Kabanata I

5 0 0
                                    

Kabanata I

⚜⚜⚜

" Maika!" Mariing pagtawag ng aking ina sa aking pangalan.

Huminto ako sa paghakbang patungo sa aming pinto. Medyo hinihingal pa ako dahil sa ginawang pagmamadali ko upang makalabas ng aming bahay.

" Magdahan- dahan ka ngang bata ka. Basa ang kalsada at baka ika'y madulas," saway niya ng siya'y aking malingunan.

Nakasuot siya ng kulay dilaw na bistidang may mga burdang bulaklak bilang disenyo. Ang kulay itim nitong buhok ay nakapusod ng maayos at ang kanyang kamay ay may hawak na bimpong puti, nagpupunas ng nabasang kamay dahil sa paghuhugas ng mga pinggan.

Napakamot ako sa aking batok at hilaw na napangiti. " Pasensya na po, Mama. Medyo excited lang naman po ako."

Nakita ko ang bahagyang pag- iling niya. " O siya, sige na... Lumabas ka na at baka biglang tumila ang ulan at hindi ka na makaligo."

Napatango ako at saka nagmamadaling lumabas nang bahay. Malaki ang ngiting nakapaskil sa aking mukha ng pagkalabas ko pa lamang ay ang malamig na hangin at ang malalaking patak nang ulan ang siyang bumungad sa akin.

Dire- diretso akong lumabas sa aming tarangkahan hanggang sa makarating ako sa gitna ng kalsadang walang katao- tao. May kalakasan na ang ulan kung kaya halos mabasa na ako ng tuluyan.

Huling linggo na nang Mayo sa taong ito at kadalasan ay sa mga ganitong pagkakataon nagsisimulang pumatak ang unang ulan matapos ang ilang buwang tag- araw. At ngayong araw nga'ng ito, pumatak ang unang ulan na siya namang inaabangan at kinasasabikan ko. Hindi kagaya ng ibang mga batang kasing edaran o mas bata pa sa akin, mas gusto ko ang panahon kung kailan basa ang mga kalsada. Gustung- gusto ko ang tag- ulan, ang amoy ng paligid matapos ang isang mahabang pag- ulan. At kung tatanungin man ako kung bakit, marahil siguro'y nakasanayan ko na.

Napatingala ako.  Sinasalubang ang bawat bagsak nang tubig ulan. Ang aking mga mata ay mariing nakapikit at ang nakapaskil na ngiti ay nanatili pa rin. Matapos ang ilang segundo'y, napayuko ako at napamulat nang mga mata. Ang aking kulay asul na bistidang pambahay ay basang- basa na. Inalis ko ang pagkakapuyod ng aking buhok. Mabilis itong bumagsak. Sa bawat dulo ng medyo kulay tsokolate at maalon kong buhok ay may pumapatak na butil ng tubig. Gamit ang aking mga daliri'y sinuklay ko ito upang magkahiwalay ang ilang dulong nagkadikit- dikit.

Napahilamos ako nang mukha ng maramdaman ko na medyo humapdi ang aking mga mata.

Napatingin ako sa kalsadang walang tao. May kalakasan ang ulan kung kaya wala masyadong lumalabas. Kahit mga batang kasing edaran ko'y ayaw ring lumabas dahil takot na mabasa nang ulan at magkasakit.

Napalingon ako sa kabilang parte nang kalsada. Napangiti ako nang malaki ng maalala kung anong petsa ngayon. Ika- dalawampu't anim nang Mayo. Ibig sabihi'y nandito na sila galing sa kanilang naging bakasyon.

Kahit basang- basa ang kalsada at malakas ang ula'y nagawa ko pa ring tumakbo, hindi alintana ang paalala sa akin ng aking ina bago ako pinayagang makalabas at magliwaliw sa gitna nang ulan.

Sa ikatlong kanto nang diretsong kalsada sa kanang bahagi ay lumiko ako. At sa pang- limang bahay mula sa pagkakalikong iyon ay natanaw ko na ang bahay na aking sinadyang puntahan.

The two storey classic style house was painted with a combination of color blue and white. Alam niyo iyong itsura ng bahay sa ibang bansa, specifically sa US? Ganoon ang itsura niya. At kahit sa malayo palang ay kitang- kita na ito dahil sa ito lang ang natatanging bahay na ganoon ang itsura at kulay.

One Rainy Day in AprilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon