Chapter 3

7.3K 137 6
                                    

                        Cara's POV

"Patz!,"tili ko kaagad matapos kung ibaba ang cellphone ko.Katatawag lang kasi ng TOP Hotel na pinag-aplayan ko at sabi nila kapag mapasa ko na lahat ng requirements na hinihingi nila ay pwede na mismo akong magsimula kaagad.Tumatakbo pa ako habang papasok ng bahay namin.

Kinabahan namang lumabas mula sa kusina ang aking ama.

"Ano iyon nak?Anong problema?,"natatarantang tanong niya."May ipis na naman ba?Nasaan iyon at papatayin ko?"

"Patz,naman!Wala po,may good news lang ako."

"Hay naku na bata ka!,"sabay hinga ng malalim "Akala ko naman may ipis ka na naman na nakita.Ano naman iyong goodnews mo?"

"Tanggap na po ako patz?,"sobrang hyper na pagkakasabi ko na tila kinakanta pa ang sinasabi.Tapos nagtatalon-talon pa sa sobrang kaligayahan.

"Talaga!,"na-excite na tanong ng aking ama. "Ang galing naman ng anak ko.Manang-mana sa akin,"masaya pa niyang sabi sabay yakap sa akin kaya gumanti rin ako ng yakap sa kanya.

"Patz!Siguro titigil kana muna na maglako ng balot sa gabi.Magkakatrabaho din naman ako.And this time,pangako ko na last na hotel ko na ito na pagtatrabahuan hanggang sa maging supervisor ako,"determinado kung sabi saka siya tiningala.

"Nak naman,huwag mo namang pag-initan iyong sideline ko sa gabi.Malulungkot ang mga customer ko kapag gawin ko iyon,"biro niyang sagot.

"Bakit?Hindi ka pa rin ba napapagod?Padalas nga ng padalas iyang pagsakit ng likod mo." Nakanguso kung sabi. "Parang sa tuwing nakikita kitang naghihirap sa merkado sa pagtitinda,alam nyo po bang sumasakit ang puso ko.Dahil dumadagdag iyong edad ko pero ni hindi ko man lang mai-ahon sa kahirapan ang tatay ko."

"Bakit?Isinilang ka ba namin ng Mama mo para maging sagot sa kahirapan namin?Nak,hindi ganoon iyon.Alam mo ba na sa tuwing nakikita ko lang kayong kumakain sa pinaghirapan ko,napapawi na lahat ng hirap na naramdaman ko sa maghapon.Kaya huwag mong isipin na hindi na kayang kumayod ng papa mo.Kakayod ako nak hanggat nangdiyan kayo na pamilya ko."

"Weeh?Hindi nga,"parang naglalambing na sabi ko.

"Oo naman,halika na nga para masabi na natin sa Mama mo."

Aakma na sana kaming tatalikod ng....

"Huwag na dahil narinig ko na,"biglang sambit ni ermats mula sa likuran namin.Parang kabote na biglang sumulpot na lang ito.

Nakabihis na ito ng uniporme niya at mukhang nagreready na sa pagpasok sa eskwelahan.At kasalukuyang naglilinis lang ito ng suot-suot niyang sapatos.

"Ikaw na muna iyong maghahatid sa kapatid mo sa school niya,"sabi nito sa akin.Na hindi lang man natuwa kahit kunti sa binalita ko.

"Ayaw nyo po ba akong e-congratulate Ma?,"ingos kung sabi na may himig na pagtatampo.Tiningnan naman ako nito sandali.

"Ewan ko sayo na bata ka,basta pagbutihin mo na lang this time.Hay naku!At iyang pasensya mo dapat mong habaan dahil requirements iyan sa pinili mong trabaho.Kaya pagbutihin mo ang pagsisilbi sa mga tao na pupunta ng hotel."

"Nagsisilbi din naman kayo sa bayan ah,"parang nagpaparinig na sagot ko.

"Kita mo na,sasagot pa eh,"singhal niya sabay palo sa akin sa braso. "Maka-alis na nga!Iyong baon ni Randy nilagay ko na sa lunch box niya,paki-check na lang,"utos nito habang humahakbang palabas ng gate namin.

Napa-fist bump naman kami ni erpat pagka-alis niya at pinuntahan ko na si bunso para gisingin.

Wala talaga sa bukabularyo ni Mama ang ngumiti umagang-umaga.

My Grumpy Ex (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon