Lauren's POV
It's Monday morning but unlike my normal Mondays, this one's different. Maaga akong nagising, I'm planning to take a jog around the village. You know, morning walks are really the best! Yay!
"Good morning, Lauren! Handa na ang breakfast kakain ka na ba?"
"No, Manang. Later na lang po pagkauwi ko. Good morning po! Kayo po kumain na? I'll just jog around the village. Where's mom and dad po by the way?"
"Kakaalis lang eh, may business meeting sa Canada. Mageextend din daw ng 1 month dahil bilin ng Tita Charlyne mo." Ani Manang.
"Sya sige po manang. Pasabi na lang po kay Kuya I'm just around the village."
Sabi ko at tumulak na palabas. Naglakad ako hanggang clubhouse. Pagkarating ko don ay nagstretching ako. Mayamaya ay nagsimula na akong magjogging. Habang nagjjogging ay nakikinig ako sa music. Mundo by IV of Spades. Pagkaliko ko sa kanto ay nakita ko si Peter Liam Alvarez. Ang ultimate crush ko simula grade 5. Grabe grade 11 na ako't lahat, wala talagang makakapantay sakanya para sakin. It will always be him.
Aking sinta ikaw na ang tahanan at mundo
Sa pagbalik, mananatili na sa piling mo
Kaloka! Bakit? Bakit sya nakatingin. Ay ano Jia Merlienne Lauren dela Paz Pangilinan nawala na sa wisyo? Assumera ng taon ah! Luh nananaginip ba ako? Bakit ang lalim ng tingin nya? Nakakaloka naman. Lumampas na ako sakanya nang bigla siyang nagsalita.
"Really, Lauren? Hindi mo ba talaga ako papansinin?" Napatalon ako sa gulat. Luh, legit ba? Hindi ba to panaginip?? Kasi kung panaginip to, aba ay wag na wag nyo kong gigisingin!
Lalakad na sana ako palayo nang hinila niya ang braso ko.
"A-aray Peter, masakit." Sabi ko sabay pilit na kumakawala sa hawak niya. Niluwagan niya ang hawak sa braso ko at pinihit ako. Ngayon ay magkaharap na kami.
"I'm sorry, Lienne."
"U-uhm h-hindi a-ayos lang.. ayos lang ako." Really Lauren? What's with the nervous voice? Like hello? Great crush mo lang naman yan. Oo, tama. SHEMAY! GREAT CRUSH KO TO!! TAPOS KINAKAUSAP AKO WAAHHHH!!! DI KO KINAKAYA! MAHIHIMATAY YATA AKOOOO! HUHU!
"Ah, Lienne?"
Bigla akong bumalik sa ulirat nung nagsalita ulit sya. Kanina pa ata siya may sinasabi. Ayoko ng tinatawag akong Lienne bukod kay na Mommy pero sige, kasama na siya. He will always be an exception.
"Huh?" utas ko.
"I said I'm sorry."
"Luh san? Sa braso ko ba? Hindi ayos lang naman ako."
"Hmm. Hindi lang don. I just want to say sorry kasi for the past 5 years, hindi kita pinapansin,"
SHEMAY, AAMIN NA BA SIYA NG TRUE FEELINGS NYA PARA SAKEN? WAAAHHH!!! DI AKO PREPARED!!!
"Ayos lang, baliw! Ano ka ba, hindi naman big deal yun sakin." Sabay ngiti na kinakabahan.
"So see you around?" sabi nya sabay ngiti. Lintek namang perfect smile yan, nakakainlove!!
"S-see y-you, Peter!" sabi ko. Akala ko aalis na siya, pero bigla siyang lumapit sa akin at bumulong, "You really look beautiful today, Lienne."
Ipupusta ko hinliliit ko sa kamay, sobrang pulang pula na panigurado mukha ko.
Lumakad na siya palayo at pumasok sa bahay nila. Kumaway pa siya at imwinestrang papasok na siya. Kumaway na lang din ako at nagpatuloy magjogging.Hindi ko naimagine na magkakamoment ako sakanya. WAAAAHHHH!!! After 12162382532 years, napansin mo din ako, Peter Liam Alvarez! Ito na ata ang moment ko.
Nang makarating ako sa park, umupo ako sa bench at nagpahinga saglit. Nagpupunas ako ng pawis nang biglang may nakalahad na mineral water sakin. Nag angat ako ng tingin para makita kung sino ang may hawak non.
"Inom ka muna. Mukhang pagod na pagod ka ah."
"Uy! Thank you, Dylan!" sabi ko at inabot ang bote.
"Lagi ka bang nagjojogging dito?" tanong niya.
"Oo, lagi ako dito. Ikaw? Taga-dito ka pala samin?" tanong ko. Lumapit siya at umupo sa tabi ko.
Dylan Chavez is one of the popular guys in our school. Isa siya sa mga playboy pero mabait naman kapag nagging kaibigan mo. We are both from HUMSS and classmate ko siya sa ilang subjects.
"Lagi akong nagjojogging lalo kapag tinatamad akong pumunta ng gym. Kakalipat lang naming kahapon. Medyo nakakalito nga eh. Ang hirap mag-adjust."
"Sa una lang yan, masasanay ka rin." Sabi ko at nginitian siya.
"Sabagay. Btw, nakita kita kanina ah. Magkausap kayo ni Peter? Di ba crush mo yon?" sabi nya sabay ngisi.
"Huy, wag ka naman maingay. May makarinig naman sayo." Ako sabay linga sa paligid.
Wala naman masyadong tao pero, kahit na. Baka mamaya nandyan lang pala sa paligid ang Prince Charming ko.
"Halata naman na crush mo yon. Elementary pa lang tayo. HAHAHAHAHA!"
Nag-make face lang ako sakanya at tumingin sa mga paa ko.
"Pero alam mo? Hindi ko talaga ineexpect na mapapansin niya ako kanina. Kasi, limang taon ba naman akong ni hindi man lang binalingan ng tingin tapos ngayon biglang mamamansin. At sinabihan pa ako na ang ganda ko daw. Luh? Bigla atang nag iba ihip ng hangin?"
"Nahihiya ka pa sa lagay na yan ha? You know what? You really are cute, Lauren. Sana magtuloy-tuloy yang progress sainyo ni Peter." Sabi niya sabay gulo sa buhok ko.
"Huy yung buhok ko." Ako sabay ayos sa buhok ko.
"HAHAHAHAHA kumain ka na ba?" tanong niya.
"Ay, pa-fall! CHAR! Hindi pa, hindi ako nakain ng breakfast. Ikaw ba kumain ka na?" Ako sabay tingin sakanya.
"Huy hindi, natanong ko lang. Sayang ililibre pa naman sana kita."
"Ay libre ba? HAHAHAHAHA! G ako dyan!"
"Sige, ano tara? May makakainan ba tayo dito?"
"Merong café dito sa loob ng village. Liliko lang dyan sa may kanan." Ako sabay turo sa kabilang likuan.
Nagpunta kami sa café at umorder na siya. Coffee lang ang akin. Marami pa kaming napagkwentuhan ni Dylan about ngayong summer vacation and such. Natapos kami ng mga 10AM. Nagpresinta pa siyang ihatid ako. Kaso sabi ko wag na at baka maligaw pa siya. Pero naginsist sya. Kaya hinayaan ko na.
"Thank you for today, Dylan! Ingat ka!"
"Thank you din. So we'll keep in touch?"
"Hmmm. Sure. May GC naman tropa diba?"
Napakamot siya ng ulo. "Oo nga pala. Sige alis na ako ah?"
"Okay, ingat ka." Ako at pumasok na sa loob ng bahay.
YOU ARE READING
My Bittersweet Summer
Teen FictionThere was a girl who is so in love with the world. She is a happy-go-lucky person. She is so precious as a diamond. She seems to be easily attached to the people who make her feel important. She tried searching and searching the one for her but unfo...