080 // clover's

1.4K 71 65
                                    

clover choi's

Busy ulit ako magbantay ng booth namin since fair week pa rin naman ngayon. Sila Lily naman busy sa ibang bagay, officer kasi 'yun sa club nila.

Oo nga pala, bakit hindi na ako pinapansin ni Jungwoo?

Nabored ako kaya naisipan ko na lang magphone. Bumungad naman 'yung post ni Lucas sa IG.

 Bumungad naman 'yung post ni Lucas sa IG

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Walanghiya. Anong mine?! Mine mo 'yang mukha mo.

"Clover!" Tawag ni Lily habang papalapit siya sa akin.

"Buti naisipan mo puntahan ko?"

"Sorry naman?!" Sabi ni Lily. Kaya tumawa na lang ako.

"Nga pala, hintayin mo si Lucas mamayang uwian sa labas, ah?" Sabi niya sa akin habang tumabi siya sa akin.

"Ano siya sinuswerte?! Anong hihintayin?!" Sabi ko naman.

"Ito naman. May meeting lang sila mamaya." Sabi niya kaya ayun.

-

Nag-uwian na nga at gagawin ko nga 'yung sinabi ni Lily sa akin na hintayin ko si Lucas.

Pagkalabas ko ay nakita ko si Ate Chloe at 'yung best friend niya na si Aika.

"Oh, masaya bang maghintay at mang-agaw sa lalaking may girlfriend, lil sis?" Sabi niya sa akin tsaka siya lumapit kaya medyo lumayo ng onti.

"Ate, pwede ba- "

"Ano? Diba sinabi mo sa akin, hindi mo aagawin si Lucas? Anong ginagawa mo ngayon?" Sabi niya naman.

"Hindi ko naman siya inaagaw, Ate! Ako na nga 'tong lumalayo e!"

"Talaga ba- "

Bigla namang may umakbay sa akin kaya napatingin ako sa gilid ko. Si Lucas.

"Tapos na tayo, Chloe. Diba nakayanan mo na rin naman 'yung mga araw na pinagtatabuyan mo ako?" Seryosong sambit ni Lucas. Para namang naiiyak si Ate kaya parang gusto ko siya lapitan kaso pinigilan lang ako ni Lucas.

Nagsimula na kaming maglakad ni Lucas habang akbay-akbay niya ako.

"Hoy, saan ba tayo pupunta?" Sabi ko sa kanya.

"I-dadate kita." Nakangiting sabi ni Lucas.

"Edi wow, saan nga kasi?"

"Ayaw maniwala. Tsaka may bibilhin tayo."

"Ano naman 'yun?" Tanong ko habang tumigil kami sa taxi bay.

"Gown?"

"Ha?!" Napatingin ako sa kanya at tinignan niya ako nang nagtataka.

"Bakit? May problema ba?" Nagtatakang tanong niya.

"Hindi ako pupunta sa ball night."

"Bakit?"

"Wala lang."

Sakto namang may tumigil na taxi kaya pinagbuksan niya ako ng pinto at no choice ako, sumakay na lang ako.

"Clover, punta ka na kasi sa ball night. Kung nalalayuan ka sa place, hatid at sundo naman kita e, hindi naman kita papabayaan." Tumingin naman ako sa kanya at mukhang seryoso talagang siya pumunta ako.

"Sige na nga."

Ningitian niya ako at bigla siyang nagthank you sa akin.

Nakarating din kami sa mall dahil sabi niya dun daw kami bibili ng gown. Pagkapasok namin sa mall, agad kaming pumunta sa shop na sinasabi niya.

Nagpasukat siya ng iba't ibang gown sa akin. Jusko naman, gutom na ako.

Hanggang sa pinasukat naman sa akin mung sales lady 'yung peach na gown.

Pagkalabas ko ay ningitian niya nanaman ako.

"Clover." Bigla siyang naglabas ng box.

"Hoy, ano 'yan?! Nagpropropose ka ba?!" Sabi ko sa kanya kaya natawa siya at binuksan 'yung box.

Ay, pahiya ka, Clover. Necklace 'yan.

"Can you be my date?" Sabi niya habang nasa harap ko siya at nakangiti. Kaya bumilis 'yung tibok ng puso ko.

Tumango-tango na lang ako biglang sagot kasi na-pipe ako bigla!

"Thank you." Sabi niya tapos niyakap niya ako.

"Damn, you're so pretty." Sabi niya nung kumalas siya sa yakap at hawak-hawak niya 'yung balikat ko.

"Heh, magpapalit na ako ng damit ko." Sabi ko sa kanya.

"Sige, babayaran ko 'yan."

Tapos tumalikod na ako sa kanya pero tinawag niya ako bigla kaya lumingon ako, "Love you!"

Kinikilig ako, potaena.

~ ~

the end.

charot lang HAHAHAHAHA. may ginagawa nanaman akong nct epistolary huhuhuhu.

back 2 u | lucasWhere stories live. Discover now