*Dream*

183 10 4
                                    

'Handa ka bang magmahal kahit di normal minamahal mo?'...
'Handa ka bang magmahal kahit alam mong masasaktan ka lang ng taong mahal mo??'
'Handa ka bang magmahal kahit alam mo ng may katapusan din kayo?'

~AKISHA~
"Tse! Syempre hindi! Tanga ba ako?? Like hello! Sa ganda kong to! Haha" sinasagot ang aking pinapakinggan na spoken poetry...

"Pano kung ako yung tinutukoy niyan? So iiwan mo na ako ngayon?" Sambit ng lalake

Teka sino tong katabi ko? Alam ko mag isa lang ako sa kwarto.. pero... tumingin ako sakanya ... s-sino siya.... di ko siya kilala.. pero nakakatakot siya...

"Si-sino ka?!" Kinakabahan kong sambit

Napa urong ako nung bigla siyang tumingin sa akin... nakakatakot ang tingin niya.. at isa pa! Di sya ordenaryong tao! Halimaw sya!

"Halimaw! Halimaw!" Sigaw ko ng naka pikit..

"Di ako halimaw" sambit niya...

Bigla syang gumalaw at lumapit sa akin.. hinawakan niya ang aking ulo... ginulo niya ang aking buhok... tinakpan ko ang mukha ko ng aking kamay.... bigla nalang akong nakarinig ng iyak... teka sya umiiyak?? Baket! Sumilip ako... nakikita kong tumulo ang luha niya.. pero bakit nakangiti parin sya?...

"Layuan mo ako! Ano ka baliw! Umiiyak ka pero nakangiti ka! Baliw na halimaw tulong!" aba naman tanga aki nakapagbiro kapa talaga sa kalagayan mo ah!

"Aki sorry pero kelangan kong gawin to" umiiyak na talaga sya "mahal na mahal kita tandaan mo" at tumigil ang pag gulo niya sa aking buhok..

Teka bat kilala niya ako? Sino sya!

"Sino kaba! Di kita kilala!" Sigaw ko habang nakatakip parin ang dalawa kong kamay sa aking mukha..

"Sorry aki.. I love you" at lalo pa syang lumapit sa akin at niyakap niya ako... napakalamig ng katawan niya.. ano sya patay!... inaalis ko sya ng pilit pero napalakas niya at napaka higpit ng yakap niya... "Akisha i love you so much" pagkabigkas niya ng salitang iyon ay parang may bumaon sa aking leeg..

"No!!!!!" Sigaw ko... at biglang may malamig na likido akong naramdaman pagkabukas ko ng aking mata ay ang aking kuya lang pala na binuhusan ako ng napalamig na tubig...

"Oii! Akisha! Anong akala mo?? Halimaw ako! Hoy! Magbihis kana! First day of school ma lalate ka! Bahala ka dyan!" Sigaw ni kuya..

"Oo na po! Bat kelangan mo pa akong buhusan ng tubig ha!" Lamig kaya nun!

"Kase di ka magising kinurot na nga kita sa leeg mo di ka pa nagising!" Habang nakatingin saken ng masama

"Oo na! Ito na! Magreready na po kuya!" Hahaha nakakatawa si kuya kapg napipikon..

Tumalikod na sya papalakad sa pinto... sinundan ko siya para ma i lock ko yung pinto... pero bago niya isara may sinabi sya...

"At akisha! Sa gwapo kong to sasabihan mo kong halimaw?" Inis niyang tanong..

"Halimaw ka naman talaga! HAHA" at sabay kong sinara at nilock ang pinto.. tawa ako ng tawa habang si kuya pilit niyang binubuksan ang pinto ko hahaha

"Akiro! Tigilan mo nga yang kapatid mo! Bumaba ka na dito!" Sigaw ni mama sa baba...

"Opo ma" sigaw ni kuya "ikaw akisha ka! Humanda ka saken mamaya sa kotse!" Sinabi niya bago sya tuluyang umalis..

Undefined LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon