Doorbell

52 0 0
                                    

This is a true to life story. It's based on my own experience.

Hindi naman sa tinatakot ko kayo, pero totoong may multo. Although hindi ako nakaka-kita (Thank God) nakakaramdam naman ako at may nagpaparamdam. Actually matatakutin talaga ako, pero simula nung nangyari ito mas lalo akong natakot. Kasi eto yung unang una na naranasan kong nakakatakot.

August 2010. 4 years ago na ang nakakalipas pero tandang tanda ko pa din ang pakiramdam at takot. Madalas kasi ako nagpapaiwan sa bahay non, kapag aalis sila mommy. Ayokong sumama dahil nga 3rd year pa lang ako at masyado akong addict sa desktop. Wala naman akong ibang ginagawa kundi makipag chat at syempre Facebook. Uso kasi yun dati sa panahon ko. 

Mga 7pm na nung umalis sila Mommy, Daddy, at bunso kong kapatid. Yung dalawa kong kapatid na panganay nasa Pilipinas. (Nasa ibang bansa kasi kami nun) Habang ka skype ko sila kuya may nag doorbell. Actually yung doorbell namin parang tunog ng ibon na tuloy tuloy. Hindi hihinto yung doorbell kapag hindi mo ni-release yung pag pindot. Eh nung mga oras na yon, may ka-chat ako. Pero ang tagal, ang sakit na sa tenga ng doorbell. 

"may nag dodoorbell ah? bakit di mo buksan yung pinto?" sabi ni kuya sa skype

tumayo ako para buksan ang pinto, may butas yung pinto namin (silipan) para sa safety. pero pag dating ko ng pinto hindi pa din ni re-release yung doorbell. tuloy tuloy pa din. sisilip na sana ako biglang huminto yung doorbell. Kaya naman nag madali akong silipin. Kaya lang pag silip ko walang tao. Hindi ko naman inisip na may multo or something. Compound kasi yung tinitiran namin at sa 2nd floor kami. Agad agad ko binuksan yung pinto kasi nasa isip ko baka nainip na yung nag dodoorbell at bumaba na. wala pang 1Min. nung pagka release niya ng doorbell binuksan ko na agad yung pinto para ma abutan ko siya. 

Pagbukas ko, walang tao. wala akong narinig na bumaba ng hagdan. kasi kung meron man tatakbo o mang titrip maririnig ko yung echo. Walang tao, pero ang sumalubong sakin. Isang malamig na hangin galing sa isang kulong at walang mga bintana na compound. natulala ako saglit, pero naisipan ko ng isara agad yung pinto at tumakbo. 

"Sino yun?" Tanong ni kuya. napaiyak na lang ako kasi naunahan ako ng takot ko. Nagpatugtog nalang ako ng mga Christian Songs at nagdasal.

Sana ito na ang huli.

DoorbellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon