Chapter 5

0 0 0
                                    

(Jm's Pov)

Papunta na ako ng room pagkatapos kong makausap si Try, nagulat naman ako sa confession nya sakin. May nililihim pala syang pagtingin kay Stefan at ako palang ang unang nakakaalam nito haha. Classmate ki si Stefan pero hindi naman kami close. Ako ang inutusan nyang magdala ng cupcake na ito at ilagay sa bag nya ng walang makakakita. May nakanote pa na.

To Stefan 💕
You make me smile everyday 😊

Haha gumaganon din naman si Try ah , eh ang pagkakaalam ko dati dito walang crush at hindi lumalovelife haha , iba talaga pag tinamaan na ni kupido.



Nandito na ako ngayon sa room tiningnan ko naman agad kung may tao , may dalawa akong nakita , ahhmm hihintayin ko nalang sila lumabas.
After 1 hour hindi parin sila lumalabas kaya nag isip na ako kung paano sila makakalabas baka kasi may dumating pa lalo ng naudlot ang plano.

Ahmmm uy Mark at Robert pinapatawag nga pala kayo ni Mam ngayon ko lang naalalang sabihin nandun sya sa library asap daw.

Ah ganon ba bakit kaya? sagot ni Robert

Hindi ko rin alam eh mas mabuting puntahan nyo sa para malaman

Ah sige sige thanks at sabay na silang pumunta.

Wahahaha bahala na mamaya mag isip ng palusot pagkatapos kong mailagay itong cupcake.
Hinanap ko na ang upuan ni Stefan at yun nga nakita ko yung bag nya dun.
Iniiwan kasi nung iba bag nila dito. Wala naman mawawala eh kasi wala naman magnanakaw dito , Private school naman to at may mga kaya sa buhay ang mga estudyante so wala naman siguro silang dahilan para magnakaw.

Lumapit na ako sa upuan ni Stefan at nilagay ko na ang cupcake sa ilalim ng kanyang bag at ipinatong yung notebook, hindi naman masisira yung box kasi makapal naman ito. Para narin hindi nya muna makita agad agad.
Lumabas ako agad pagkalagay ng cupcake at tinext si Try na okay na.
Tuwang tuwa naman sya haha.

Nakasalubong ko yung dalawa .

Uy hindi naman kami pinapatawag ni Mam ah.

Ay tol sorry nagkamali ako kala ko kasi kayong dalawa pasensya na tol.

Ah sige okay tol.

Wahahaha







( Stefan's Pov)

Kakauwi ko lang sa bahay , kinuha ko agad ang notebook ko nandito kasi ang guide ko para sa pag gawa ng ginagawa kong mga papers . Pagkuha ko ng notebook may matigas na bagay akong nakapa sa bag ko at agad ko itong kinuha.



Pagtingin ko cupcakes at may nakanote pa dito na.

To Stefan 💕
You make me smile everyday 😊

Kanino naman kaya galing to? Siguro isa mga classmate ko na may crush sakin , gwapo kasi eh yan tuloy hahahaha. Kumuha naman ako ng isa at kinain ito , infairness naman masarap , parang bawat kagat may pagmamahal na kasama hahaha .
Naubos ko naman ito kaagad at ginanahan ako sa paggawa ng papers na to, feel ko may dalang saya yung cupcakes eh san kaya yun binibili? Haha


Zzzzzzzzzzz.....


Kagigising ko lang at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako kagabi. Natapos ko naman agad ang papers , grabe hindi ako tinablan ng tamad kagabi ah. Yung cupcakes kasi eh may magic yata yun eh.

Naligo na ako at nakakain narin, papasok na ako sa school , hay good mood ako ngayong araw kasi tapos na ako sa papers . Pagpasok ko medyo marami na akong classmates.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 18, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Annoying girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon