CHAPTER XV

22 0 0
                                    

Nagising si Samantha dahil sa hapdi at kirot na nararamdaman niya. Kinapa niya ang kanyang ulo at naramdaman ang masaganang daloy ng dugo mula sa sugat nito. Nasa passenger's seat kase siya kaya medyo napuruhan siya ng air bag.

"Y-yoseff? Y-yoseff?" Sinubukan niyang gisingin si Yoseff  pero hindi ito gumagalaw. Nakasubsub ang duguang mukha nito sa manibela.

"G-guys? A-are.. y-you al-alright?" Nilingon naman niya ang iba pa niyang kasamahan sa likod. At halos sumigaw siya sa takot sa nakita.

Sira na ang pintuan ng van at wala na rin sa upuan niya kanina si Sofia. Hinagilap niya ito at nakita niya na nakahandusay na ito sa gilid ng kalsada. Halos hindi na rin niya ito makilala dahil sa dami ng dugo at sugat sa mukha nito. Nabalibag naman si Jade sa loob ng van dahil wala itong suot na seatbelt. At si Thomas naman ay hindi na gumagalaw habang naipit sa nayuping upuan.

Halos hindi na makakita si Samantha dahil sa agos ng luha sa kanyang mata. Hindi niya inakala na ang simple nilang retreat ay hahantung sa ganito.

Sa di kalayuan ay narinig niya ang padating na tunog ng isang sasakyan. Na-alerto siya dahil alam niyang sa kalaban nila ito.

Paika-ika siyang lumabas sa sasakyan at pumunta sa gitna ng daan. Hawak-hawak niya sa dalawang kamay niya ang baril na kinuha niya sa sinaksak niyang lalaki na may hawak kay Jade at Thomas.

Hindi nga siya nagkamali dahil ilang segundo palang siyang nakatayo doon ay lumitaw na ang itim na van. Sa isang kisap mata ay inasinta niya ang van at sunod-sunod  na pinaputok ang baril. Gumanti naman ang nakasakay sa van pero hindi niya na ito pinansin.

Ramdam niya ang pagpasok ng isang bala sa balikat niya at isa pa sa tiyan niya pero di niya ito ininda dahil tanging sa isip niya lang ay maipaghiganti ang mga kaibigan.

Nakita niya ang pagtama niya sa nagmamaneho sa van. Gumewang-gewang ang sasakyan bago sumalpok sa isa malaking puno na sanhi ng pagsabog nito.

Lumagapak sa lupa ang nanghihinang katawan ni Samantha at bago mandilim ang kanyang paningin ay narinig niya ang maingay na tunog ng sirena ng ambulansiya at mga pulis  na ipinagdasal niyang kanina pa sana dumating.

BLOODY RETREATWhere stories live. Discover now