"Anak, pakidala ito kay tita Hermia mo bukas. Mga paboritong pagkain niya ito at mga gamit na naiwan niya sa galing sa probinsiya." Wika ng tatay ko habang nagliligpit kami ng mga gamit niya rito sa kusina.
Kakauwi lang kasi ni tatay galing probinsiya, binisita niya si lola Eda at kapatid niya, dahil birthday ni lola. Sayang nga't hindi ako nakasama kasi moving-up namin ng highschool at recognition ng buong eskwelahan ang araw kung kailan ang birthday ni lola. Pero nabati ko naman siya sa pamamagitan ng video call gamit ang isang application sa cellphone ko. Tuwang-tuwa naman ang lola ko dahil may honor ako at ayos lang daw na hindi ako nakapunta kasi may mga mahahalagang pangyayari at mauulit pa naman daw ang kaarawan niya sa susunod na taon kung loloobin ng Dios.
"Anak, pakilagay nga itong mga damit ko sa labahan." Wika ulit ng nanay, sinunod ko naman agad ang utos niya at sinabi niyang bukas nalang daw kaming maglaba dahil pagod siya.
Dumiretso na ako sa kwarto ko at sumalampa sa kama. Tumitig ako sa kisame namin at kung anu-ano na ang pumapasok sa isip ko. Napag-isip-isip rin ako na hindi pala nakapunta si tita Hermia sa birthday ni lola, bakit kaya?
Kung tutuusin hindi kami close ni tita. Madalang lang siya pumunta sa bahay, kung pupunta 'man ay may kukunin o ibibigay sa amin ni tatay. Pero close sila ni tatay at nanay, kahit hindi sila nagkakausap araw-araw. Ako lang ata hindi malapit kay tita Hermia. Kahit papaano, mayroon naman akong chance para makausap siya bukas. Buti nalang nautusan ako ni tatay.
Sa mga sandaling iyon ay may kumatok sa pintuan ng kwarto ko na nagbunyag na si nanay lamang. "Kumusta trabaho, nay?" Sumagot naman si nanay na ayos lang naman na medyo pagod.
"Feng, kilala mo pa ba si Ivin? Kinakamusta ka niya." Wika ni nanay.
"Ivin? Si Eng-eng?" Tanong ko at umupo sa swivel chair habang nakasandal ang baba ko sa sandalan nito.
"Oo, si Eng-eng." Sinarado ni nanay ang pinto at umupo sa kama ko. "Nagkita kasi kami sa market habang nag-g-grocery shopping ako."
"Nakabalik na pala si Eng-eng." Wika ko.
"Oo, nagkausap kami hindi naman kalayuan ang bahay nila sa bahay na'tin. Ang tangkad na kaya ni Eng-eng." Sabi ni nanay.
"Sus, mas matangkad ako kay Eng-eng."
"Nako, anak, siyam na taon nang nakakaraan 'yon." Hinampas niya ang hita ko na hindi kalakasan para sumakit.
"Matagal ko nang hindi nakikita si Eng-eng simula no'ng lumipat sila, kahit padala ng sulat wala. Eng-eng talaga." nag eye-roll ako.
Biglang nagdikit ang mga kilay ni nanay "Bakit ba Eng-eng ang tawag mo kay Ivin?" Tanong niya
"Kasi engot siya, kung anu-ano kasing kabalbalan ginagawa no'n noong maliliit pa kami. No'ng nadapa ako bigla siyang nagtanong ng "Masakit ba?" habang tinititigan lang ako imbis na tulungan. Sinabihan ko nalang ng "Grabe ang sarap, try mo rin." Engot kasi." Sagot ko na may halong inis na tono.
"Tapos noong nagpipiko kami dati ng mga kaklase ko. Lumapit siya, sabi niya "Hoy, anong ginagawa niyo?" walang sumasagot sa kanya no'n kasi halata na nga kung ano ginagawa namin at kasi busy kami sa paglalaro, kaya ang ginawa niya nilapitan niya kami isa-isa at tinanong ng "Ano ngang ginagawa niyo?" nang paulit-ulit."
"Ito pa, no'ng may nakita kaming asong tumatae bigla siyang nagsabi ng "Eng-eng, eng-eng." Kaya ayon tawag ko sa kanya Eng-eng." Sabi ko kay nanay.
"Atsaka, diba "U-um, u-um." 'yon? Hindi "Eng-eng"?" Tanong ko kay nanay at si nanay naman napatawa nalang.
"Kayo talaga, dapat magkita kayong dalawa eh." Tumayo na si nanay at pumunta na sa pinto.
"Baba ka na do'n, bumili ako ng bulalo. Tulungan mo kaming maghain ng papa mo." Binuksan ni nanay ang pinto at umalis na siya.
BINABASA MO ANG
Unfinished Painting
Romance"Kung ika'y nakakita ng isang 'di tapos na kwadro, itutuloy mo ba?" May isang babae na bumisita sa kaniyang tita para maghatid ng padala mula sa tatay niya galing sa probinsiya. Ang kanyang tita ay isang pintor na may dagdag na kwarto para sa mga n...