KAMI... (ako at ang 55 kong mga kaklase..)

40.6K 88 8
                                    

Unang araw ng pasukan. Ang daming estudyante, grabe!! Dala-dala ang kanya-kanyang bag na handang masabuyan ng karunungan. Buti na lang at nakita ko si paulo na dati kong classmate nung second year. Halos umabot kami sa second floor ng building malapit sa students pavilion. Halos magkakalahating oras kaming naghanap hanggang sa dalhin kami ng aming mga paa sa itaas ng canteen. At doon, doon namin natagpuan ang 3-abella... Gaya ng dati, ang bawat isa'y kailangang magpakilala sa unahan.. iba't -ibang mukha ang aming nakita, ngunit walang kasiguraduhan kung ano ang kanilang kalooban.. Agad namang nagkaroon ng komunikasyon ang mga lalake.. Nagsimula ito noong pinalinis kami sa may hagdan. Habang naglilinis ay nagwika naman ang isang teacher sa kabilang room "lampasuhin nyo nga ang board." Pagtingin ko'y nakaturo nga sa black board.. wew.. kawawa nmn... hahaha...

Sa kalagitnaan ng hunyo ay nagkaroon ng isang masidhing tanong.. "sinong crush mo pare?" wala namang naglakas loob na umamin dahil hindi pa magkakakilala ng lubos.. pagkatapos noon ay naglaro naman kami ng "pass the message." Record nga yun eh, halos 10 rounds akong taya.. hay buhay.. nauso noon ang gitara. grabe! dami ng mga gitarista sa room!! Sina juhziel, mark, ivanert, israel, alvin, vianney at ako.. si paulo naman na marunong rin ayaw ipakita ang kanyang kakayahan.. weh?? si henry naman na kuya ng klase ay mayroong pambihirang boses.. kumpleto na ah.. banda na to!! Noong halos patapos na ang june ay nagpagawa si mam solis ng maikling kwento.. ang gawa ni alvin ay tungkol sa limang magkakaibigang nagsuntukan dahil sa nakakatawang bintang. Kay vianney naman ay tungkol sa kagitingan ng "kalampunay king" na si edzel. Kay paulo ay tungkol naman sa pagkamatay ng chuchu family. kay edzel ay tungkol sa magiting na magkakaibigan. at ang sakin ay tungkol sa paglalakbay ng limang magiting na mandirigma...

July. Nauso ang pagdownload, bluetooth at "totooooooot!!!" teka, ano nga ba ung tootooot?? haha.. SECRET... nagsimula ang lahat ng ito kay francis. sikat siya sa pagkakaroon ng prince of persia and other 10 games..(siguro lagpas rin yun ng 15..) Foundation day ng school, nagdala ng gitara si juhziel.. ilang minuto lamang ang makalipas ay biglang nagsulat si jaime sa board. isinulat nya yung tulang ginawa nya. nagkaroon naman ng ideya sina alvin and juhziel na lagyan ng tono ang tulang ito.. at hindi naglaon ay nabuo na rin ang unang kanta namin,... yun ang "ZERO(ito na yung poem na nilagay ko rin dito)." tungkol ito sa isang boy na may sikretong pagtingin sa girl. Habang tumatagal ay nawawala naman sa uso ang gitara at noong patapos na ang hulyo ay nagparamdaman naman ang pagkakaroon ng loveteam.. hahaha.. =)

August. At yun na nga.. Ang mga loveteams: paulo and krizza, paulo and mabel, edzel and mabel, albert and mabel, saez and michelle, at maraming pang iba.. Hindi rin malilimutan ang old time favorite loveteam na sina edzel and may-ann na unang na-discover noong nagsisimula pa lamang ang pasukan.. hahaha.. Isang araw, dumating si ma'am at nagkaroon ng quiz sa pamumuno ni justo na mas kilala bilang si vice ganda. Nagsimula na namang lumaganap ang sakit ng buong klase. "anong number na ba? anong sagot? Huy!" ilan lamang sa mga mapanindig balahibong tanong at sagot na kapag hindi mo nasagot ang tanong eh parang ayaw nang mag-quiz, epal.. Habang ang teacher namin ay walang kamuwang-muwang, kami naman ay abalang-abala sa paghakot ng mga sagot mula sa mga katabing kuripot. Agaw pansin naman si Joy na alam na alam RAW ang sagot. Ngunit nang nagche-check na ay wala na syang gana dahil nakatwelve lamang sya out of twenty-five. Pagmamayabang naman ni paulo na naka-12 siya kahit hindi nag-aaral, STOCK KNOWLEDGE?? Maya-maya pa ay nagwika si maam, "Ang passing score ay 13.." Labis na panghihinayang ang naramdaman ni joy.. hay.. Si salva naman ay nagkaroon ng bagong powers!! natutunaw na niya ang cellphone!! AMEJING!! Si sotto naman ay nag-aaral ng kung-fu kasama ang kanyang master na si Crisostomo Evalla o mas kilala bilang si EVALLA, ANG LAST CHAIR VENDOR! Ang kanyang kapangyarihan ay nanggagaling kay Dayanara na kanyang mentor na nag-aral ng wrestling at the age of 12( heto joke lang to.. haha. ) Agaw pansin naman si Saez sa kanyang "ninoy look" POOF!!! Ang isang matagal na kalokohan ay tinapos lamang ng technique ni ma'am, ang "LIONESS ROAR!!" pagkahapon.. Nagsimulang mag-ulat si Justo tungkol sa "HITIT." Ay!! "HITAYT" pala... (spelling yan ayon sa pagkakabigkas, "HITTITE" ang spelling nun.)Walang kaanu-ano biglang nagbend si Ramon na kilalang adik sa avatar. Iginiit nya rin na siya ang si Aang at hindi si evalla..hahaha.. wew.. Si albert naman ay walang pakialam sa mga nangyayari, ayun naggigitara.. "trying hard!!" bigkas ni edzel na unti-unting natutulog sa likod.. Sa pagpapatuloy ng pagre-report, si Evallla na ang nagre-report.. wala lang, boring.. =/.. Noon nga pala ay nagkaroon ng "tagisan ng talino" sa aming paaralan.. Ayun, second ako... haha.. kapal.. Nagkaroon din noon ng MUTYA AT LAKAN na kung saan nanalo yung 1st year hanggang 3rd year crush ko.. hahah.. char!! meaganon?? hahahah.. Nka-chat ko pa siya.. kaya ang saya ko tlga... =)) Sa kalagitnaan ng August, pinaghahanda kami para sa isang variety show. mag-iintermission kasi kami eh. Ang theme noon ay tungkol sa kalikasan. Laking pasalamat naman namin kasi magkakaroon kami ng break sa hagardness na mga gawain sa room.. Nagdala naman ng violin si hermiene. Nagpaturo ako sakanya kaso hindi naman masyadong natuto.. sayang.. Pero nakatutugtog na rin ako kahit papano.. hehehe.. Dahil din doon ay nagkaroon pa nang mas maraming oras na magkakasama ang section namin.. :)).. Halos 3 days lang palugit namin bago ang show.. Tapos yun, kami na.. kabang-kaba at tila hinabol ng asong gusto kaming kagatin ng sabay-sabay. Hindi ko nga maintindihan eh kung bakit ganun. Kasi ilang beses na rin akong nakaakyat sa stage na yun at naka half-naked pa.. hahah.. GRABE!! pawis na pawis ako.. anyway, natapos na rin yung intermission pero paos na ako.. kinabukasan ay nagkaroon ng ball.. nagsimula namang magtanungan ang mga kaklase ko kung pupunta raw sila o hindi.. marami sana ang pupunta kaso ng malaman na P20 pala ang fee ay ayaw na.. galing naman.. haha..

September. maraming nangyari. bumagyo at umulan. minsan kumulog at kumidlat. minsan naman maaraw at mainit. malamig at mahangin. ewan ko kung bakit ganun ang panahon. moody siya masyado. haha.


(Hindi na po ito ipagpapatuloy sapagkat sa buwan ng  Setyembre ay nasaktan ang may-akda dahil sa labis na pagmamahal sa isang tao. Nais niyang makalimot kaya ito ay tapos na. Paumanhin at Maraming Salamat!)

KAMI... (ako at ang 55 kong mga kaklase..)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon