My Grumpy Ex

14.6K 243 14
                                    






Prologue


(Cara's POV)




"Let's break up!,"malamig niyang sabi na malinaw talaga sa pandinig ko kahit gaano man ka lakas ang buhos ng ulan sa labas ng kotse niya.Hindi ako naka-imik na tila namanhid ang dila ko."Are you deaf?,"singhal niya pa na tila naiinis dahil tahimik lang akong nakatingin sa labas.Nag-iisip kung panaginip ba itong nangyayari sa akin ngayon dahil gusto ko munang magising.


"Why?,"kalmante kung tanong sa namamaos na tono.


"Simple lang naman,ayoko na sayo.Hindi ka ganoon ka ganda para kabaliwan ng isang katulad ko.For me,isa ka lang naman doon sa mga babaeng humahangad sa akin na binigyan ko ng pagkakataon na mapansin ko.Dapat nga siguro magpasalamat ka pa sa akin,"mayabang nitong sabi saka tumawa na tila nang-uuyam. "I really dont need you anymore,babe!"


Natawa ako ng mapakla sa narinig mula sa kanya hanggang sa hindi ko na napigilan ang tumawa ng malakas.Iyong tawa na tila nang-iinsulto rin sa kanya.Kaya tiim bagang nito akong tiningnan at matapang kung sinalubong iyon.

"Are you crazy?,"parang hindi makapaniwala sa nakikita niya.Nasanay siguro ito na pagkatapos niyang makipag-break magmamakaawa sa kanya ang babae.No way!Magkaroon man ng death penalty!

"Im not,Mr. psychopath na playboy!Lalaking kulang sa pansin kaya lumaking magaspang ang ugali,"sabay ngisi para mas lalo lang itong mainis.

"You b*tch!,"mura niya sa akin dala siguro ng matindi niyang galit pero hindi ako nagpatinag.Ito nga iyong gusto ko.Ang mas lalo lang siyang galitin.I wont just simply walk away without trying to fight back.

"Of course,lahat naman ng mga babaeng madidikit sayo nagiging bitch.Nahawa sa katarantaduhan mo!,"nanunuya kung sabi.Pasensya na siya dahil labanan na ito ng dignidad kaya kahit anong mangyari hinding-hindi ako magpapatalo sa kanya.

Napangisi din ito saka tumingin sa akin na tila nang-iinsulto rin.

"You really a b*tch!Not a high class bitch but a cheap one.Sa 20,000 na binayad ko sayo,nagawa mo nang makuntinto kaagad?Tsk!"

Parang bigla akong nawalan ng tapang sa sinabi niyang iyon.Dahil mukhang tama naman siya,nasilaw kaagad ako sa maliit na halagang iyon para sa kanya.

"Maliit nga sayo iyon pero hindi naman kasi ako ganoon ka swapang.To tell you honestly Mr. Playboy,hindi naman talaga kita minahal.Na curious lang ako kung ano meron sayo kung bakit halos lahat ng kababaihan ay gustong mapunta ka sa kanila.Kaya pasensya na dahil hindi ako magmamakaawa sayo sa pagmamahal mo.Hindi ko iyon kailangan lalo na kung galing sa iyo."Matigas kung sabi sabay bukas sa pinto ng kotse niya para lumabas.

Hindi ko na inalintana ang malakas na buhos ng ulan.Ang nasa isip ko lang kasi ay ang makalayo na sa lalaking ito.Ang lalaking unang-una kung minahal at pinag-alayan ng lahat.

Iyong lalaking akala ko espesyal ako sa kanya pero kagaya lang pala ako ng mga babaeng dumaan sa buhay niya.Tanging libangan niya sa tuwing nababagot siya sa buhay niya.

Kaya isinusumpa ko ang araw na ito at ipagdadasal ko talaga na kahit anong mangyari ay sana hindi na kami pagtagpuin pa ng tadhana muli.

Naramdaman kung lumabas din ito ng kotse niya at mabilis na naglakad palapit sa akin.Marahas nitong kinuha ang kamay ko at inilagay ang folding na payong.

"Sayo na ito at huwag ka ng mag-abala pa na isa-uli sa akin."

Tinanggap ko naman ang payong na iyon.Syempre,ayoko namang magkasakit.Wala akong pera para doon.Pero may dapat din akong ibalik sa kanya.Naisip ko ang singsing na ibinigay niya na sabi pa niya sa mama niya pa iyon.Ewan ko lang kung totoo.

Humakbang ako palapit sa kanya para sana ibalik ang singsing na iyon ngunit biglang nagbago ang isip ko.Ano naman ang kinalaman ng singsing?Mukhang napakamahal pa naman nito.Hindi ako gagaya sa mga napapanood ko na ibabalik iyon sa nagbigay sa kanila.Dapat kasi doon sinasangla kaagad.

Pak!Tunog iyon ng isang malakas na sampal ko sa napakagwapo niyang mukha.Hindi dapat mga gamit ang ibinabalik sa mga taong bigla ka na lang iniwan.Dapat isang masakit na sampal na katumbas ng sakit na pinaramdam niya sayo.

Noong una hindi pa ito nakagalaw sa pagkabigla dahil sa sampal ko.Pero ilang segundo lang naman ang lumipas ay nakatingin na siya sa akin na may tumutulong dugo sa bibig niya.Nasobrahan yata sa lakas ang pagkasampal ko.Well,deserve naman niya iyon.

Sinalubong ko ang galit na galit niyang titig na tila kung pwede niya akong lunukin sa mga oras na iyon ay malamang nalunok na niya ako kaagad.Pero kahit gaanong tapang pala ang gawin mo basta nasaktan ka.Mauubos rin pala at manghihina ka talaga.


"Goodbye,my stupid, masochistic ex!"Hindi ko na napigilang maiyak.Mabilis ko na lang na binuklat ang payong na bigay niya at iniwan na siya without looking him back.Basta isa lang ang natutunan ko na balang araw kung magmamahal man ako ulit ay hindi na sa kagaya niya.





My Grumpy Ex (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon