Kabanata 4

17K 302 5
                                    

KABANATA 4

Ang Laki

Daine

Nandito parin ako sa harap ng pinto ng silid ni señorito, hindi ko alam pero parang ayoko nang tumuloy dahil sa takot ko.

"Hays.. Wag kang matakot daine, labanan mo yan." bulong ko hays..kaya kinatok ko nalang ang pinto.

"Señorito...Señorito nandito na po ang pagkain ninyo." tawag ko habang namamawis ang aking mga palad.

"Get In. Put my food in my table." rinig kong boses galing sa loob kaya pinihit ko ang pinto at nang makapasok na ako sa silid ay isinara ko rin ang pinto baka may pumasok pang ibang insekto tiyak na mapapagalitan kami. Nang mahanap ko na ang table ay inilagay ko ang tray na dala ko, inilibot ko ang aking mata sa loob ng silid, parang walang tao. Nasan na kaya si señorito? Aatras na sana ako nang bumangga ako sa isang matigas na bagay. Nagulat ako ng may bumulong saakin.

"Hmm.. your smell is good." habang inaamoy ang aking buhok kaya napaharap ako at laking gulat ko na si señorito pala ang kaharap ko! Sobrang pagkahiya ang aking nararamdaman ngayon.

"Señorito.. I-ikaw po pala, nandyan na po ang pagkain ninyo." nauutal kong sabi habang nakayuko, napansin ko nalang na galing pala si señorito sa pagligo at naka boxer short lang ito kaya malaya kong nakikita ang legs niya na maputi, sh*t sana umalis nalang ako kaagad para hindi ko naabutan ang ganitong sitwasyon.

"Hmm.. What is your name?" tanong ni señorito.

"Daine po" magalang kong sabi.

"Okay, look at me." maawtoridad niyang sabi kahit na natatakot ay napataas ang aking mukha ko at tumingin sa kanya. Nakakapangilabot ang kanyang mga tingin saakin parang maiihi nalang ako sa takot, totoo nga ang sabi ni ate mila. He have a good face and body at ang kanyang mga mata ay kulay brown na nakadagdag sa kanyang pagka good looking.

"You are the one who bring my food?" habang hindi niya tinatanggal ang kanyang patingin sa akin.

"O-opo"

"May ipag-uutos ako sayo, bring my clothes in my closet." saad niya at tinuro ang kanyang maleta na nasa kanyang kama kaya kinuha ko ito at pumunta na sa kanyang closet upang ilagay ang kanyang damit, napahanga ako sa loob ng kanyang closet dahil may mga sapatos na naka organize pa at may picture pa ni señorito na nakadisplay sa pader, binuksan ko narin ang kanyang maleta upang ilagay sa lalagyan.

Nang nailagay ko na ang kanyang mga damit at ang kanyang formal attire ay napansin ko na ang natira nalang ay ang kanyang mga underwear kaya kinuha ko ito, ewan ko kung anong pumasok sa kukute ko ng hawakan ko ang isang brief niya at tinapat ko sa aking mukha. Napatakip ako ng makita ko na ang laki ng kanyang brief at pumasok nalang sa kokute ko yung nangyari kanina saakin, yung nakita kong nakaboxer short lang si señorito, Ano kaya ang nasa loob non? Bwisit ka daine! Ang halay muna! Kaya agad kong inilagay na ito sa loob ng lalagyan at pumunta na ako sa kinaroroonan ni señorito upang magpaalam na.

"Señorito, aalis na po ako tapos ko naman po gawin yung pinapagawa ninyo saakin." magalang kong sabi.

"Simula ngayon, ikaw na ang mag-aayos ng mga gamit ko dito at maglinis sa kwarto ko araw-araw." sabi ni señorito kaya napatingala ako sa aking pag-yuko.

"A-ako po señorito?" nauutal kong tanong, tumayo siya at lumapit saakin kaya naiilang ako sa mga titig niya dahil ang lapit lapit niya.

"Yes, you have a problem with that?" sagot niya kaya napayuko ako, sh*t nakita ko na naman ang mahahaba niyang legs at may nakaumbok pa doon sa gitna! Sh*t ano yun?
"W-wala naman po señorito." nauutal kong sabi.

"Okay pwede ka nang umalis." at tumalikod na siya kaya napahinga ako ng malalim dahil kanina ko pa pala pinipigilang huminga, buti nalang na umalis na siya kaya lumabas na ako sa kanyang silid dala ang tray na nilagyan ko kanina ng pagkain.

Nakasalubong ko si ate mila sa hagdanan habang nag lilinis.

"Oh..Daine napatagal ka yata sa pagdala ng pagkain ni señorito." sabi niya habang may ngiti sa labi.

"Inutusan niya pa kasi akong ayusin yung mga dala niyang mga damit." sabi ko sakanya kaya napatili siya.

"Oh My God! Nakita mo yung mga damit niya!?" kilig nitong sabi, kaya naguluhan ako sa kanyang sinabi.

"Oo naman ate mila bakit mo natanong?" naguguluhan kong sabi.
"Ang swerte mo Daine! Nakita mo rin yung mga underwear niya, no...?" sabi niya habang kinikilig kaya namula ang aking pisngi sa sinabi niya.

"Oh My God! Namumula ka Daine! Ibig sabihin non, nakita mo talaga sh*t anong itsura? Malaki ba?" tanong niya habang kinikilig.

"H-ha? W-wala bakit may itsura ba yun? Wala naman eh.."

"Hahaha syempre Joke lang yun.. A-ano malaki ba?" ulit niyang tanong, imbes na sagutin yung tanong niya ay umalis na ako sakanyang harapan.

"Punta na ako sa kusina ate mila" at dali dali akong lumakad baka kulitin pa ako ni ate mila.

***
MsGishLin

Mafia Lord Owned Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon