Ikalawang Kabanata

6 0 0
                                    

Bigla nalang akong nakatapak ng isang paintbrush at dumiretso ang mukha ko sa direksiyon ng painting.

Ang huling nakita ko nalang ay biglang lumiwanag ang lahat.

~•~•~

Naglalakad ako ngayon papuntang building ng school namin, kasama ko ang kaibigan ko na si Eliana magkaiba kami ng year level, second year highschool siya habang ako naman ay third year highschool na. Parehas kami ng shift na panghapon.

"Sino mamaya 'yong mga makakasama mo? Habang naghihintay ng pasukan?" Tanong ko kay Eliana.

"Gano'n pa rin, 'yong mga kaibigan ko pa rin noing first year ako." Sagot niya.

"Eliana!" tawag ng isang babae na nasa kabilang side ng kalsada.

"Ate,  mamaya nalang uli. Salamat sa pagsama sa'kin pagpasok." Nginitian niya ako at tumawid na.

Ako naman ay nasa tapat na ng school building namin. Hinihintay ko nalang na papasukin kami sa loob.

Nasaan na kaya 'yong mga kaklase ko dati?

Chineck ko 'yong time 12:20 PM na pala. twenty minutes nalang ay pasukan na namin.

Pero asan na ba 'yong mga dati kong kaklase?

"Hermia!"

~•~•~

Nagulat ako bigla nalang akong bumalik sa sarili ko at natagpuan na hinahabol ko ang hininga ko. Tiningnan ko ang kanang kamay ko at may bakas ng kaunting pintura sa mga daliri.

Na-realize ko na nahadhad ng mga daliri ko ang kwadro na nasa harapan ko.

Ibig sabihin, nang mahipo ko 'yong kwadro ay nakita ko ang kwentong inilalahad noon?

Parang napunta ako sa nakaraan pero hindi, dahil hindi ko nakokontrol ang katawan ng taong iyon.

Na si tita Hermia.

Siguro nang mahipo ko ang kwadro ay nakita ko ang kwento na nag-flashback sa isip ni tita Hermia habang nililikha niya ito sa blankong canvas.

Pero paano ko nakikita 'yon?

Siguro may powers ako.

Hindi ako makapaniwala, napasok sa loob ng painting ang sarili ko. Siguro ang mga painting na ito ang nag-visualize sa isipan ko kung ano ang nangyari kay tita Hermia noong highschool pa siya. Ito na ata ang kwento ni tita.

Inubos ko na 'yong cheesecake na hawak ko.

"Feng?"

Napatingin ako sa direksiyon kung saan nandoon si tita.

"T-tita!" tawag ko sa kanya.

"Nandito ka lang pala." Lumapit si tita sa akin. Nakasuot ng jogging pants si tita at naka-yellow na t-shirt.

"Magliligpit ako dito ang kalat na kasi." Sabi ni tita at tinabi niya 'yong mga paintbrush na nakakalat at nilagay niya na sa isang garbage bag ang mga wala nang laman na acrylic paint.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 21, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unfinished PaintingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon