*ACCIDENT*

18 4 0
                                    

~MEINARA~

Wala na si Ezekiel sa repairshop nung pumunta kami kaya naisipan namin na baka nasa mini stop siya pero wala den eh... kaya papabalik na kami... nakita namin sasakyan ni Ezekiel at umandar ng mabilis...

"Alyxe habulin mo yon! Sasakyn ni Ezekiel yun!" Sigaw ko kay Alyxe

Ang bilis ng pagpapa andar ni Ezekiel baka madisgrasya siya umuulan pa...

Bigla kong pinitpitan siya.. matagal kong pinitpitan at tumigil naman siya... pero sa pagtigil niya nasa intersection siya at mag parating na truck sakanya... pinitpitan ko ulit umaasang makita niya... pero ang bilis ng andar ng truck...

"Nababaliw na ba si Ezekiel!" Sigaw na inis ni Alyxe

Susubukan ko sanang patigilin yunv oras pero huli na... nabunggo na siya ng truck... ang lakas ng pagkabunggo... bumunggo sa right side kaya front seat lang natamaan hindi yung driver seat... sana buhay pa siya... tinawagan na ni Alyxe yung ambulansiya...

Natatakot ako at umiyak na ako... tumatawag pa si Aki... pero natataranta ako kaya pinabigay niya kay Alyxe.. habang kausap niya si Aki.. tumingin ako dun sa sasakyan ni Ezekiel...

At nandun sina ate Enaira at Ezoveniel... lumapit sila sa sasakyan... parang tumigil yung oras.. pati si Alyxe tumigil siya...

"Bakit kayo nandito!" Sigaw ko sakanila

"Liligtas namin kapatid namin! Baket? Hahah" sabi ni Enaira

Biglang lumabas si Shan at si Lance... dala ni Lance yung katawan ni Ezekiel... habang si Shan umiiyak...

"Dalhin niyo na siya sa ospital bilisan niyo!" Sigaw ko

"Bakit siya dadalhin sa ospital kung pwede naman siyang gumaling sa kamay ko?" Tanong ni Ate Enaira

"Magtataka yung mga pulis!" Sigaw ko

"Bakit sila magtataka? Kung papalitan namin katawan niya?" Tanong ni Shan

"Sinong ipapalit niyo?" Tanong ko

At tumingin lahat sila kay Alyxe.... nanlaki mata ko at lumuha ulit ako...

"Huwag niyong isali si Alyxe sa mga kalokohan niyo!" Sigaw ko

"Ililipat lang namin yung sugat na nakuha ni Ezekiel sakanya! Para naman may makita silang katawan na nadisgrasya sa sasakyan ni Ezekiel.." sigaw saken ni Ate Enaira

"Ayaw ko! Di niyo siya makukuha sa akin!" Sigaw ko

"Yan ang akala mo.." yun nalang huli kong narinig at biglang dumilim lahat...

"Mei! Meinara! Gising! Mei!" Sigaw ng sigaw habang niyuyugyog ako

Minulat ko mata ko at nakita ko si Ezekiel... nagulat ako at niyakap ko siya... mukhang nagulat din siya sa ginawa ko..

"Napano ka?" Tanong niya

At maya maya pa unti unti kong naisip yung nangyare.. tumulo mga luha ko...

"Oh bakit ka umiiyak?" Tanong niya

"Si Alyxe! San si Alyxe!" Sigaw ko at umalis ako sa yakap..

Undefined LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon