Sa apartment na to madami ding kababalaghan kasi nga my puno ng santol sa likod na may nakatira daw na kapre.
tapos may kwento pa na dati yung bukid tubigan kung tawagin sa min wala pa daw mga bahay dun dati tapos daanan daw ng mga engkanto yung bukid na yun.
ngungupahan dati yung ate ko sa apartment na yan kasama ako yung asawa nya tsaka yung hipag ko
may kaibigan sya na may third eye lagi yun natutulog sa apartment dati
ee nung natulog sya nung isang beses andun yung mga pamangkin ko ngbakasyon
nung madaling araw na siguro mga 4 am na yun naalimpungatan sya kasi meron daw akyat baba sa hagdan ee sa sala sya natulog nun kasi nga sikip na sa kwarto.
tas nung mga 5am na may mga bata daw na nababa sa hagdan tapos naupo pa kala nya mga pamangkin ko lang kaya dedma lang sya pero may kakaiba daw syang nararamdaman
tas nung umaga na sabi nya sa ate ko
ate ang aga nman gumising ng mga pamangkin mo kaninang 4am akyat baba tas nung 5am na nakaupo sa hagdan d ko na nga lang pinapansin kasi inantok pa ko nun...
ee d ngtaka kami kasi yung pamangkin namin tulog pa sa taas , ee d pagkagising ng pamangkin ko tinanong ni ate kung sino yung akyat baba nung madaling araw pinagalitan pa nga , ee kitang may natutulog daw sa sala
tita wala nman nababa aa kakagising nga lang namin ee...
sabi ng kaibigan ni ate " ay naman ee sino yun " tas ngisip sya bigla "sabi ko na nga ba ee"
------------
madami pang nakikita yung kaibigan ng ate ko sa apartment na yan d na lang nya kinikwento lahat :)
BINABASA MO ANG
TOTOONG KWENTO NG KABABALAGHAN
TerrorAng mga kwentong ito ay totoong ngyari sa akin at sa mga taong kakilala ko at nakakausap ko tungkol sa mga bagay na bibihirang paniwalaan pero totoong ngyayari sa ating paligid hindi nyo pa man nararanasan. Ayyyy nikakabahan ako first time kong gaga...