Chapter 1

1 1 6
                                    

"Pinaypay! Pinaypay kayo d'yan!" Pinapasyal ko ang pinaypay ni Aling Lala sa mga bahay dito sa Barangay Maligaya.

"Ate Dominika, pabili, po!" Inabot ni Lotlot ang P5.00 n'ya sa 'kin. Ngumiti ako at inabot sa kanya ang mainit pa na pinaypay.

"Mmm! Ang sarap!" Ngiti n'ya.

Natawa ako. "Lotlot, 'di naman ako ang lumuto n'yan, si Aling Lala ang may pakana sa masarap na pinaypay na 'to.."

"Hmm, kahit naman, Ate. Masarap kasi, e!" Aniya.

"Uh, sige, a? Punta muna ako roon at baka magustuhan din ng ibang mga kapitbahay natin ang pinaypay. Okay?"

"Sama na po ako, Ate Dominika!"

"Okay, if that's fine with you."

"Nakaka-nose bleed ka naman!"

I just smiled, " 'Lika na.."

"Pinaypay! Masarap po ito, mga kapitbahay!" Si Lotlot na ang nagsisigaw.

Pagkauwi ko sa bahay ni Aling Lala, ibinigay ko na sa kanya ang pera na nakuha ko sa pagpapasyal ng pinaypay.

Si Aling Lala ang land lady ng tinitirahan namin ni mama at aking dalawang kapatid na sina Benny at Giro. Dahil wala na kaming papa at madalas maliit lang ang nakikita ni mama sa paglalaba, nagtatrabho ako kina Aling Lala nang walang sahod, as a way of paying our family's debts.

"Hoy, Evasco! Ang liit lang ng nakuha mo, a? Ninakawan mo na naman ba ito?!" Sigaw ni Aling Lala.

"Hindi po, Madame Lalia." Tawagin ko dapat s'yang ganyan dahil mayaman raw sila at mga daga lang raw kami nina mama.

"Heh! Sinungaling ka'ng bata ka!" Tinuturo n'ya ako.

"Lola, 'wag ka nama'ng gan'yan.." Malambing na pag-aawat ni Niña, apo ni Aling Lala.

"Hayy.. Sige na nga," nilingon n'ya ako "Pasalamat ka't mabuti 'tong apo ko'ng si Niña, kung 'di patay kana sa 'kin!" Hinampas n'ya ako ng paypay'ng abaca.

Nang nakita ni Niña na wala ang lola n'ya, hinila niya ang buhok ko.

"Hi, Dumi," she showcased her sinister smile to me "May project pala tayo sa Science, ano? Since I saved your stupid a*s earlier, ikaw na ang gumawa no'ng project, ha? Thank you, Dumi~" At pinakawalan ako.

"U-Umm, Niña, wala akong p-pambili, e.." Pagkatapos kong sabihin 'yon ay lumunok agad ako.

"Ugh. Cheap b*tch. Hayy, just like always. Oh! Eto. Umalis ka na nga!" Ibinato n'ya sa mukha ko ang isang daang piso.

"Sige, N-Niña.." Dumiretso kaagad ako sa taas.

Well, to explain it, magkaklase kami ni Niña. Grade 11 na kami. Tuwing minamaliit ako ni Aling Lala, siya 'tong, kumbaga raw, ang nagse-save sa akin. Pero ang totoo ay ginagamit lang n'ya iyang 'debt of gratitude' para gawin ko ang gusto n'ya.

Kaparehas kaming private school ni Niña. Hindi dahil libre ako nina Aling Lala pero dahil scholar ako. At dahil madalas na inaaway ako ni Aling Lala, ako ang tagagawa ng projects, assignments, researches, at kung ano-ano pang hiling ni Niña.

Hindi lang 'yan, ay palagi n'ya akong ginagawang alipin. 'Di naman makaangal si mama tuwing ginaganoon ako dahil paraan daw 'yan ng pagbayad sa mga utang namin sa pamilya nila. So, we're still thankful for the Hernandez family dahil at least ganyan lang ang pinapagawa nila.

Habang paakyat, nakita ko si mama sa pintuan ng kwartong inuupahan namin dito kina Aling Lala.

"Pasensya ka na, anak. Hindi talaga ako makaawat sa Lala'ng 'yon." Niyakap ako ni mama.

"Ma, ayos lang naman po 'yon.." I hugged her back.

Still hugging, sinabi ko sa kay mama na gagawa pa ako ng project pa sa 'min ni Niña kaya kumalas na kami sa yakapan namin.

"Ben, Giro! Halina kayo! Kain na." Tawag ko.

Si Ben ay grade 10 na sana ngayon pero dahil tumigiltigil kami dahil sa kakulangan ng pera, magkaklase sila na ni Giro na kaparehas na grade 8 ngayon sa isang public school na walking distance lang.

Ako naman tumigil ng isang year. Grade 12 na sana ako ngayon.

"Uy, ate! Kumusta?" Yayakapin sana ako ni Ben nang tinampal ko s'ya dahil mabaho ang mga galing laro.

"Heh! Tumigil ka nga, Ben! Ang baho mo!" Tumawa ako.

Ngumisi s'ya.

"Uyy, mahal mo naman ako, ate, e! Sige na!" Hinahabol-habol n'ya ako.

"Eww!! 'Wag ka nga! Haha!" Pag-iinarte ko raw.

"Oy, oy, mga anak.. Tigil na. Mabuti pa 'tong si Giro nandito na't naka-upo.." Saway ni mama.

"Eh, si ate kasi, ma, o. Hindi siya tumatanggap ng yakap ko.." Ani Benny.

"Tseh! 'Lika na nga, Bentoy!" Sabay na kaming kumain.

Kahit na ganito kami, kahit na mahirap ang buhay naming pamilya, masaya parin naman dahil hindi ka nag-iisa. Alam mo'ng may karamay ka sa hirap at sa ginhawa.

Masaya ako na sila ang naging pamilya ko..

Kahit na minsan mahirap, ayos lang.

Basta't nandito sila.

Dominika (Brgy. Maligaya #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon