Never Had You (JuliElmo One Shot)

481 3 1
                                    

NEVER HAD YOU

"Maybe it's pain and love

'Cause the past has the way of holding in..."

Monday night. Nakaupo lang si Julie sa kama niya at pinapakinggan ang mga kantang kakantahin niya sa online gig niya kinabukasan, nang biglang pumasok si Jac.

"Ate..." Simula ni Jac.

"Yes baby. Ano yun?"

"Si kuya gwapo bakit hindi na po pumupunta dito?" Inosenteng tanong ng batang kapatid.

"Ah. Eh. Kasi busy si kuya mo eh." Hindi niya alam kung pano sasagutin ang kapatid. "Baka hindi narin siya makapunta pa dito."

"Bakit po?"

"Eh kasi baby, busy si kuya sa work. Wag na maraming tanong please? Magpahinga ka na kasi may pasok pa bukas." Lambing nito sa kapatid.

"Miss ko na siya ate eh. Pero hindi ko na po siya tatanungin kasi ayaw kita ma-sad."

"Ha? Ayaw mo kong ma-sad? Bakit?"

"Kasi pag tinatanong ko si kuya gwapo yung face mo nasasad. Ayaw ko na ganun ka ate. Miss mo na ba siya?"

"Hmmm. Sige na baby, matulog ka na. Gabi na oh. Bukas maglalaro tayo pagkauwi ko. Sleep ka na." Iwas sa tanong na sagot ni Julie.

Nagliwanag naman ang mukha ng batang kapatid at niyakap ang ate nito. "Opo ate. Magsleep na ko. Goodnight ate. Lalab kita. Wag ka ng sad." Sabi nito sabay halik sa pisngi ng ate nito.

"Lalab din kita baby. Sige na. Hug mo na ko ulit ng mahigpit tapos magsleep ka na sa room mo." Niyakap naman siya ng batang kapatid at tuluyan ng lumabas ng kwarto.

"Ayaw ko naring maging malungkot." Nasabi nalang niya sa isip niya,

*****

"Every song that sings of you fills my head with memories we shared..."

10pm. Matutulog na sana siya ng biglang nagring ang cellphone niya. Tinignan niya kung sino ang tumatawag at agad siyang napabangon nung makita kung sino yun. Sinagot niya ang tawag pero hindi muna siya nagsalita.

"Hello..." Bungad ng nasa kabilang linya. "Julie, are you there?" Hindi parin siya sumasagot.

"Julie, alam ko naman na nakikinig ka eh. Please talk." Pagmamakaawa nito.

"He-hello..." Mahinang sagot niya.

"Baby... I want to hear your voice. Damn, I want to see you." Lambing nito.

"Don't call me that. Lasing ka nanaman. Nasan ka ba? Umuwi ka na nga." Pagtataray nito.

"I'm not drunk. Di ako lasing, nakainom lang ako. I can still think straight."

"Eh ano bang kailangan mo?" Pinipilit niyang tarayan ang boses niya para hindi mahalata ng kausap nito na nasasaktan nanaman siya.

"I want to see you. Please?"

"Elmo naman eh..." Umpisa niya.

"Sige na please. Miss na miss na kita eh."

'Siguro nga panahon na para magkausap na kami ng maayos.' Isip niya. "Sige kelan ba?" Sagot niya.

"Now, I'm actually outside your house."

Nagulat naman siya at agad tumayo para sumilip sa bintana niya and true enough, he's there standing outside their gate looking lost.

"Siga bababa na ko." Binaba na niya ang tawag, nagsuot ng jacket at bumaba na. Pagkabukas niya ng gate ay agad naman siyang niyakap ng binata.

"I miss you..." Sabi niya habang yakap siya at sinubsob ang mukha sa balikat niya.

Never Had You (JuliElmo One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon