Chapter 1

10 0 0
                                    

"Tumigil ka nga. Nakakabwiset ka na." singhal ko. Tumigil siya sa paggulo-gulo ng buhok ko. Lumingon ako sa kanya dahil nasa likuran ko siya. Ngumiti siya, ngiting aso. Inirapan ko lang siya at bumalik na sa pagpindot ng mga keys sa electric keyboard.

I'm currently attending a workshop this summer, instrument workshop to be specific. Dito ko nakilala si Clove. Nagtanong lang naman ako sa kanya about sa lesson namin sa workshop. Ayun, biglang naging makapal mukha niya. Di na niya ako tinitigilan, di ko alam kung bakit siya ganyan. Para siyang takas mental, nakakairita na siya minsan.

 

Tumigil na siya ng tuluyan at umalis sa likod ko. Pumunta siya sa pwesto niya at pinindot-pindot narin ang keyboard niya. Hay salamat naman at tumigil na siya!

Ngumiti ako ng bahagya at nagfocus na sa pinapagawa samin. Kailangan lang naman namin makabisado ang basic chords sa keyboard. Medyo mahirap para sakin dahil kakasimula ko palang.

Mabuti at mahaba mga daliri ko, advantage para sakin. Di ako mahihirapang abutin ang mga keys. May mga elementary students rin kasi kaming mga kasama.

"Psst. Misty!" napapikit ako sa sobrang pagkainis. Nakakairita na talaga siya! Konti nalang talaga masasakal ko na ang kumag na to. Grabe talaga, ang kapal ng balat ng lalakeng to.

"Sshh!" sita sa kanya ng kasama namin. Buti nga sa kanya, ang ingay eh. Di parin siya tumigil. Well, di lang naman siya ang nag-iingay ngayon. Kanya kanya ring usap ang mga iba pang kasama namin.

"Sino magpapacheck ngayon?" biglang singit ng trainor namin galing siya sa may office niya. Kaya natahimik sila except kay Clove.

"Ako Sir, yes Sir!" biglang sigaw niya na parang sundalo. Natawa naman mga iba pang kasama namin. Really? Nakakatawa yon? Tch, papansin.

"Sure ka na Yu?" pagsisigurado ng trainor namin. Kailangan kasi tatlong mali lang, pagtatlo na. Babalik ka sa upuan mo para mag ensayo ulit.

"I assure you, Sir." tumayo siya at pumunta sa piano. Kailangan dun kasi magpacheck. Edi wow, siya na magaling.

Di ko na siya pinagtuonan ng pansin at ibinaling nalang ang atensyon ko sa ginagawa ko.

After an hour, dinismiss na kami.   Dumiretso na ako sa tambayan ko tuwing hinihintay ko ang sundo ko. I texted my friends, should I say my former classmates.

Nagpaplano na naman sila kung kailan ang outing 'kuno' na di naman natutuloy.

Alagad ng Buwan

Kira-te
Magdadala ako ng foods.

Marcpogi
Yes! Sponsor!

Jaytot
Hahaha!

Mistyic
Ikaw Marc? Anong dadalhin mo?

Marcpogi
Entrance fee ko

Angel
Eh? Magdala ka rin ng pagkain.

Ivan
Pulubi yan si Marc, magugulat ka na lang kakatok yan sa pintuan niyo manghihingi ng pagkain.

Mistyic
Lol

Marcpogi
Uy grabe ka naman Gonzaga!
Di ako ganyan ka patay gutom no!

Jillian
Support!

Ivan
Suppot!
Si Marc
Typo
Support!

Angel
Hahahaha

Jaytot
Hahahahahaha

Jillian
Hahahahahahahaha

Marcpogi
HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!
TANGINA NIYO.

Mistyic
Lol pt. 2


Napangisi na lang ako sa kalokohan nila. Ang meeting 'kuno' nauwi sa asaran. Yan din ang isa sa mga dahilan kung bakit di kami natutuloy.

"Laki ng ngiti ah?" napatalon ako konti nang marinig kong msy nagsalita. Putek tong lalakeng to!
Itinago ko sa mula kanya cellphone ko. He was trying to peek!

"Ba't ka ba nandito? And I'm not smiling." sabi ko at umirap. Sumandal siya sa pader. Biglang sumeryoso mukha niya.



"Boyfriend mo?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 19, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

He's Annoying.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon