Epilogue

2.5K 43 3
                                    

[Edited Ver.]


Epilogue



Therbie's PoV:

3 years after...


Naghahanda kaming lahat na pumunta sa BDA headquarters para sa turn-over ng position ni Boss Dominic sa anak niyang si Brenan. Sa edad niyang 24, na-train siya ni Boss sa lahat ng mga kailangan niyang malaman, pati na rin si Dinah, pero hindi tinanggap ni Dinah ang maging leader ng BDA dahil mas gusto lang niyang maging agent. Sa katunayan ay siya nga ang nangunguna sa bagong top ten agents ang BDA kaya natutuwa si Boss, pero abot-abot naman ang kaba ni Tita Brenda sa mga missions ni Dinah.

Pumasok si Belle sa kwarto namin habang naghahanap ako ng susuoting suit. Hindi ko pa kasi hinanda iyong susuotin ko kagabi, tsk. Napakamot nalang ako sa ulo. 

"Oh, suot mo 'to." Napatingin ako kay Belle hanggang bumaba ang paningin ko sa ibinibigay niya, itinutulak niya pala sa 'kin. It's a black coat, pamatong sa white long-sleeve polo ko at may kasama iyong pulang necktie. "I prepared this last night while you were sleeping. Try this one and then show me."

Napangiti nalang ako at nuong saktong pagkatalikod niya ay saka ko siya niyakap. She stiffened but it quickly relaxed and then she leaned her back to me. 

"Naglalambing ka na naman? Psh." Napatawa ako ng bahagya sa sinabi niya pero niyakap ko pa siya lalo and I nuzzled on her neck while raining tiny kisses on it. "Psh, stop it.. magbihis ka na."

"Do it for your hubby, mahal." I commanded. 

Bumitiw siya sa pagkakayakap at hinarap niya ako, ng walang emosyon. Kinuha niya iyong coat at tahimik niya akong binihisan, ako naman napapangiti at kahit bakla man ay kinikilig ako sa ginagawa niya. 

Sa dalawang taon naming kasal at nagsasama, siyempre nag-aaway kami, di naman maiiwasan iyon pero agad rin naman kaming nagkakaayos, hindi matatapos ang araw na magkaaway kami o hindi nag-uusap at nagkakaayos. We promised that to each other when we get married. We vowed to do that in front of our family, friends, and to God above. 

If you were asking about how is Belle as a wife, parang hindi naman nagbago, except when she's taking care of our kid, si Sabrinne. Kapag makikita siya ng mga tao, natatakot pa rin sila sa presensya niya lalo na kapag nasa supermarket kami at nakapila. Natatawa ako kapag naiisip ko iyong mga times na talagang nagpapaubaya iyong mga tao sa pilahan para lang mauna kami at malamang makaalis na rin. That was so fun I was always laughing whenever that happens while Belle is still Belle, tahimik at walang emosyon at habang sinasabi ang legendary word niyang 'Psh..'. Napapangiti lang talaga ako.

"Para kang tanga dyan, psh." I stopped thinking and looked intently at her. "What?" she said. Instead of answering her, I kissed her lips. Siyempre nagulat ang misis ko. Pero bigla rin niya akong inirapan at kung hindi ko kilala ang asawa ko, iisipin kong nagalit siya sa ginawa ko pero hindi. Napangiti pa nga ako kasi alam kong kinilig siya sa ginawa ko. Kilalang-kilala ko na si Belle. 

Maya-maya ay nag-ayos nalang kami ng kaunti at kalaunan ay bumibiyahe na kami papuntang BDA HQ. When we arrived, marami ng tao sa loob, sa training room kasi gagawin ang turn-over ceremony kaya doon kami dumiretso at nakita agad namin ang mga dati naming kasamahan. 

"Therbs! Pare! Belle!" Si Eli ang nagtawag sa'min. Napailing si Belle sa tinuran ng huli pero napaupo na rin kami sa tabi nila Eli at ng asawa na niya ngayong si Demi. Demi is still the same, pero nag-iiba talaga sila kapag dating sa anak nila. They were married for a year, sila ang huling kinasal sa aming lahat na agents. Kung hindi pa nabuntis si Demi, hindi pa siya magpapakasal, iyon ang sinasabi niya lagi sa amin. Pero I know better than that. She's kinda my girl best friend so she told me all the things she didn't tell to others, madalas nga akong pagselosan ni Eli nun parang sira-ulo lang!

Codename: Princess Trigger (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon