Chapter 1

6 0 0
                                        


Lauren's POV

Yay sa wakas! Bakasyon na simula bukas hayst. At last day of classes ngayon. Grabe dadaan ako sa building nina Peter! Huling chance ko na to kaya di ko na to papalampasin.

"Lauren, kain tayo?" yaya sakin ni Carie.

"Hmmm, Carie, mauna ka na sa parking lot. May kukunin lang ako sa locker," palusot ko, pero gagawa lang ako ng move kay Peter hehez.

"Sige, I'll wait for you there. Bilisan mo lang ha?"

"Yas I will. Go ahead."

Nang mawala si Carie sa paningin ko, agad akong dumiretso sa building nina Peter. Nakita ko siya sa may corridor nila. Kasama ang mga katropa niya. Inaayos ko ang mga gamit ko. Parte ng pakulo ko. Magkukunwari sana akong natisod, kaso nagkatotoo. Lumagapak ang mga tuhod ko sa sahig.

"Ah! Aray!"

"Lienne!" sambit ni Peter. Lumapit siya at inangat ako. "Kaya mo bang lumakad?"

"Ah, oo. Kaya ko." Hahakbang palang ako nang muntik na naman akong matumba.

"Tsk. I will bring you home. May klase ka pa?"

"Wala, pauwi na sana ako pagkatapos kong maglagay sa locker. Kaya lang ayan natisod ako."

"Grabe yung pasa sa tuhod mo, Lienne. Gamutin mo yan pag-uwi mo."

"Opo, Doc."

"What did you say?" he asked me.

"Wala, sabi ko thank you." Buhat-buhat niya ako hanggang maisakay niya ako sa sasakyan niya. Umikot siya at umupo sa driver's seat. Inistart niya ang sasakyan niya at lumakad na kami.

Damn, unang beses ko itong nakasakay sa kotse niya. Ang bango, parang natapon ata ang pabango niya dito sa sobrang bango.

Mabilis lang ang nagging byahe dahil malapit lang ang village namin sa school.

"Thank you sa pagtulong sakin, Peter. I'm sorry kung naistorbo kita." Ako at binuksan ang pintuan ng sasakyan niya.

"You're welcome."

"Hmmm, Peter. Can you date me?"

"No." agaran niyang sagot.

"Okay. Alam ko naman yun ang isasagot mo. Sinubukan ko lang ulit."

Hayyyyy. Sa daming beses na sumubok ako sa loob ng limang taon, wala. Laging hindi ang sagot niya. Really, Peter? Am I not that enough for you?

My Bittersweet SummerWhere stories live. Discover now