"Matapang ka ah! Kapitan yang mga yan!!" Galit na sabi nito habang nanlilisik ang mga matang nakatingin samin "tingnan natin kung hanggang san yang tapang mo binibini" nakangisi pang dagdag nya.Napaatras ako nung nagsi- lapitan na sila. Putcha ambading ko ngayun ah! Nadaig pako ng baliw nato (-.-) tsk. Bahala na ah! Ang yabang naman kasi ng isang to e!
Nagtaka ako nung pumunta si baliw sa harap ko, nakatalikod sya sakin ngayun.
"Hoy! Anong ginagawa mo?!" Kunot noong tanong ko sa kanya.
Ano? Ililigtas nya ko? Parang hero lang ganon?
Lumingon sya sakin at inosenteng tiningnan ako "pinoprotektahan ka" sabi nya saka humarap ulit sa mga gangster na nagsisilapit na samin!
pinoprotektahan ka
pinoprotektahan ka
pinoprotektahan ka
pinoprotektahan ka
What the-?!
Ano bang nangyayare sakin? Ah ewan!
Nung medyo malapit na samin yung mga gangster. Eh di nako mapakali at sobrang bilis na ng tibok ng puso ko kaya hinawakan ko nalang sa kamay yung baliw at hinila na sya!
At nanakbo kaming magkahawak kamay ng babaeng di ko naman kilala!
Say it's true, there's nothing like me and you
I'm not alone, tell me you feel it too
And I would run away
I would run away, yeah..., yeah
I would run away
I would run away with you
Cause I am falling in love with you
No never I'm never gonna stop
Falling in love with you
Tumigil na kami sa pag takbo nung naramdaman kong di na sila nakasunod samin.
bumitaw nako sa kamay ni baliw nung narealize kong kapit ko parin pala ito.
Napatuon nalang ako sa tuhod ko sa sobrang hingal.
Nag angat ako ng tingin para tingnan si baliw. Nagtataka akong napatingin sa kanya. nakatingin ito sakin at parang di manlang napagod o hiningal sa pagtakbo namin! Napakalayo kaya ng tinakbo namin! Tao bato?!
"Ayos kalang ba?" Tanong nya
Wooooah, Sa wakas kinausap din ako!
"O-oo ayos lang ako" sagot ko sa kanya
"Mabuti naman" sabi nya at for the first time ngumiti sya sakin! At......at ang ganda nya.
Umayos ako ng pagkakatayo at humarap sa kanya.
"Ang lakas mo pala sumapak? Hahaha taob yung unggoy na gangster e!" Natatawang sabi ko sa kanya.
"H-haha. Ayun ba? A-ah ano.. kase, ano.. Nagsusuntukan kami ni Ama! Oo. Kaya natuto ako " sagot nya.
Seryoso? Nagsusuntukan sila? Katakot naman tong mag ama nato.
"Hmm. Paano ka nga pala nakapunta dun sa room ko kanina?"nagtatakang taong ko sa kanya.
"Hindi ko din alam e." Sabi nya.
"paano mo nga pala nalaman pangalan ko?" Tanong ko ulit.
"Bata palang ako, alam kona pangalan mo." Sagot nya
"A-ano nga palang p-pangalan mo?" Medyo utal na tanong ko. Kasi kanina kopa sya kasama tas diko manlang alam pangalan nya. Hindi naman sa enteresado ako.
"Zaiah" (Zayah) sagot nya, pero hindi sya sakin nakatingin. Kundi dun sa nagtitinda ng cotton candy.
Zaiah?
"Gusto moba nun?" Tanong ko sa kanya kasi hindi maalis ang tingin nya dun.
"Hmm" nakangiting sagot nya sakin.
"Sige, intayin moko jan ah? Wag kang aalis. Bibilhan kita.
Pumunta ako kay manong na nagtitinda ng cotton Candy.
"Manong? Pwede po ba kayo gumawa ng kulay rainbow na cotton candy? " nakangiting tanong ko kay manong.
"Oo naman hijo, para ba sa nobya mo?" Nakangitin sabi nya.
Eh? Nobya?
"A-ah haha h-hindi po manong, kakilala kolang po" sagot ko sa kanya.
"Hahaha ganun ba, sige gagawa nako." At ngumiti si manong sakin. Yung kakaibang ngiti na Para bang may ibig sabihin yung ngiti nya?
Mga ilang minuto lang natapos na nya. Kaya iniabot ko sa kanya ang bayad ko 1 thousand .
"Keep the change po" nakangiting sabi ko.
"Nakuuu. Salamat ng marami hijo. " masayang sagot nya .
"Walang anuman ho. " nginitian kona lang sya.
"Sigi na nagiintay nayung KAKILALA mo " sabi nya at ayun na naman yung kakaiba nyang ngiti!
Tss. Ano ba naman.to si manong!
Ngiti nalang ulit ang isinagot ko sa kanya at tumalikod na.
"Zaiah! Oh" at iniabot ko sa kanya yung color rainbow na cotton candy. Tinanggap nya ito at parang batang tuwang tuwa dahil nabigyan sya ng candy.
Naglakad kami sa gilid ng dagat at umupo sa may bench dun.
"Salamat!" Ngiting ngiting sabi nya.
Ngumiti lang ako sa kanya habang tinitingnan sya kumain.
Ang cute nya.
Ha? Anong cute? Siraulo ka na rael. Ikaw ata ang baliw.
"Hindi ka baliw" sabi nya habang nakatingin sa cotton candy na kinakain nya.
Nababasa Nya Ba ang isip ko?
Ano bang sinasabi na naman nito?
"Ha?" Tanong ko.
"Wala haha, oh gusto mo?" Alok nya sakin
Kumurot naman ako at kinain yon.
Ayt! Maghahanap pa nga pala ako ng mabibilhan ng bahay! Kingina. Nawala sa isip koyun ah!
"Ah zaiah, umuwi kana muna. May pupuntahan pa kasi ako e" sabi ko sa kanya. Napatingin naman sya sakin at biglang sumeryoso ang mukha nya.
"Pinapauwi mo nako? Malayo ang bahay ko. Malayong malayo" seryosong sagot nya at bumalik na sa pagkain.
M
-----------