Pag-ibig?
Ano ito?
Anong kahulugan?
Saya.
Lungkot.
Sakit.
Pighati.
Anong meron ang salitang ito na kayang iparamdam sa atin ang lahat ng ito?
Masaya ang pag-ibig. Sa iba pang sabi, pagmamahal. Nagdudulot ng kasiyahan sa tao. Yung alam mong may nag-aalaga, nag mamahal, nag aalala at gumagabay. Masaya ang magmahal.
Kakaibang pakiramdam na maaring ngayon mo lang naramdan. Para kang lumilipad sa mga ulap.
Magkasabay na pagmamasdan ang sikat ng araw. Magkasamang maliligo sa ulan. Magkasamang magtatampisaw sa tubig. Magkasamang uusad sa buhay.
Kung ganito ang pag-ibig, MASAYA.
Ngunit anong meron ang salitang ito para iparamdam sa atin ang sakit? Lungkot? Pighati?
Bakit kailangan pang magmahal kung kailangan masaktan? Hindi bat isang KAHIBANGAN?
Nasaan na ang pag ibig kung laging nag aaway? Nagbabangayan? Nagtatalo?
Sabi nila, kaakibat ng saya ang lungkot. Parte ng pagmamahal ang masaktan dahil hindi mo malalaman na nagmamahal ka kung hindi ka nasasaktan.
Bakit kailangan pang masaktan?
Para matuto?
Ano ba ang dapat matutunan?
Sabi nila, nakikilala mo ang isang tao ng may dahilan. Hindi lamang basta nabangga, nakatitigan, nakasabay o nakasalamuha. Lahat may dahilan.
Maaaring maging malaking parte ng buhay mo o magtuturo sa iyo kung gaano kahalaga ang buhay.
Everyday, you will encouter different person. Maybe a blessing or will just teach you a lesson.
Kahit gaano kasi nating kamahal ang isang tao, hindi pa rin tayo sigurado kung sya na ba talaga. Hindi mo pa nakikita ang hinaharap. Kasalukuyan lamang ang pinanghahawakan mo.
May ibang mahigpit kumapit. Ngunit malubay ang kinakapitan.
May ipinipilit ang sarili kahit wla nang espasyo.Bakit?
Ganyan kasi sa pag ibig. Lahat gagawin mo kasi nga mahal mo. Wala kang pakialam kahit mukha ka nang tanga, desperada o kaawa awa. Gagawin mo lahat kasi nga mahal mo.
Puro na lang sakit. Nasaan ang saya? Wala! Dahil pinipilit mong maging sayo ang taong hindi ikaw ang mahal!!
Hindi ikaw ang priority!!
Kahihiyan ba ang maghabol sa taong may ibang mahal?
"Kahit kailan, hindi kahihiyan ang magmahal"
Ngunit pagmamahal pa ba iyon?
Sabi nga, kung mahal mo, ipaglalaban mo. Lalaban ka. Kasi nga , mahal mo.
Pero hindi ba kung mahal mo hahayaan mo sya kung saan sya masaya?
Oo, kung mahal mo ipaglaban mo. Pero sana alam mo din kung kailan dapat sumuko. Kung kailan dapat tumigil.
Dahil para saan pa kung ikaw na lang naman ang lumalaban? Para saan pa ang ipinaglalaban mo?
Tama na. Alamin mo kung kailan dapat sumuko.
Magulo.
Iyan ang pag ibig.
Minsan masaya,
Malungkot,
Pero kahit ano pa yan, magpasalamat ka kung nagmamahal ka. Napakapalad mo dahil isa ka sa ilang taong nakaramdam ng tunay na pagmamahal.
Hindi man ganoon kaganda ang pinagdaanan mo sa simula, maaring sa hinaharap. Doon mo makikita ang para sa iyo.
Dahil ang nagmamahal, marunong maghintay.
~just_mine13