Chapter 1

19 2 1
                                    

CHAPTER 1: Crush Kita!

Julliana's Point of View

"Julia, mahal na mahal kita! Sobra! Hinding-hindi kita ipagpapalit kahit kanino ikaw lang! Ikaw ba? Mahal mo rin ba ako?". Aniya.

"James oo mahal na mahal kita! Noon pa man! I love you so much! Please magpakasal na tayo please!". Aktong hahalikan ko na sya sa labi pero nagulat na lang ako na nakita ko si mommy sa likod ni James? May hawak na sinturon! Waaahhh!!

"Julianna Xin!! Isang sigaw ko pa sa pangalan mo ihahampas ko na sa mukha mo ang sinturong hawak ko! Isa!" Halatang sobrang galit na sigaw nya saken. Grabe ang sakit sa tenga ng sigaw ni mommy eh halos sumabog eardrums ko urghh.

"Ehh.. ehh.. maa eto naa kikiloss naa po!" natarantang sigaw ko sa kanya sabay takbo sa banyo ko.

"Mag aalas-otso na jusmiyo ka first day na first day mo sa school late ka? Ano nananaman ang ginawa mo kagabi ha? Kaloka kang anak ka haa!". Grabe sya parang di nya ako anak kung makatalak ha.

By the way! Yung pa..na..gi..nip ko!? Hayysss panaginip lang pala omg saying magkikiss pa naman kami non, epal kase tong si mommy eh huhhuhu.

Pagkatapos kong magbihis ay agad na akong kumuha ng isang supot ng tinapay at chocodrink na paborito ni veveloves James ko hehe. Oo nga pala, di ko pa nasasabi na si James ang matagal ko nang pinapangarap na mapangasawa. Actually, since elementary pa lang nung una ko syang makilala at aba! ganon talaga ang lakas ng tinama nya saken! di mo maexplain sa lakas! At sa sobrang swerte kong babae ay magkatapat lang kami ng bahay ni James. Nung elementary ay halos araw-araw ay lagi kaming sabay pumasok sa school kaya ganon na lang saya ko.

"Anak, goodluck sa first day mo ha. I love you!". Sabi ni mommy bago ako umalis. Nag I love you din ako sa kanya.

Nung nasa labas na ako ng bahay ay saktong lumabas din ng bahay nila si James. Di bale ang bahay ni James ay nasa second floor at ako naman ay sa third floor. gets nyo? Malacondo kase ang eksena ng bahay namin.

"Good Morning James! Sabay na tayo pumasok?". Aba! di ako pinansin ni veveloves!

"Ahm James! Eto nga pala :)", sabay abot ko ng supot ng tinapay at chocodrink na paborito nya.

"Nag-almusal na ako." Bigla syang bumababa at dumiretso sa parking space ng mga bikes namin.

"Edi sabay na lang tayo pumasok!" with 100% smile ko yon ha!

"Bahala ka sa buhay mo." bigla na syang umalis. Hays kalian mo ba ako gaganituhin? huhuhuhu.

Sinundan ko na lang sya hanggang makarating na kami sa school namin. Ang Xenxiu University. Ito ay isang exclusive Chinese school sa Pilipinas. Kahit ikaw ay walang lahing Chinese ay pwedeng magaral ditto. Pagkapark namin ng bike namin ay biglang sumigaw etong si Mr. Salvador.

"You two! Your both late! Pumunta kayong ground floor at walisin nyo ang mga tuyong dahon sa ground floor now!" kfine. Atleast masosolo ko si James hahaha.

Sabay kaming pumunta sa ground floor pero nagulat na lang ako na marami pala kaming late ngayon? seriously? hayss. Alam ko na! what if..

Habang nagwawalis ay hinahanap ko si James dahil kanina, di ko namalayan na wala na sya sa paningin ko. Pero ay sa wakas nakita ko na sya kaya naman..

"James!" mahina kong tawag sa kanya.

"Jamess psstt!" ayaw mong tumingin ha?

"Jamesss!!!" medyo napalakas ko ata? kase ang daming nakatingin samen! shemay nakakahiya.

"Ano??" inis na sambit nya.

"Ano kasee." nakakahiya.

"Ano? or else iiwanan kita dyan." halaaa no.

"Crush kita James!" okay this is weird. Why? kase tumawa sya.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA". shemayy ang gwapo nya tumawaa.

"bakit ka tumatawa?" sabi ko na lang.

"Julianna? are you serious? di ba halata dati na may pagtingin ka saken? hahaha." okeyyy, sa sobrang lakas ng boses nya ay narinig iyon ng halos same students parin last school year kaya ganoon na lang din nila akong pagtawanan. Grabe ka James, grabe ka.

Sa sobrang lungkot ko ay dumiretso na lang ako sa room ako. At dahil sa swerte nga ako ay wala pa din ang teacher namin.

"Juliaaaaa!!!!" Sigaw ni Lea sakin sabay ng mahigpit na yakap at halik sa pisngi. You know, sign of friendship hehez.

"Namiss kita ng sobra beb." Sabay yakap ulit saken. Yes, beb ang tawagan namin ni Lea, astig right? haha

"Grabe ka naman beb parang kagabi lang nagskype tayo ah? hahahaha." Biglang bago ng mood ko hanggang matapos ang klase.

Di nakaattend ang adviser namin ang sabi daw ay may inasikaso lang saglit.

Dumating ang pangalawang araw ng klase ay nalate nananaman akong nagising kaya nagmadali akong lumayas ng bahay. Ngunit di ko na nakasabay si veveloves na pumasok dahil nga late ako. Habang naglalakad ako ay may nakasalubong akong isang lalake. Medj matangkad at Moreno. Ang ikinagulat ko ay bigla syang nadapa or I say natisod kaya agad ko itong tinulungan.

"Kuya okey ka lang?" tanong ko.

"Ahh, okey lang naman miss, sige alis na ko." Wow ha? di marunong magappeciate? galeng.

"Salamat ha!" sigaw ko sabay pasok sa room ko.

Saktong pagdating ko ay dumating din ang adviser namin kaya umupo agad ako.

"Okey class! I'm Mrs. Stella Magsaysay, your former adviser in the school year 2011-2012." Halatang magaling na teacher dahil sa ganda ng accent netong magsalita.

"By the way class, before we start our class, I would like to introduce to you your new transfer student, Mr. Liam Prostero, Mr. Prostero! kindly introduce yourself." Okay? sya yung lalaking di man lang nagappreciate ng tulong ko. But then, the way he looks, seems like he is a good person hahahahaha.

"Hi classmates! Ako nga pala si Liam Prostero, isang swimming athletic at sana ay maging kaibigan ko kayo lahat xiexie!" sabi nya.

"Okay you may seat at the back of that girl." turo sakin ni mam. seriously? sa likod ko sya uupo? hayss sige na nga hahaha.

Habang nagtuturo si mam ay napapatingin ako kay James na malapit lang sa upuan ko. Grabe ang gwapo nya talaga, di ka magsasawa tignan. Akin ka na lang plsss.

Nagising na lang ako ng bigla akong tawagin ni Mam. "Ms. Xin! What again is the formula of this?" sabay turo nya dun sa given number. At dahil bessywaps kami ni Lea ay tinuro nya sa notebook nya yung sagot kaya nakaligtas ako. Hayss.

"Class Dismiss!" Sabi ng teacher namin sa Philosophy kaya naman ay recess na.

"Hi Julianna! pwede ba akong makitabi sa inyo? wala pa kase akong kaclose dito eh, pwede ba?" Tanong ni Liam. Magsasalita na sana ako ng umeksena itong si Brendon.

"Okay lang repa! Tara dito ka sa tabi ko." Sabi nya. Hayss hayaan mo na nga.

Habang kumakain kami ay biglang umeksena itong si Sarah. Sarah David, na sa tingin ko ang magiging karibal ko this year. Hays wag sana please. Etong si Sarah matagal ko na din tong nakikita sa paligid ni James eh. Nakakabuwisit. Pero di ko sya maano ngayon e dahil sya ang Presidente ng section namin.

Dahil sa boring lapit ng pwesto ni James sakin ay narinig ko ang sinabi ni Sarah sa kanya.

"James, gusto ko nang sabihin sayo ito matagal na." Aniya.

"Ano yon?" Rinig kong sabi ni James.

"Ano kase... James crush kita." biglang tumakbo palabras ng canteen si Sarah.

eh?

_____________________________________________________________________________________________________________

Chapter 1 done! Thanks God!

Please do Vote and Comment! Thank you!

Crush ko,Crush ako?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon