Bakit kailangan pa nating makiusap para lang mahalin tayo?
May mahal na syang iba!
Hindi na ikaw ang mahal nya!
Bakit ka pa maghahabol?
Yung tipong kahit panakip butas, rebound o reserba, okey lang.
Lahat titiisin. Kahit magmukha nang tanga. Okay pa din.
Kahit harap harapan kang lokohin, ayos lang.
Kahit gaano kasakit, okey lang.
Kahit unti unti kang pinapatay sa sakit. Mahal mo kasi. Kaya kahit limusin mo yung pagmamahal okay lang.
Naghihintay na baka pag dating ng panahon, ikaw na yung mahal.
Sumusugal ka kahit alam mong matatalo ka.
Pero okay lang.
Patuloy ka pa ring aasa kahit sa wala kasi nga mahal mo.
Patuloy mo na lang hihilingin na pwede bang "Ako na lang, please"
~just_mine13