Azrael Cohen's POV
"AZRAEEEEEEEL!!" sigaw ni tita na nasa loob ng kwarto ko ngayon hahaha.
tumakas lang naman kasi ako dahil Grounded ako at sobrang boring sa bahay kaya diko na natiis at tumakas nako.
"Hooop!" At tumalon nako ng tuluyan sa mataas naming bakod.
lolo at tita kolang ang kasama ko sa bahay. Bakit? Kasi si mom at dad ay nasa ibang bansa para sa trabaho nila.. bihira lang silang umuwi dito at hindi kami ganun ka close ng parents ko.
Hays wala nga pala akong magagamit na kotse tsk nasa lolo ko kasi yung susi ng kotse ko, wooooh buti nalang may pera pako
Kaya naman pumara nalang ako ng taxi at dali daling sumakay.
Kila Alex ako pumunta sa bahay ng Bestfriend ko at sakto andito din si Jack
"Ui Bro? Anong ginagawa mo dito? Hahaha Grounded ka ah!" Si Alex
"Hindi kona nakayanan sa bahay ang Boring, nag taxi nga lang ako papunta dito e." Sagot ko naman at umupo sa sofa nila.
"Siraulo ka talaga Rael! Haha lagot ka na naman nan " si jack
"Tsss " sagot ko at ipinatong ang ulo ko sa sandalan ng sofa at tinitigan ang kisame
"Haha magpaka Good boy kana kasi bro, so ano na? Ano ng gagawin mo ngayon?" Si Jack
"Hindi ko nga alam e, gusto kong lumayo muna " sagot ko
"Bro, kung magbakasyon ka kaya muna? " suggest naman ni Alex
Napalingon naman ako sa kanya, bakasyon? Hmmm..
"San naman ako magbabakasyon? E hindi naman pwede sa rest house namin, malalaman lang nila kung asan ako" sabi ko
"May Rest house kami sa Balli , pede kadun! May beach din dun para naman mahanginan ka at marelax ng makapag isip isip ka haha masyado kasing hot sa bahay nyo e " sagot ni Alex
"Oo nga naman bro para maitino mo yang utak mo hahaha " si jack na natatawa pa. Tsk
"Ang problema kelangan kong makuha ang kotse ko at maitakas ang ilang mga gamit at damit ko, nakahold kasi lahat ng cards ko tsk buti nalang may pera pako " sabi ko at saka ibinalik sa kisame ang paningin ko.
At miya miya lang may pumasok na sa isip kong plano kung paano ko makukuha yung ilang mga gamit ko at saka ko ito sinabi kila jack at alex
"Sigurado kaba jan bro? Baka pumalpak ka! Lalo kang hindi makaka alis nan pag nagkataon! " si Alex
"Haha hindi yan bro ako pa!" Mwuahahaha mabilis lang yan
KINABUKASAN
4:00㏂ palang ng umaga at bumangon nako, kila Alex nadin ako nakitulog..
paglabas Ko ng guest room nakita ko yung mayordoma ng mansyon nila
"Manang pakisabi nalang kay Alex na umalis nako " paalam ko dun sa mayordoma
"Oh sigi hijo, magiingat ka "
"Sigi ho salamat " sagot ko at umalis na..
Tumingin ako sa relo ko, 4:40㏂ na. Andito nako ngayun sa harap ng malaking gate namin, pinagbuksan naman ako nung guard namin na naka assign dito, ng makita nya ako
"Good Morning Sir " bati nung guard
Nginitian kolang yung guard at may ibinulong ako sa kanya
"S-sige po sir " sagot naman nya na parang nagaalinlangan pa
"Wag kang kabahan haha si manong guard o! Yun lang ang gagawin mo, sige na" sabi ko saka iniabot sa kanya ang isang libo, lumiwanag naman bigla ang muka nya saka tinanggap ito.
pumasok nako sa mansyon namin, and as expected tulog pa sila lolo at tita mwuahahaha
At dahil dun dali dali nakong nagpunta dun office ni lolo at dumeretso sa table nya, pagbukas ko ng drawer and then.. mwuahahaha found it! Nahanap kona ang susi ng kotse ko!
lumabas nako sa office ni lolo, dahan dahan kong isinara yung pinto pagharap ko ay nakatingin yung mga maid namin sakin at binigyan ko naman sila ng wag-kayo-maingay-look at nagsi balik na sila sa mga gawain nila hahaha.
Sunod naman ay dumeretso nako sa Kwarto ko at kumiha ng pera, mga damit at ilang gamit,
Magpa 5:00 na ng makalabas ako ng kwarto ko nag madali na ko dahil baka gumising na sila lolo
Nagderetso nako sa garahe at saka ipinasok lahat ng gamit ko sa mamahalin kong kotse saka pinaharurot yon, dali dali namang binuksan nung guard yung Gate at WOOOOO SUCCESS ANG PLANO WAAHAHAHAHA
Nagmaneho nako papunta sa Dalli kung saan naandun ang Rest house nila Alex. Di naman kasi ako pede sa rest house namin dahil malalaman lang ng tita at lolo ko na andun ako Tssk.
At mga ilang oras na byahe ay narating ko na din ang nasabing Rest house nila, at masasabing maganda talaga ito. ang puting buhangin, Kulay blue na dagat na kumikinang pa dahil sa sikat ng araw. Ang maaliwalas na paligid, maganda talaga ang tanawin..
Andito ako sa balkonahe ng kwarto na tinuluyan ko.. nakatitig sa dagat na naghahampasan ang maliliit na alon sa dalampasigan, naalala ko nung bata pako. 14 years ago at 8 years old palang ako nun , nasa beach kami nun na pagmamay ari ng pamilya namin kasama ko si mom at dad .
FLASHBACK
"Rael baby, wag ka masyadong lumayo ha?" Sabi ng mommy ni rael at hinalikan pa sya sa noo.
"Yes mommy" nakangiting sagot ng batang si rael sa mommy nya at nanakbo na ito para maglibot
Naglalakad sya sa gilid ng dagat ng may nakita syang batang babae ng napaka cute at mukang kasing edad lang nya, na nakatago sa malaking bato. mukang nagsiswimming sya kasi nakalubog yung kalahating katawan nya sa tubig,
"Hi bata!" Bati ng batang rael sa kanya at Nginitian nya ito
Mukang nagulat payung batang babae pero ngumiti din sya, lalapitan sana sya ng batang si rael ng biglang umatras.yung cute na bata, bakas ang takot sa muka ng batang babae na baka makita ng batang lalaki ang kabuuan nya at matakot ito, kaya umatras sya at lumangoy palayo.
Pero nakita parin ng batang rael ang cute na bata na lumangoy palayo, laking gulat nya ng makita kung ano ito
"Mermaid! " di makapaniwalang sambit ni rael. At kinusot ang mata nito pero pag mulat nya wala na ang batang babae, tumakbo na ito papunta sa mommy at daddy nya na masayang nagkukwentuhan,
"Mommy! I saw a mermaid!" Sabi ng batang rael sa mommy nya
"Really baby? But baby, mermaids are not real" sabi ng mommy ni rael at ginulo ang buhok nito "c'mon. baby let's eat"
Hindi nalang ito inisip ng bata at masaya silang nagsalo salo ng pamilya nya sa pagkain,
End of flashback -