*A LIE*

46 5 0
                                    

~AKISHA~

Nararamdaman ko na parang kakagatin niya na ako... Hanggang may pumasok... dahil nakatalikod ako sa pinto ay di ko alam kung sino.. hanggang sa sumigaw siya at si Ezekiel narinig ko...

"Hm..."

Naramdaman kong sinara niya na bibig niya... at biglang parang may tumutusok sa tagiliran ko...

"Ahh!" Napasigaw ako...

At mamaya pa nahilo na ako... ewan ko kung bakit... at napahiga ako sa kama..

"EZOVENIEL HUMANDA KA!" Sigaw ng di ko kilalang boses.. dahil nakakatakot ang boses niya... parang halimaw...

Tiningnan ko yung nasa pinto para siguraduhin kung si Ezekiel nga ba yung dumating.. pero ibang tao.. at nakakatakot siya.. parang siya yung napanaginipan ko... pulang pula ang mata niya...

"HAHA! EZEKIEL NAILABAS MO NA DIN KUNG SINO KA TALAGA!" Sigaw ni Ezoveniel

"SABI KO SAYO! WAG MONG PAPAKELAMAN SI AKI!" Yung boses niya nakakatakot...

"HAHA! Di ko naman siya kinain eh! Ginamit ko lang siya para mailabas mo ulit yang tinatago mo sa sarili mo!" Sagot ni Ezoveniel

"HUMANDA KA!!" sigaw niya..

Pero teka.. bakit tinawag niyang Ezekiel?? Totoo ba to?? O panaginip lang? Gisingin niyo ako sabihin niyo di totoo to! Maya maya pa sinugod niya na si Ezoveniel sa sobrang takot ko nahimatay na ako... mga ilang oras akong nakatulog... hanggang ang lamig na... minulat ko yung mata ko at nakahiga lang ako sa kwarto namin ni Ezekiel at Mei... nakita ko si Mei natutulog na din... ng biglang may pumasok sa pinto.. nakita ko si Ezekiel may dala dalang baso ng tubig....

"Oh gising kana pala? Haba ng tulog mo ah" nakangiti niyang sinasabi..

Biglang gumalaw si Mei.. at humarap saken... niyakap niya ako..

"Haha Mei talaga.. napagod kumain"

Lumapit si Ezekiel sa akin... at inabot yung baso... pagkalapit niya hinila ko sya at nagulat siya...

"Oh! Napano ka?!" Gulat na gulat siya..

"Wala bang nangyareng masama? Hah! Panaginip lang ba lahat yun!" Sigaw ko sakanya..

"Siguro nananaginip ka lang.. sigaw ka kaya ng sigaw dyan at ayaw mo gumising" sabi ni Mei sa akin...

Buti nalang panaginip lang lahat... at ang panaginip hindi nangyayare...

~EZEKIEL~

Sa sobrang galit ko at takot na mawala si Akisha... sinugod ko si Ezoveniel... napahiga siya sa sahig at nakapatong ako sakanya..

"Sige lang haha kapag nagtagal yang mata mo di na ma aalis yan sayo haha" tumatawa pa rin siya kahit nasasaktan na..

"SINABI KO SAYO! AKIN SI AKISHA!" Sigaw ko sakanya..

"Ilang oras nalang! Magiging permanente na yang mata mo!" Sigaw niya saken

Sinuntok ko sya ng malakas at knalmot ko sya sa mukha... at nung tumigil na siyang nagsalita pinuntahan ko si Akisha.. at pinilit kong bumalik sa dati... at nagawa ko... ina alog ko si Akisha para magising siya... nang biglang pumasok si Mei at si Enaira...

"Wag mo syang gisingin!" Sigaw ni Mei

"Bakit! Ikaw din ba gusto mo na syang mawala!" Sigaw ko..

"Gagawin nating panaginip lang lahat ng ito!" Sigaw ni Mei sa akin..

"Paano?" Tanong ko..

"Si Enaira papagalingin niya ang sugat ni Aki.. nahimatay lang siya dahil sa sugat at takot niya.. At sasabihin nalang naten na panaginip lang lahat ng to!" Pagpapaliwanag ni Mei..

Undefined LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon