Kauna-unahang pangyayari na di ko talaga makalimutan , kahit 8 yrs. old pa lang ako ng mga panahong yun.
Isang hapon paguwi na paguwi ko sa bahay namin masama na pakiramdam ko , pero syempre nga bata kahit may nararmdaman eh lumabas pa rin ako at nglaro.
Paguwi ko sa bahay namin sobrang inaapoy na ko ng lagnat , eh d hindi na ko nakakain kasi nga walang gana at panlasa.
Tapos natulog na ko, tapos bigla n lang ako nagising akala ko gising pa sila nanay nun pero tulog na pala lahat, eh nauuhaw ako kaya tumayo ako at uminom ng tubig tapos bumalik na ko sa higaan at matutulog na sana,, pero hindi talaga ko makatulog eh ginawa ko yumakap ako sa nanay ko,,, pero d talaga ko makatulog tapos tumalikod ako sa nanay ko at ang kaharap ko ngayon ee yung upuan,,, eh sobrang dilim kaya kinukurap kurap ko yung mata ko tapos maya maya parang may nabubuo na imahe ng bata na nakaupo parang ,,syang baby na nakaupo tapos parang mapula yung mata nya d ko alam kung bat ganon,,, pero yun talaga yung nakikita ko eh tapos hahawakan ko sana sya d ko alam pero papalapit na yung kamay ko sa kanya kaya lang bigla ko natauhan at kinilabutan,,, sa takot ko bigla na lang ako tumalikod at tiningnan ko ulit sya pero nawala , ewan ko ba kung totoo yun o sobrang taas lang ng lagnat ko nun kaya kung ano ano mga nakikita ko pero alam ko talagang totoo yun eh d ako namamalikmata.
Hanggang ngayon naalala ko pa rin talaga yun.... .
----------------------
yaaay !!! tapos na yung unang kwento ko sana magustuhan nyo totoo talaga yan promise hanggang ngayon nga naalala ko pa rin eh sorry kung maiksi lang ah sa next update ulit ibang kwento nman :-D
BINABASA MO ANG
TOTOONG KWENTO NG KABABALAGHAN
HorrorAng mga kwentong ito ay totoong ngyari sa akin at sa mga taong kakilala ko at nakakausap ko tungkol sa mga bagay na bibihirang paniwalaan pero totoong ngyayari sa ating paligid hindi nyo pa man nararanasan. Ayyyy nikakabahan ako first time kong gaga...