Chapter 3

6 0 0
                                    


"What the heck Jeff! Gusto mo akong gumawa ng Tinder account ? For what?"gulat na tanong ni Joyce sa habang binabasa ang nakasulat sa planner.

Alam kong yan ang magiging reaksiyon niya, pero gusto ko kasi may fallback siya at ako ang kikilatis nito para sa kaniya.

"Joyce, yan ang plan #1 ko , gusto kong bago ako mawala mahanap mo yung mag aalaga sayo, yung magmamahal sayo.Gusto ko bago ako mamatay makilala ko muna kung sino ang papalit sa akin.Gusto ko kasama mo ako sa pagpili at paghahanap ng magiging kasama mo pagtanda."ngumiti ako sa kaniya ngunit unti-unting nawala ang ngiti ko ng unti-unting pumatak ang luha niya.

"Jeff, kahit na mawala ka pa hindi kita papalitan, tandaan mo yan.Kahit na masakit kapag nawala ka kakayaning kong mag-isa dahil alam kong andiyan ka lang.At hindi ko hahayaang mawala ka Jeff.Lalaban tayo hanggang dulo.Magpapachemo at treatment ka, lahat gagawin natin.Hindi ako susuko Jeff. "kitang kita ang panginginig ng labi niya habang patuloy ang pagbuhos ng luha niya.

"Joyce paano kung sabihin kong sumusuko na ako?" natigilan siya at humarap sa akin

"Eh di hindi kita hahayaang sumuko.Tara na nga diyan sa tinder tinder mo.Ano bang gagawin ko diyan magtitinda?Nakangiting tanong niya

"Hindi bhabs, mag grogrocery tayo." sagot ko sa kaniya habang pauli ulit na pinapataas baba ang aking kilay.

Kinuha ko ang aking IphoneX na dinownloadan ko nang tinder kagabi.

"Bhabs oh, gagawa tayo ng tinder account mo." sabay abot ko sa kaniya ng phone ko.Ngingiti ngiti siya habang inaabot sa akin ang phone ko.

"What the hell Joyce? Anu tong Username mo? Kulanguting Bebot143?" gulat kong tanong sa kaniya habang siya ay parang mamamatay na kakatawa.

"Eh kasi hahahahahahaha eh hahahahaha."hindi na niya natapos ang sentence niyadahil sa sobrang kakatawa. "Hayaan mo na kasi yan ."dugtong niya pa sinundan ng malulutong niyang tawa.

"Sige na nga, profile picture mo naman ang asikasuhin natin bhabs."sabi ko sa kaniya.Isinet ko ang camera at pinapwesto siya sa harap. "Oh bhabs , gandahan mo ang pose mo ha." Paalala ko sa kaniya habang naglalakad siya papunta sa harap ng camera.

"Oh bhabs 123 -napatigil ako at napahagalpak ako ng tawa. "Hahahaha bhabs anu yan?Anong pose yan?" Paano ba naman kasi nakahawak sa tiyan niya ang dalawang kamay niya habang nakabusangot ang mukha .Mukha siyang tinitibi hahahahahahahahahaha.

"Bhabs edi anu pa edi "sakit-tiyan pose" tugon niya sa akin ng taas noo na parang siguradong sigurado siya sa ginagawa niya.

"Oo nga bhabs sakit tiyan pose nga yan.Ang galling mo bhabs kuhang kuha mo eh.Paano mo nagawa yun"tanong ko sa kaniya habang nagpipigil ng tawa.

"You know naman bhabs, inborn talent ko na ang modeling kaya easy lang to."sagot niya with full of confidence habang ako ay nagpipigil pa din ng tawa.

"Ang galing mo nga bhabs, in character na in character ka eh, mukha ka talagang natatae, hahahahahahahhahaha." this time hindi ko na napigilan ang pagtawa ko at nagpagulong gulong na ako sa pagtawa.

"Diyan ka na nga, nakakainis ka."sabay dabog niya paalis.

Tumigil ako sa pagtawa at sinundan ko si Joyce.Nakaupo siya sa sala habang nanonood ng Angry Birds.Iniyakap ko ang aking mga kamay sa likod niya.

"Bhabs sorry na." sabi ko na nagpipigil pa rin ng tawa.

"Tumigil ka diyan Jeprox, di tayo bati."

"Bhabs sorry na please, I love you Bhabs."sabay pout ng labi ko at pinakintab ang mga puppy eyes ko.

"No Jeprox, hindi mo ako madadaan sa pa ilo-I love you mo na yan, isama mo pa yang pagnguso mo akala mo naman gusto kong halikan."

Nagulat siya sa sinabi niya at nagkatinginan kami.Inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya at hinalikan siya pero smack lang.

"Bhabs kiss lang pala ang gusto mo sana sinabi moa gad, hahahahahahahaha."

"I hate you Jeff."sigaw niya habang nangangamatis ang kaniyang mukha.

"Well sorry for you Joyce because I love you."ngumiti ako sabay kindat, habang inaaktong binabaril baril ko siya.

Pagkatapos nung eksenang yun ay nagsimula na kaming mag grocery sa Tinder.

"Bhabs kapag gusto mo yung profile pic nila swipe right at swipe left kung hindi,.Gets?"

"Yup Jeprox."sagot naman niya

"Bhabs eto, mukhang ayos to?"tanong ko sa kanya habang ipinapakita ang picture sa cellphone ko.

"Jeprox ayos nga yan, ayusin ang ngipin, tingnan mo o bungi, hahahahahahahaha."

"Eh ito?"Ipinakit ko sa kanya ang lalaking nakasumbrerong supreme na may hikaw sa ilong.

"Wow Adik."

"Eh ito?"this time litrato ito ng artistang medyo maliit pero cute naman.

"Ayoko diyan Bhabs." With matching iling iling pa.

"Bakit?"taking tanong ko

"Malaki."Nagulat ako at pinanlakihan siya ng mata.

"Pati yun alam mo?"tanong ko na gulat pa rin.

"Malaki ang butas ng ilong, hahahahahaha."

Hay naku akala ko kung anu na.Napatawa na lang ako sa isip ko.

"Tama na nga ito bhabs, nuod na lang tayo ng Doray , walang kwenta naman yang mga pinipili mo eh hahahahaha,"

"Anung Doray?"tanong ko

"Bhabs ang bobo mo pala, Doray lang hindi mo pa alam? Hindi pa nga nakakalad ay kilala na si Doray.Si Doray The Explorer lang hindi pa alam.Ang bungol mo talaga kahit kailan."Imbes na sumagot pa ako ay tinawanan ko na lang siya.Kahit naman may pag ka engot ang baboy ko mahal ko pa din siya.

Masaya ako ngayong araw na to dahil kahit naghanap kami ng maaaring pumalit sa akin, alam kong kahit kalian ay hindi niya ako ipagpapalit.Kaya nga natatakot na akong umalis eh.Hindi para sa sarili ko kundi para kay Joyce.

Sana wala na lang akong sakit.Sana lagi na lang kaming ganito yung masaya lang yung akala mo walang magbabago.

Yes the most painful battle is love, but I can say that love is also the sweetest victory, If you chooses to stay and win for it.

Tulog na si Joyce sa lap ko.

I wish I can stay a little longer for her.

"I love you baboy ko" bulong ko sa kanya at isang harok namn ang itinugon niya.

-Jeff




The 30 Day PlannerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon