iniisip niya sa akin? Lahat ginagawa ko para sa career lang? Nakakadisappoint.

"Sige nandito na tayo. Sunod ka na lang.." sabi ko sa kanya.

Dumiretso na ko sa dressing room namin at nagmuni muni dahil mamaya pa ang rehearsal namin.

"Oh Blaze seryoso ata tayo dyan ah?.." si Lucas.

"Hindi naman.."

"Hi guys!" sabi nitong si Sheena na biglang pumasok sa dressing room naming mga boys.

The Act of FallingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon