FIRST MEET

35 0 0
                                    

Roben's POV

DISCUSS
LECTURE
DISCUSS
LUNCH

at nagbell narin kaya tumayo na ako at dumeretso sa Library hindi kasi ako minsan pumupunta sa Canteen dahil maraming tsismis

"ouch! ang sakit..." sabi nung nabangga kong lalaki "Ayy! sorry hindi ko sinasadya... ok ka lang ba?" sabi ko naman sa kanya at tinulungan syang tumayo "ok lang ako.. salamat. ahh Carl John Villanueva. ikaw? anong pangalan mo?"

"ahhh ako nga pala si Roben Lim"

"Hi Roben nice to meet you"sabi nya

"Nice to meet you too"sabi ko sakanya habang nakangiti at nakikipagshakehand

"Tara sama ka sa akin"sabi ni Carl sa akin
"haa?saan tayo pupunta?tanong ko sa kanya
"basta sumama ka na lang sa akin"hindi na ako nakapagsalita ng bigla nya na lang akong hilahin

"anong gagawin natin dito?" tanong ko kay Carl ng makapunta kami sa GYM. Hindi na ako sinagot ni Carl dahil bigla na lang nyang binuksan ang pinto at may nakita akong dalawang lalaki na nakaupo sa sahig

"Artur!John Marky!"sigaw ni Carl sa dalawang lalaki habang papunta sa kanila

"pre saan ka ba ng galing? bakit ang tagal mo?"sabi nung Artur na sinisigawan ni Carl

"sorry pre.. ayy! oo nga pala eto nga pala si Roben bagong kaibigan natin" sabi ni Carl dun sa mga kaibigan nya

"nice to meet you Roben"sabi nung dalawa sa akin nginitian ko na lang silang dalawa

"ahhh Roben eto nga pala si Artur at si John Marky ang dalawang matalik kong kaibigan"sabi ni Carl sa akin

"Hi"maikling sabi ko sa kanila

"I'm John Marky Planas ang leader ng grupo"

grupo??? anong grupo?..

"A-anong grupo?? may gang kayo?"tanong ko sa kanila

"ah hindi wala kaming Gang.nagsimula kasi yung grupo kay John Marky gusto nya kasing bumuo ng grupo katulad natin magkagrupo na tayong apat"sabi ni Carl john

"ah ako nga pala si Artur James Gonzales Nice to meet you at Welcome sa grupo"at sabi naman ni Artur sa akin

"at oo nga pala lagi na tayong tatambay dito ok ba sayo Roben na dito ka narin tatambay?"at tanong naman sa akin ni John Marky "ako?...shempre naman"at malapit narin akong pumunta sa susunod na subject ko

"ahhmmm Carl,John Marky at Artur paalam na pala kasi malalate na ako sa next subject magkita na lang tayo mamaya sa uwian" ang sabi ko naman habang palayo sa kanila at kumakaway

"ingat ka kita na lang tayo mamaya bye"sabi naman nila ng sabay sabay

"Bye din ingat kayo!!"sigaw ko

CLASSROOM


dalidali akong pumunta sa classroom at buti na lang ay wala pa si Ma'am DelaCruz ang masungit naming teacher

makalipas ng 10minutes ay wala parin si Ma'am kaya nilabas ko ang earphone ko at nagsoundtrip

uulit ulitin ko sayo... ang nadarama ng aking puso... ang damdamin ko'y para lang sayo ohh kahit kailanman di magbabago....
Ikaw ang laging hanaphanap sa gabi't araw... ikaw ang nais ko sa tuwina ay natatanaw ikaw ang buhay at pagibig wala na ngang iba sa aking puso'y tunay kang nagiisa......

hindi ko alam kung bakit gustong gusto ko yung kantang yun pero naiinlove ako sa song at tinanggal ko na ang earphone para pumunta sa Cr. habang papunta ako sa Cr ng boys ay nadaanan ko ang Cr ng girls na nakasara at may kumakanta na maganda ang boses

Bakit... umalis ng walang sabi?
Bakit.. di siya lumaban kahit konti?Bakit di maitama ang tadhana? at nakita kita sa tagpuan ni Bathala may kinang sa mata na di maintindihan tumingin kung saan sinubukan kong lumisan at tumigil ang mundo... nung ako'y ituro mo... siya ang panalangin ko...

DUG DUG DUG DUG

a-anong nayayari sa akin? bakit bumilis tibok ng puso ko?bakit?

at nung lumabas na siya nagulat ako bigla at nung napansin nya ako bigla nagtago ako sa halaman at bigla na akong tumakbo sa room

Bad Girls Meet the Inoccent BoysWhere stories live. Discover now