II

18 0 0
                                    

August pa din non, 'di ko lang maalala yung exact date. Umabsent ako dahil sa dahilang tinatamad. Pumayag naman sila mommy kaya walang problema. Si daddy pumasok, si mommy at bunso kong kapatid pumunta sa kabilang compound at nangapit bahay. Sa madaling salita, naiwan ako ulit sa bahay namin ng mag-isa. 

This time, hindi naman ako natatakot kasi may araw. At sa nakalakihan nating kasabihan, ang multo sa gabi lang lumalabas. Pero sa ikukwento ko ngayon, nagbago ang paniniwala ko. 

Syempre nakikipag chat nanaman ako, Internet lang naman ang buhay ko dito eh. Habang nakikipag chat, may nag doorbell. Akala ko sila mommy, kasi nga wala pa sila. So inaantay kong pumasoksila ng bahay kasi may susi naman silang dala. Pero nagsimula nanaman akong kabahan nung, matagal nanaman siyang nakapindot sa doorbell at ayaw i-release. Hindi ko alam kung bubuksan ko o hindi. Nagtatalo sa isip ko na, baka yung mga bata ko lang na kapit bahay nang titrip. Pero school day ngayon may pasok hindi pwedeng sila yun, saka ang lakas naman ng trip nila? eh kilala ko lahat ng kapit bahay namin sa compound. Kung iisipin ko namang yung mga tita (kapitbahay) o tito ko yun, bakit naman ganyan sila katagal mag doorbell? 

Habang iniisip ko ang mga bagay na yun, dahan dahan akong naglakad patungo sa main door. dahan dahan din akong nakikiramdam. Ramdam na ramdam ko yung bilis ng tibok ng puso ko. nung malapit na ako sa pintuan, huminga ako ng malalim. Hindi pa din tumitigil yung doorbell, pero nung pagsilip ko sa butas, biglang tumigil.

Nagmadali akong buksan ang pinto. pag bukas ko isang malamig at malakas na hangin ulit. Nagsimula na akong kilabutan at madali kong sinarado ang pinto. at tumakbo sa kwarto. sa sulok na sulok ng kama. Nandun ako parang bata iyak ng iyak. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya nagdasal ako. Hinintay kong humupa yung kaba ko. pakiramdam ko non, kasama ko siya. pakiramdam ko nun nandun siya. Kasi binuksan ko yung pinto. Pero hindi ako nagpatalo. bumalik ako sa Sala at nagpatugtog nalang ng malakas. 

Pag-uwi ni mommy, aalis nanaman daw sila mamayang gabi at hindi ko na hinayaang palagpasin ang pagkakataon na iyo.

"Sama ako" sabi ko. At simula nun, hindi na ako naiiwan at nagpapaiwan sa bahay na yon. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 24, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DoorbellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon